Chapter 1

4.3K 247 100
                                    

Nakatingin lamang ako doon sa lalaking tumawag sa akin ng Only Girl, seryoso lang itong nakatingin sa akin habang naka upo sa pinakang hulihan. Magkakrus ang braso nito sa dibdib habang titig na titig sa akin.

Nawala lamang ang atensyon ko doon sa lalaking iyon nang magsalita iyong lalaking naka akbay sa akin.

"Ano ka ba naman, Clyden, bakit only girl ang tawag mo sa kaniya? May pangalan siya, huwag only girl, ampangit!" Pumait itong magsalita habang nakatingin doon sa Clyden na tinawag niya na tumawag sa akin ng Only Girl.

Hinawakan ko iyong braso nung lalaking naka akbay sa akin bago iyon unti unting inalis. Napa tingin naman siya sa akin at siya na ang nag-alis ng braso niya sa balikat ko.

"Grabe ka naman, JC, ka bago bago pa lang ni ni Peyton ay ginaganiyan mo na." Sabi naman nung isang lalaki habang hinahati 'yong papel habang nilalawayan.

Kadiri.

Mabilis naman na nagsalita si JC doon sa lalaking nagpuputol nang papel gamit ang dila.

"Hot! Panget! Manahimik ka!" Sigaw nito dito habang nakaduro doon sa lalaki. "Wine-welcome ko lang si Peyton, anong masama doon?" Dagdag ni JC.

"Ayos lang sana iyong winelcome mo siya pero ang hindi ayos ay iyong akbayan mo siya. Paano kung may nobyo iyong tao." Inosenteng sabi nung lalaking naghahati nung papel gamit laway n'ya.

Mabilis na napatingin sa akin ang lahat.
"May boypen ka?" Tanong sa akin ni JC habang salubong ang kilay.

Umiling iling ako. "W-Wala." Nagulat ako nang biglang sumigaw si JC habang pumapalakpak.

"Ayos!" Masayang sabi nito. "So, puwede ka bang landiin?" Tanong nito habang may mapang-akit na tingin. May kagat labi pa itong nalalaman.

Ngumiwi ako. "Hindi." Sabi ko dahilan para magtawanan silang lahat.

"Bakit?" Salubong ang kilay na sabi nito.

"Ayaw ko sa iyo." Diretsong sagot ko dahilan para lalo silang magtawanan. Nangunguna pa si Ni-KI na may palakpak pang kasama.

"Iyak!"

"Hahahahaha!"

"Ang kawawang JC!"

"Panget mo raw kasi kaya ayaw sa iyo!"

Humawak si JC sa dibdib niya na aktong nasasaktan habang umaatras ito habang naaktong nasasaktan sa sinabi ko. Mabilis na nangunot ang noo ko.

"Grabe ka, Peyton. You hurt my heart, you know?" Sabi nito at parang maiiyak na. "Ikaw pa lang ang babaeng tumanggi sa akin."

"Kasi nga, ayaw ko sa iyo." Sabi ko dahilan para magtawanan sila.

"Hehehehehehehe, panget mo daw kasi hehehehehe."Sabi ni Ni-KI bago ikawit ang braso sa braso ko.

Bigla silang tumingin sa may pintuan na ikinataka ko.

"What's happening here?" Tanong ng isang baritonong boses. Walang sumagot sa kanila kaya dahan dahan akong humarap doon sa lalaki.

Gwapo. Matcho. Mabango. Halatang umiigting ang panga. Makapal ang kilay. Mukhang masungit. Reddis lips. Pointed nose. Walang pimples. Matangkad. Mukhang model.

Mine! Charot!

Mabilis na nagsalubong ang kilay nito ng makita ako. "Who are you?" Tanong nito. Hindi ako nakasagot dahil mukhang galit ang kaharap ko.

Si Ni-KI na ang sumagot sa akin.

"Siye si Peyton Royce, ang Only Girl natin hehehehehe." Sabi nito habang ngiting ngiti ang loko.

The Only Girl In Protective Section | Only Girl Series #3Where stories live. Discover now