. . . ⇢ 30 ˎˊ˗

194 13 19
                                    

tatlong araw na ang nakakalipas simula nang makauwi ang gang galing sa en-connect island. may kanya-kanya ding pinagkakaabalahan ang iba dahil hindi pa naman nagsisimula ang klase.

minsan nagyayaya ang iba na lumabas pero si julie na tatlong araw na nasa loob ng kwarto niya ay palaging tumatanggi, mas gusto niya kasi na mapag-isa muna especially after ng mga nangyari sa pagitan nila ni heeseung.

speaking of heeseung. sinusubukan ngayong tawagan ni julie ang binata pero hindi ito sumasagot. kapag naman chinachat siya ni julie ay hindi ito nagr-reply, ni-hindi man lang siniseen ang messages niya.

kahit nga ang mga kaibigan nila ay walang ideya kung anong ginagawa ni heeseung ngayon. she even asked cyril— heeseung's cousin about him pero maging si cyril ay hindi kinakausap ni heeseung.

at sobrang nag-aalala na ang lahat, especially julie.

"i'm so stupid."

napapikit na lang si julie, unti-unting pinadausdos ang sarili paupo sa sahig at pagod na sumandal sa pader. hawak niya ng mahigpit ang phone niya, naghihintay pa rin sa reply at tawag ni heeseung.

"of course he knows it, julie. hindi naman siya aalis bigla kung hindi niya nalaman ang about don." muli niyang pagsasalita at napabuntong hininga na lang.

dahan-dahan nagmulat ng mga mata si julie nang may marinig siyang katok mula sa labas ng kanyang pintuan. walang enerhiya siyang tumayo para buksan iyon at nang mabuksan ay bumungad sa kanya si sunghoon.

"oppa, i already told you. i'm—"

"may bisita ka."

natigilan si julie nang sabihin iyon ni sunghoon. nagtatanong ang mga mata ni julie pero hindi na siya nagtanong pa at agad lumabas ng kwarto para bumaba, umaasang si heeseung ang bisita.

"hee—"

"julie, baby."

agad nagsalubong ang kilay ng dalaga nang makita niyang hindi si heeseung iyon kundi iba, si damon— ang dahilan kung bakit nagkagulo-gulo ang isipan niya at relasyon nila ni heeseung.

"what the fvck are you doing here?" madiin niyang tanong sa binata.

ngumisi lang si damon. "told you, susundan kita. you're my girlfriend, right?"

"what—"

"is it true?"

gulat na napalingon si julie mula sa kanyang likuran at doon ay bumungad sa kanya ang kapatid niyang si sunghoon. seryoso ang mukha nito pero makikita mo ang pagkadismaya sa mga mata nito.

"let me explain—"

"something happened between us." putol ni damon at mas lalong napangisi.

napatingin si julie sa kanya ng masama. "that's not true—!"

"kim julie." kalmado ngunit madiin na tawag sa kanya ni sunghoon.

napakagat lang si julie sa ibaba niyang labi, pinipigilang umiyak sa harapan ng ibang tao. lumingon siya kay sunghoon. "pakinggan mo muna ako, hibang ang lalaking 'yan. walang nangyari sa amin—"

"but we made out, right?" lumapit siya kay julie na nakatalikod sa kanya at bumulong sa tainga ng dalaga. "you already forgot that night, baby? the way you kissed my lips and how my hands runs inside of your clothes—"

hindi na natuloy ni damon ang sinasabi niya nang tumama sa kanya ang kamao ni sunghoon, napahawak na lang si damon sa gilid ng labi niya na pumutok sa lakas ng pagkakasuntok ni sunghoon dito.

madilim na ang aura ni sunghoon at mas lalong dumilim nang titigan niya si damon. "get out."

imbis na matakot ay ngumisi lang ito na parang baliw. muli siyang bumaling ng tingin kay julie at saka kay sunghoon. "ask her, i'm just telling the truth." aniya saka naglakad paalis doon.

naiwan naman sina julie at sunghoon sa gitna ng katahimikan. sunghoon's eyes softens when he hears someone's sobbing. napatingin siya kay julie na nakayuko habang hawak-hawak ang bibig, pinipigilan na umiyak ng malakas.

akmang yayakapin siya ni sunghoon para aluin nang biglang lumayo si julie at naluluhang napailing-iling saka tumakbo pataas para pumunta sa kwarto, iniwan si sunghoon nag-aalala at maraming tanong.

nang makapasok si julie sa kanyang kwarto ay agad niya 'yon nilock at sumandal sa likod ng pintuan hanggang sa mapaupo na lang siya sa malamig na sahig, nakayuko at tahimik na umiiyak.

naiiyak siya sa galit. hindi lang dahil sa pangs-set up ni damon sa kanya kundi pati na rin sa sarili niya to the point na hindi niya maiwasang sisihin ang sarili dahil kung hindi sana siya uminom, sana hindi siya nakainom ng drugs at napunta kay damon.

at sana masaya pa sila ni heeseung ngayon. pero tapos na, nangyari na at hindi na 'yon mababawi pa. hindi niya rin maiwasan mandiri sa sarili dahil lahat ng sinabi ni damon, lahat 'yon totoo.

muntik na may mangyari sa kanilang dalawa.

ganun pa man, ang dumi na ng tingin niya sa sarili niya dahil nahawakan na siya ng ibang lalaki.

mas lalong dumiin ang kagat ni julie sa ibaba niyang labi hanggang sa malasahan niya na ang sarili niyang dugo sa labis na galit na nararamdaman niya.

at sa mga oras na 'to, si heeseung lang ang nasa isipan niya. mga alaala nilang dalawa ay nanumbalik sa kanyang isipan. mga masasayang alaala at kung paano siya alagaan at pasayahin ni heeseung.

kung paano siya mahalin ni heeseung.

pero sinayang ko lang 'yon.

-♡️-

heeseung
@heeheehee

julie
i need you

julie
please reply

julie
please

julie
please...

julie
heeseung pakiusap naman

julie
kailangan na kailangan kita

julie
alam kong galit ka sa akin pero pakiusap gusto kita makita ngayon

julie
just please

julie
gusto lang kita makasama

julie
hee i miss you

julie
your smiles

julie
your eyes

julie
your lips

julie
your touches

julie
your hugs

julie
you

julie
i miss you so much

julie
so please

julie
kahit ngayon lang

julie
pakiusap

heeseung
julie..

julie
hee please?

heeseung
i'll be there

-♡️-

080221

✎ .ೃ notes ;
if i made you uncomfortable with those lines, i'm so sorry. promise ako rin, pero kasama kasi 'to sa plot huhu sorry talaga :'<

the real tragedy. enhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon