Chapter 3

530 59 2
                                    

Jaydee's POV

Nandito kami ngayon sa bahay ng byenan ko. Si Mama todo asikaso sakin kaya si Frances sama ng tingin sakin HAHAHAHAHA di kasi siya pinapansin ng mama niya

"Ma? hello? uwi na ba ako? iwan ko nalang si jaydee sayo gusto mo?" sabi ni Frances sa mama niya

"Jaydee dito ka nalang matulog, malinis naman yung dating kwarto ni Frances dito" sabi ni mama Ming HAHAHAHA nako po mukhang may maiinis nanaman

"MA!!" inis na sigaw ni Frances sa nanay niya kaya natawa nalang si mama sakaniya

"Joke lang nak, di na mabiro. Masaya lang ako napadalaw kayo dito" nakangiting sambit ni mama. Madalang lang kami makapunta dito gawa ng sobrang busy sa work. Mabuti nalang at parehong maaga ang out namin ni queen at nakapaghapunan kami dito

"Ma ang sarap po talaga ng luto niyo. Wala pong tatalo! The best!" tapos nag-thumbs up ako kay mama hehehehe masarap talaga luto nya kaya nga favorite ko to ih

napangiti naman siya sa sinabi ko, "Hindi ka ba pinagluluto ni queen ng ganyan?" tanong niya

"Wala na po kaming time para magluto ma. Almusal na nga lang po kami nagkakasabay kumain ni queen eh. Pero minsan, ako po nagluluto ng hapunan namin" sagot ko.

"Okay lang ba sainyo yan? Masyado yata kayong nakafocus sa work ah, lumalabas paba kayo? Date ganon?" napaisip ako sa tanong ni mama. Kelan nga ba kami last kumain sa labas? last 2 years ago? tinignan ko si queen na nakatingin lang sa baba at parang ang lalim ng iniisip

"Busy lang po talaga ma. pero pag may time, ide'date ko po anak niyo hehe" sambit ko

"Para sa bata na lang yang date date na yan" Singit ni Frances. "Hindi na tayo bata jaydee, madami na tayong responsibilidad. Lalo na sa work natin"

"Queen naman, magpahinga naman kayo minsan. Hindi naman masamang magsipag sa trabaho pero masaya ka ba? Enjoy ka na muna, mag-30 palang kayo oh" pangaral ni mama samin, "Nga pala, Wala ba kayong balak mag-anak?" nagulat ako sa tinanong ni mama Ming

"Hindi pa namin pinag-uusapan yan ma, kapag financially stable na siguro kami. Di pa namin tapos bayaran yung bahay eh" sagot ni Frances.. Hay

Malapit na naming matapos bayaran yung bahay namin. Next year fully paid na yun, saamin na talaga siya. Mejo may kalakihan kasi yung bahay na yun. May tatlong kwarto, master's bedroom na kwarto namin ng asawa ko, yung isang room ginawa muna naming office at gym while yung isa is guest room, para if gusto maki-tulog nila mama or mga friends namin pwede sila dun

After namin maghapunan ay nagpaalam na din kami kina mama. Habang nagbyabyahe walang nagsasalita samin. Sobrang tahimik kaya nagplay nalang ako ng music

Without you (by AJ Rafael)

Bucket full of tears, baby, know I'm here
I'm here waiting
Close your precious eyes and just realize
I'm still fighting
For you to be with me and sit under this tree
We can watch the sunrise
We can watch the sunrise

I look at Frances.. her eyes are closed. I don't know if she's sleeping. "Kahit tulog ang ganda pa din" bulong ko sa sarili ko. Totoo naman kasi. She's so pretty kahit anong gawin niya.

Wake up feel the air that I'm breathing
I can't explain this feeling that I'm feeling
I won't go another day without you

"Hey love.. wake up. We're here na" pag-gising ko sakaniya. Kinusot niya mga mata niya at tumingin sa labas. "Ang ganda mo mahal" I don't know why I can't say that directly to her. Maybe because we don't say sweet things to each other for so long. Sa sobrang tagal na naming magkasamang dalawa, "i love you's" nalang ang natitirang sweet na nasasabi namin sa isa't isa, tapos puro bangayan at asaran nalang kami

Once More (Frandeesal)Where stories live. Discover now