KABANATA 18

5.1K 402 60
                                    

   Gabi na. Batay sa orasan ay 6:30 na ng gabi. Nanlalagkit ako sa aking sarili. Habilin kanina ni Frosto ay hindi raw siya papasok dito. Bale, bukas nalang raw bago kami umalis para bumili ng susuotin ko sa kasal ng kambal niya.

Dapat raw mga 8:30 ay nakabihis na ako. Wala narin akong dapat pa na ikababahala kasi raw may mga mag aasikaso na raw ng pagkain ko.

Bumangon ako mula sa kama. Hindi parin ako nakakabihis. Hindi rin ako nakakaligo pa. Ang totoo niyan ay namamangha ako sa loob ng kwartong ito. Literal na lahat. Mula sa mesa makinis at kulay ginto. Sa dingding na babasagin na kumikinang. Sa kumot at kutson na napakalambot na parang bulak. Ang banyo nila parang bahay na namin!

Bumangon ako sa kama at binuksan ang pintuan ng banyo. Hawak ko ang tuwalya ng pumasok ako doon at saraduhan ang pintuan.

"Grabe.." halos manginig ako sa pagkakamangha. Syempre alam na alam ko itong nakikita ko ngayon! May shower! May bath tub pa! Ang isa sa mga pangarap ko na makaapak sa loob ng bath tub!

Lumapit ako doon at hinanap ang shower nito para malagyan ng tubig ang tub. Nakita ko iyon kaya pinihit ko. Lumagutok iyon pero hinayaan ko nalang. Hinintay ko na mapuno yung tub. Ganon kasi sa mga nakikita ko.

Kumuha ako ng showergel sa gilid at binuksan iyon. Excited akong naghubad ng bestida at lumusong sa tub. Hindi pa masyasong puno ang tubig pero naeexcite na kasi ako!

"Grabe!!" napatili ako ng may kung ano sa aking tiyan ang nakikiliti dahil sa mga naranasan ko ngayon. Di ko inakala na mararanasan ko ito.


Sa sobrang pagod ko sa pagbiyahe siguro at walang tulog ay nakaidlip ako sa bath tub ng hindi ko namamalayan.

Hindi ko alam kung ilang minuto o oras kasi ng magising ako ay walang tigil na ang pag agos ng tubig mula sa bath tub at hanggang sahig na iyon ng buong banyo!



Malakas akong napasinghap at bumangon! Dahil sa kaba ay nasapo ko nalang ang bibig! Hindi ko alam kung ano ang uunahin ko! Ang tubig ba sa tub o ang tubig sa sahig ng buong banyo. At mas lalo pang lumakas ang buhos ng tubig!

"L-Lagot!" nanlamig ako at inabot ang shower para patayin pero hindi ko na iyon mai-off. Sira iyon!


Nanginginig akong natulala at tinitigan ang kamay ko at kulubot na iyon. Ganon ba ako katagal sa tub?

Hindi ko namalayan ang luha sa aking pisngi. Kinuha ko ang tuwalya at binalot sa aking katawan at binuksan ang pintuan. Halos umabot na ang basa sa kuwarto!

Lagot ako. Papagalitan ako ng may ari ng suite! Ano nalang ang sasabihin sakin ni Frosto?

Ngayon palang ako kinabahan ng ganito sa buong buhay ko. Bahala na. Mag eexplain nalang ako. Si Frosto lang ang makakatulong sa akin at wala ng iba pa.

Patuloy ang pag agos ng tubig kaya hindi na ako nagtagal pa. Agad na akong lumabas ng kwarto na nakatapis ng tuwalya.

Tumakbo ako para buksan ang pintuan ng suite. Naghihingalo ako sa sobrang kaba at bumungad sakin ang isang Frosto na nakahilig sa dingding ng suite niya, kaharap ng suite ko.

Sinapo ko ang dibdib ko ng makita ang pagod at seryoso niyang mata ay umalerto ng makita ako.

"Frosto ang gripo ka-kasi."  nanginginig kong sumbong. Hindi pa ako natatapos sa sumbong ko ng tinulak niya ako papasok sa suite ko.


Hindi siya nagsalita kundi nilibot niya ang titig niya sa kabuuan ko at sa aking likuran kung nasaan ang nakabukas na banyo!

Sinara niya ang pintuan ng suite at may tinawagan.

Naiiyak ko siyang tinitigan. Huminga siya ng malalim. Walang panunumbat ang mga mata niya.

"H-Hindi ko sadya. N-Nakatulog ako sa bath tub dahil sa sobrang s-saya ko."

Umawang ang labi niya. Nilapitan niya ako at hinaplos ang aking buhok.

"Wala yan. Pumasok ka sa kwarto mo at magbihis. Papaayos ko na."

Tinikom ko ang bibig at sinunod ang sinabi niya at nilingon muli ang krimen na ginawa ko sa banyo.

Marami talaga akong bagay na hindi pa masyadong alam. Mga bagay na kailanman hindi ko nahawakan ,nagagamit o nakita man lang noon. Mga bagay na sa telebisyon ko lang nakita at hindi sa totoong buhay.



Inayos ko ang sarili sa kwarto. Naririnig ko ang pag ayos sa banyo at boses ni Frosto. Kinuha ko ang t shirt na kulay brown at maong short na luma, hanggang tuhod iyon at sinuot.



Sumilip ako sa sala ng ayos na ang sarili at nakita doon si Frosto na nakaupo. Nakahilig siya sa sofa at nakahalukipkip.


"Are you okay?" agaran ang paglapit niya sakin at paghaplos sa pisngi ko, tila naghahanap siya ng sugat sa aking katawan.

Tumango naman ako. "O-Oo. N-Nasira ko yata yung shower. H-Hindi ko talaga alam ang mga gamit dito kaya kanina sinabi k-ko na kung puwede doon nalang rin ako sa kwarto mo."


Pumikit siya ng mariin.

"We can't." diin na sabi niya. Nanghina ako pero ngumiti.

"A-Ayos lang."



Sa mesa nandoon na ang mga pagkain. Nilapitan ko agad iyon at sumunod sakin si Frosto. Ang daming sabaw na may mga gulay!

"A-Ang sasarap naman nito."

"That's our dinner. Kainin mo lahat."

"Kumain ka rin ah." sabi ko sa kanya.

Inayos niya ang plato namin. Magkaharap kaming kumakain. Halos lantakan ko iyon lahat. Ang sarap ng bulalo nila!

"We have all day tomorrow. Anong mga gusto mo?"tanong niya. Tapos na siyang kumain. Nakatukod ang siko niya sa mesa.

"K-Kahit ano. Uh, malaki na yata ang utang ko."

Humalakhak siya. "Sige lang. Mababayaran mo rin naman iyan paglaki mo." aniya sakin.

Ngumiti ako at sunod sunod na tumango sa kanya.

"Oo naman."


"Ubusin mong lahat. Wag kang mahiya. Bibigay ko lahat ng gusto mo Sol. Nanliligaw nga ako di'ba?"

Natikom ko ang aking bibig. Natanto ko lahat.

Kasama ko ang manliligaw ko sa isang hotel. Dinala niya ako sa Manila. Lahat ng gusto ko binibigay niya.

Natanto ko iyon lahat!

Uminit ng husto ang aking pisngi at napatingin sa labi niya.

Humilig ako sa mesa.

"Kung sasagutin ba kita..gagawin narin natin ang katulad sa pelikula?"

Umayos siya ng upo, tila nabigla. "A-Anong sa pelikula?"


"Iyong...nagyayakapan at naghahalikan. Ganon ba iyon?"

Kinagat niya ang labi habang titig na titig sa labi ko. Inabot niya ang labi ko at hinaplos iyon ng dahan dahan.


"Oo naman. Gagawin natin iyon Sol." bumaba ang haplos niya sa panga ko at napapikit ako. Nakaramdam ako ng antok sa bawat haplos niya sakin.



Unang Halik Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon