Midnight Lover - 30

138K 1.8K 26
                                    

ASHER

Matapos ang dinner namin kasama ang parents ni Raven ay nagpaalam na rin kami. At habang lulan kami ng pinara naming taxi ay biglang nag ring ang phone ni Raven.

"Yes, mars? Yeah, pauwi na dapat kami. Really? Sige, sige punta kami diyan." Iyon lang at pinatay na niya ang phone niya at binalingan ang driver. "Manong, sa Rolling Stone na lang pop ala tayo sa may Tomas Morato."

"Sige po, ma'am," sagot ng driver.

Lumingon sa 'kin si Raven at pagkatapos ay ngumiti. "Are you really sure na sakto na 'yang mga damit na pinamili natin kanina? Pwede tayong bumalik ng mall bukas."

Umiling ako. "Huwag na. Tama na 'to. Pwede ko namang labhan na lang agad ang damit na huhubarin ko. Saka alam mo ba..."

Kumunot ang noo niya sa 'kin. "Ano?"

Inilapit ko ang bibig ko sa isang tenga niya at saka bumulong ng, "Hindi ko kailangan ng maraming mamahaling damit. Dahil ang pinakamasaya at pinaka-espesyal na bagay na nararanasan ko ay nangyayari kapag wala akong damit."

Ang lakas ng tawa niya dahil sa sinabi ko. Actually, naramdaman ko pang kinurot niya ako sa braso sabay sabi ng, "Ang naughty mo." Which is actually true.

Nang makarating kami ng Rolling Stone ay saka ko lang naisipang itanong sa kanya kung sino ang kakatagpuin namin dito. Pero nasagot rin ang sagot ko nang pag-akyat namin sa taas ay lumapit kami sa isang grupo ng mga nagbi-billiards.

Nakipag-beso si Raven sa limang taong naroon. May dalawang naglalaro ng billiards at ang tatlo naman ay umiinom ng alak.

Agad na nakilala ko ang dalawa sa kanila—ang komedyanteng si Pooh na ngayon ay may hawak na taco at akmang titira na. Ang isa naman ay si Anton Diva na madalas kong mapanood ang mga videos sa Youtube.

"Guys, this is Asher. Boyfriend ko," pagpapakilala sa 'kin ni Raven sa kanila. Bagama't medyo awkward ay isa-isa akong nakipagkamay sa kanila. Medyo nanginig yata ang kamay ko nang magdaop ang palad namin ni Pooh.

Hindi naman kasi araw-araw na nakakasalamuha ako ng artista.

"Girl, order na lang kayo ng drinks niyo," sabi sa amin ni Pooh.

Tinawag naman ni Raven ang isang babaeng nakatayo medyo malapit lang sa pwesto namin. Ibinigay niya dito ang order naming dalawa—Jackole para sa kanya at San Mig Light naman para sa 'kin.

Nang umalis ang babae ay pasimple kong binulungan si Raven. "Mga friends mo talaga sila?"

Tumango naman siya. "Yeah. Actually, naging friends ko na lang din sila dahil madalas akong tumambay sa mga comedy bars noon. Hindi ba't sa Zirkoh ka nagwo-work dati?"

Ako naman ang napatango dahil sa sinabi niya. "Paano mo nga pala nalaman ang tungkol sa bagay na 'yon?" I asked her.

"Well, ini-stalk kaya kita dati. Pero hindi mo lang siguro ako matandaan kasi laging iba-iba ang suot kong wig kapag pumupunta ako ng bar niyo."

Napangiti ako dahil sa sinabi niya. "So matagal mo na pala akong pinagnanasaan. Kaya ba sa apartment ko ikaw nag rent?"

Kunwari'y mataman siyang nag-isip na nakahawak pa sa sentido niya. "Hmmm... isa siguro 'yon sa mga rason."

Sakto naman na dumating ang orders namin. Niyaya ako ni Anton na mag-billiards daw kami. Kahit hindi ako magaling ay pumayag na rin ako. Best of three ang laban.

"Kapag nanalo ka, hahalikan mo ako. Kapag nanalo ako, hahalikan naman kita," sabi ni Anton sabay tawa.

"Bruha ka! Ikaw na parati ang panalo no'n!" sigaw ni Raven sabay yapos sa bewang ko habang nakasandal ang ulo niya sa dibdib ko.

Midnight Lover [RATED SPG / COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon