Chapter 21

17.8K 326 19
                                    

NAPATULOG ko na si Zane kaya naman ngayon ay nandito kaming tatlo nila sir Zyair at Nicole sa sala.

Hindi ko alam kung bakit pa nila ako sinama kung mag-uusap lang sila dahil kanina pa sila hindi magkasundo.

Pinipigilan ko nalang sila kapag sumosigaw sila dahil baka magising pa si Zane dahil sa ingay nila.

"Bakit Zyair,akala mo ba talaga pipirmahan ko yun?hah!pwes nagkakamali ka."nanunuyang sabi ni Nicole.

"You bitch."madiing sabi naman ni sir Zyair.

"Oh yes Zyair I'm a bitch,Your Bitch."
nakangiting sabi ni Nicole.

"Ano pa bang gusto mo?"malamig na ani ni sir Zyair.

"Tinatanong pa ba yan?Of course you.
Alam mo namang hanggang ngayon ay mahal na mahal pa din kita ypu just denied it."

"You see Nicole.I already have a girlfriend,so fucking sign that fucking paper!dammit!"nanggigil na saad ni sir Zyair.

Tumayo si Nicole at nanunuyang tumingin sa akin.

"Clementine Indra Acker remember this,I.will.never.sign.the.divorce paper."sabi nito at umalis.

Napasabunot sa buhok si Zyair dahil sa inis kay Nicole.

"That fucking bitch is really testing me"rinig kong bulong nito.

Tumingin ito sa akin kaya naman nakaramdam ako ng malakas na tibok ng aking puso.

"Come here."sabi nito.

Hindi ako lumapit dahil hindi ko pa din maintindihan kung bakit lumalakas ang tibok ng aking puso sa tuwing siya ay nakatingin sa akin.

"I said come here!"sigaw na nito kaya naman dali dali akong lumapit sa kaniya.

Uupo na sana ako sa tabi niya ng hinila niya ang kamay ko kaya naman napaupo ako sa kaniyang kandungan.

Nagulat ako ng ilagay nito ang mukha sa aking leeg.

"Pagod na ako.Pagod na pagod na ako Indra,i don't know what to do anymore."nanghihinang wika nito habang nakasubsob pa din ang mukha sa aking leeg.

Hinaplos haplos ko nalang ang buhok niya dahil naawa na din ako sa kaniya.Ikaw ba naman ang may asawang gusto mo nang hiwalayan pero ayaw nito.

Hindi ko napansin na nakatulog na pala si sir Zyair narinig ko nalang ang mahinang hilik nito tanda na ito ay nakatulog na nga.

Mukang pagod na pagod nga ito makipagtalo sa Nicole na yun.

Hindi ko alam ang buong istorya sa pagitan nila pero sana ay maayos na nila yun para na din sa bata.

Pero kung hindi talaga pwede ay sana ay maging mapayapa nalang ang paghihiwalay nila.

Kapag ako nagkapamilya,sisiguradu-
hin kong buo at masaya kami.Ayokong lumaki ang magiging anak kong maramdaman niyang kumpleto siya.

Inayos ko nalang ang pagkakahiga ni sir Zyair sa sofa at nilagyan nalang siya ng kumot at pumunta na din sa aking silid para matulog.

Sinilip ko muna si Zane at tuluyan nang pumasok sa kwarto upang matulog.

Nagising ako sa ingay galing sa aking cellphone kaya tinignan ko ito at nakita ko si inay na tumatawag.

Sinagot ko ito at nakarinig ako ng malakas na ingay kaya nailayo ko ang cellphone sa aking tenga.

Niloud speaker ko nalang ito habang inaayos ang aking kama nang narinig ko ang umiiyak na boses ni inay.

Itutuloy.
❄️
Celeste 🤝 Clementine.

BS #1 BetrayedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon