IASWAK19

742 76 5
                                    

Amy's Pov

Simula nung araw na umamin si jaydee sa akin at kinabukasan ay kinausap ko siya about doon na kaibigan lang ang tingin ko sa kanyaay  hindi na niya ako muling kinausap at lumalayo na siya sa akin.

Nakakapanibago lang kasi nga hindi ako sanay na wala siya sa tabi ko , na walang nangungulit sa akin at nag lilift up ng mood ko sa tuwing malungkot ako.

"Amy? As a bestfriend niyo ni jaydee hindi ko kayang makita kayong ganito , napapadalas na yung pagsama niya doon kay frances at ni hindi niya man lang tayo kayang tignan at nalulungkot ako dahil doon, talaga bang wala kang nararamdaman sa kanya? Na kahit katiting lang?" Seryosong sabi sa akin ni laney , pati nga din siya nadamay na hindi na rin siya kinausap ni jaydee kagaya ko.

Wala talaga eh kaibigan lang talaga yung turing ko sa kanya para ko na nga siyang kapatid eh at nalulungkot ako na isipin na dahil lang sa one sided love niya sa akin ay masisira yung pagkakaibigan namin.

"Parang kapatid na ang turing ko sainyo dalawa laney at nalulungkot din ako sa nangyayari ngayon" malungkot na sabi ko at napahalumbaba nalang , bumungad naman sa pintuan si kaycee at agad na lumapit sa amin.

"Laney at Amy? Totoo ba yung balita na aalis na daw si jaydee sa heartless angels? Please sabihin niyong hindi totoo" sabi niya sa amin ni laney nanlaki naman ang aming mata dahil sa aming narinig.

Nagkatinginan nalang kaming dalawa ni laney na tila bay nagtatanungan kung may nalalaman ba kami tungkol doon.

"What! Saan niyo nakalap yan kaycee?"

"Sinabi sa amin doon sa may cafeteria ng iba naming kakilala sa fandom at ayun kasi yung usap usapan doon ngayon tsaka lilipat din daw si jaydong ng school at doon nalang tatapusin itong semester" sabing muli ni kaycee napatayo naman ako at akmang hahanapin na si jaydee nang biglang nag ring yung cellphone ko.

Agad ko na iyun kinuha sa bulsa at tinignan kung sino yung tumatawag ngayon at si Ms. Mae nga iyon.

OTPC

"Hello po Ms. Mae?"

"Amy pumunta kayo ngayon dito ni laney sa studio at may pag uusapan tayo ngayon! Inexcuse  ko na kayo sa klase niyo ngayon kaya wag kayong mag alala"

"Sige po Ms. Mae papunta na po kami dyan"

EOTPC

"Anong sabi niya amy?" Takang tanong ni laney sa akin , kinakabahan naman ako paano kung totoo nga yung sabi sabi na aalis na si jaydee sa grupo at lilipat ng school?

"Pumunta daw tayo ng studio ngayon at may pag uusapan daw , tara na laney" sabi ko sa kanya sabay tayo , nakasunod lang siya sa akin ngayon dahil sobrang bilis kong maglakad at hindi niya ako maabutan.

Nakarating na kami sa may studio at nandito na lahat ng mga naghahandle aa amin ngunit wala ngayon dito si jaydee.

"Amy at laney? May ideya ba kayo kung bakit biglaan naman yung pagdedesisyon ni jaydee na umalis sa grupo o banda niyo?" Bungad na tanong sa amin ni Ms. Mae napailing nalang kaming dalawa ni laney feeling ko dahil sa akin kung bakit siya aalis sa banda namin at magtatransfer ng ibang school.

IT ALL STARTED WITH A KISS (COCOTYANG)Where stories live. Discover now