IASWAK18

761 80 2
                                    

Amy's Pov

Napamulat ako ng aking mata ng may marinig ako na tunog na nanggagaling sa tv? Hindi ko sure kaya bumangon na ako? Wait bakit nandito ako sa kama ni coleen ngayon? Napatingin naman ako sa paligid ng room at wala akong coleen na nakita.

Napababa na ako ng kama at chineck ko na agad yung cr kung nandoon siya ngunit wala akong nakitang coleen.

Kaya dali dali kong binuksan yung pintuan upang hanapin siya sa labas , may nabangga naman akong dahil doon na siyang ikinatumba ko din.

"Aray!" Sabay naming sabi napatayo naman ako bigla ng makita na si coleen yung nakabangga ko ngayon at nakaupo na din siya sa may sahig.

"Okay ka lang? Sorry bakit ka kasi lumabas? Tsaka bakit ako yung nasa kama pagising ko?" Sunod sunod na tanong ko sa kanya at tinulungan na siyang makatayo ngayon , nakita ko namang dumudugo yung sugat niya sa may tuhod kaya nag alala ako ng labis dahil doon.

Tinulungan ko na siyang makatayo at nakaakbay siya sa akin ngayon , bakit paramg bumigat naman ata siya ngayon?

Naglakad lakad na kami papuntang kama niya at tinulungan ko na siyang makaupo ng maayos sa kama niya ng biglang matalisod ako at masubsub yung katawan ko sa kanya.

Bali  napahiga kami sa kama at nakapatong ako sa kanya ngayon , tinititigan niya lang ako at napatulala naman ako sa kanya.

Napakaganda pala niya lalo sa malapitan at ang ganda din ng mga mata niya , nagulat naman ako ng hawakan niya yung bewang ko at kahit gustuhin ko nang umalis sa ganung sitwasyon ay hindi ko maigalaw ng maayos yung katawan ko.

Unti unti niyang inilapit sa akin yung mukha niya at napapikit nalang ako dahil doon ngunit may biglang humatak sa akin na ikinagulat ko.

Bigla niyang sinapak si coleen sa mukha ngunit pinigilan ko na siyang ituloy iyun dahil hindi pa nga gumagaling yung mga sugat at pasa ni coleen sa mukha.

"Tarantado ka coleen! Mamanyakin mo pa si amy ah! Ayan ang nababagay sayo! Amy tara na! At baka kung ano pa yung magawa ko dyan!" Sabay hila sa akin ni jaydee palabas , humihigpit naman yung pagkakahawak niya sa akin.

"Jaydee? Bitawan mo ako nasasaktan ako sa pagkakahawak mo , jaydee!" Pagalit na tawag ko sa kanya di ko alam kung bakit ako naiinis sa masakit na pagkakahawak niya ba sa akin ngayon or sa pagpigil niya sa amin ni coleen.

"Anong pumasok sa isip mo amy at nandito ka? Bakit ikaw yung nagbabantay sa kanya doon? Di ba sabi ko sayo na mapapahamak ka lang kapag lumapit ka sa kanya? At ano yun bakit hindi ka man lang pumalag rh hahalikan ka na ng mukhong na yun!" Galit na galit na sabi niya at binitawan niya na yung kamay ko , napahawak naman ako doon dahil namumula na siya sa sobrnag higpit ng hawak niya kanina.

"Jaydee bakit ganyan ka ba kagalit kay coleen? Mabait siya at tsaka wala kasing magbabantay sa kanya kaya nag stay ako doon at tsaka ako yung nagdala sa kanya dito kaya nakokonsensya ako if iiwan ko siya sa lagay na yun" pagpapaliwanag ko pa sa kanya ngayon , may kakaiba kay jaydee bakit ganito nalang siya kagalit kay coleen? Tungkol parin ba ito sa ginawa ni coleen kay laney?

"Mabait amy? Di mo pa siya kilala ng lubos amy kaya wag kang papalinlang sa kanya kung nagpapakitang tao lang siya pagdating sayo!" Galit na tugon niya sa akin at napahawak pa siya sa kanyang batok at namumula na rin yung mukha niya dahil sa galit.

IT ALL STARTED WITH A KISS (COCOTYANG)Where stories live. Discover now