IX

1.8K 130 15
                                    


MARSELA MARI GUIA

Napakurap-kurap ako habang pinagmamasdan ang papel ko. Huling test ko na 'to para sa araw na ito. Hindi ko napigilan ang mapabuntong hininga. Mukhang bagsak ako mamaya sa kama pag-uwi ko.

Saglit kong sinulyapan ang dalawa na tahimik na nag-aayos ng gamit nila. Mukhang tapos na din ang mga bruha.

Agad naman akong tumayo para magpasa ng papel. Ganon din naman ang dalawa.

Tuluyan na kaming nakahinga ng maluwag ng makalabas kami sa room na 'yon. Last na bukas, makakaraos na din kami.

"Ang hirap ng exam ni Ma'am." maktol ji Belle. "Pakiramdam ko napiga ng husto ang utak ko. Grabe ee." dagdag pa niya

Napatawa naman ako agad silang inakbayan na dalawa. "Ganon ata talaga kapag menopause na." Shekir replied.

Malakas na natawa kaming tatlo dahil sa sinabi niya. Napatigil lang kami sa pagtawa ng sitahin kami ng mga estudyanteng nadadaanan namin sa bawat room. Napangiwi na lang ako habang itong dalawa ay tahimik na tumatawa parin.

"Gusto ko ng mahiga." Sheki said. "Mauuna na ko sa inyong dalawa. Bukod sa inaantok na 'ko, nagugutom na din ako."

I shooked my head in disbelief. "Araw-araw ka namang gutom kaya wala ng bago dun."

Pero ang babaeng yun, inirapan lang ako bago lumihis ng landas. Natatawang napailing na lang kami ni Belle. Si Sheki, ang lakas mang-asar, pikon din naman.

"Mauuna na din ako Sela." Belle said and tapped my back. "Ingat ka, okay?"

Nakangiting tumango ako sa kanya. "Yeah, ikaw din."

Saglit niyang dinampian ng marahang halik ang noo ko bago siya umalis. Napahinga na lang ako ng malalim at saka tinahak ang daan patungong shed.

Pero hindi pa ko tuluyang nakakarating ng may mataan akong nakaupo din. Kahit ayaw ko, wala akong nagawa kundi ang magpatuloy na lang sa paglalakad.

Hindi na ko sanay na may ibang taong nandito.

"Nandito kana din. Sa wakas."

Bahagya akong natigilan ng makitang nandito siya. So, siya pala yung nakita ko sa malayo palang?

"Gia? Anong ginagawa mo dito?" kunot noong tanong ko.

Alanganing ngumiti naman siya sa'kin at napakamot sa batok niya. "Si Trinidad kasi, inutusan ako." sumbong niya na parang bata. "Samahan daw kita dito hanggang sa dumating sundo mo."

Bahagyang umawang ang labi ko parang lang sumara ulit. Mabilis din akong nag-iwas ng tingin sa kanya at mas piniling yumuko na lang.

Si Abby, ginawa niya yun? Seryoso?

"Ano bang susundo sayo? Grab mo o yung kuya mo?" tanong niya pa.

At ng dahil sa tanong niyang yun, mabilis akong nag-angat ng tingin para lingunin siya.

Nakakapanibago lang. Hindi na ko sanay na ibang tao ang kasama ko dito. At saka, kilalang-kilala ko ang ganong klaseng tanong.

Siya lang naman ang laging nagtatanong sa'kin ng ganon.

Under The Shade (SeBy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon