Chapter 6

534 62 1
                                    

Jaydee's POV

"Balita ko may ka-date kayo nung isang araw ah?" Sambit ko kina Gabb at Amy. Nandito kami ngayon sa canteen ng ospital, kumakain ng lunch

"Kanino mo naman nabalitaan yan?" tanong ni gabb

"kay Doc Laney" -ako

"Luh, pano mo nalaman?" nagtatakang tanong ni gab kay laney

"kinwento niya" sabay turo ni laney kay amanda

"Apaka daldal mo talaga!!" -gabb

"HHAHAHAHAHA!!" Tumawa lang ng malakas si amy sa reaction ni gabb. Sana all nalang may time para mandilig

"Kelan kaya kayo magbabago?" singit ni brei

"Oonga, kelan kaya kayo magseseryoso" pagsegunda ko kay brei

"Nako, ako may chance pa. Si Gabo? Zero! Zero percent! Ang tunay na babaero, wala ng chance magbago! Boom rhymes, abc 123!" Sagot ni Amanda HAHAHAHAH siraulo talaga. Tumayo si gabb para puntahan si amy tapos sinakal niya.

"Tulong! AHHHH!!" Saklolo ni amanda

Tinawanan nalang namin yung dalawang nagpapatayan HAHAHAHAHAH

"hintayin nyo, darating din yung katapat niyong dalawa. tignan nalang natin kung anong gagawin nyo" laney said. totoo yan, baka bigla makarma sila sa ginagawa nilang yan

Bat di nila ako gayahin, pogi na loyal pa Whahahahahah!!

"Magseseryoso lang ako kapag may jowa na si Doc Brei" sabi ni amanda, nako patay dinamay ang nananahimik

"EH KUNG IPALUNOK KO SAYO YANG BUONG HOTDOG JAN SA PLATO MO?" Ayan na galit na, ginising kasi ni Amanda ang natutulog na bulkan kaya ayan nag-alboroto na

"Yuck Hotdog!!" Sagot ni amanda, tapos gumawa siya ng ekis gamit yung dalawang pointing fingers niya, nagtawanan naman sila sa sinabi ni amanda. Iba kasi ibig sabihin niya dun HAHAHHAA

"Hay" I sighed. mga siraulo. ang tatanda na ganyan pa din

--

"QUEEN ASAN YUNG REMOTE DITO?" pasigaw kong tanong kay frances na ngayon ay nasa kwarto namin. Nasa sala ako ngayon para manood ng movie kaso kanina ko pa hinahanap yung remote diko makita

"NAKO JAYDEE SINASABI KO SAYO, GAMITIN MO YANG MGA MATA MO. DI PURO BIBIG! PAG AKO LUMABAS JAN AT NAKITA KO, MALILINTIKAN KA SAKIN" Sagot ni Queen

"KANINA KO PA NGA HINAHANAP, WALA TALAGA"

*BLAGSSHHH* "ay palaka!" nagulat ako sa pagbukas ng pinto sa kwarto namin at iniluwa si queen

Lumapit siya sa side table na may drawer saka niya binuksan ito at inilabas ang remote

tinignan ko si queen na ngayon ang sama sama ng tingin sakin

"hala hehe anjan ka lang pala, pinahirapan moko" sabi ko sa remote tapos dahan dahan akong lumapit kay queen para kunin yung remote. Bago ko makuha, ihahampas niya sana sakin pero naka-ilag ako

"Akin na, nood na nood na ako ih" sabi ko sakaniya kaya binigay niya na din sakin

"nood nalang tayo" aya ko sakaniya

"ano ba papanoorin mo?" tanong niya

"diko pa alam, hahanap palang" sagot ko, umupo naman siya sa tabi ko

15 minutes na lumilipas wala pa din kaming mahanap

"Ito nalang kasi!" -ako

"Ayoko niyan nakakatakot!" -frances

"Ano ba yan! Eh eto?" -ako

"Nakakatakot din yan eh! May zombie oh" sabi niya, BUSET!

"Ano bang gusto mong genre? Lahat nalang ayaw mo!" inis kong sabi sakanya, kanina pa kasi kami naghahanap

"Aba! AYOKO NGA KASI MGA PINIPILI MO! AYOKO NA NGA! IKAW NALANG MANOOD MAG-ISA MO JAN" tumayo siya at pumasok sa kwarto namin

"Tsskkk" ako nalang talaga, wala nakami naumpisahan sa kakapili amp

Frances' POV

Nakakainis siya kahit kailan. Inaya-aya niya pa akong manood tapos ako sisisihin niya bat wala kami mapili. Papangit naman ng mga pinipili niya!

Dito ako ngayon sa kwarto, hihiga nalang ako. Kapag nakakausap ko siya, puro inis nalang ang naidudulot niya. Ngayon ko lang napagtanto na hindi naman kami ganto ni jaydee noon.

Sobrang sweet at caring namin sa isa't isa. Kapag may hindi pagkakaintindihan, pinaguusapan at inaayos namin kaagad. Kapag may nagtatampo, sinusuyo kaagad. Ngayon? parang hinahayaan nalang namin hanggang sa makalimutan namin. Siguro ganon na kapag matagal na kayo, mawawala at mawawala yung mga bagay na nakasanayan niyo na dati at meron talagang magbabago

(Flashback year 2015)

"Loveeeeeee, san ka pupunta?" malungkot na tanong ni Jaydee sakin

"Kukuha lang ako ng tubig sa kusina love ano ba" sabi ko sakaniya, nanonood kasi kami ngayon ng movie sa sala tapos magkayakap kami, kumawala ako sa yakap namin saka tumayo. Ito namang clingy kong girlfriend, akala mo naman iiwanan eh

"Sama akooo" -Jaydee

"Apaka mo talaga Jaydee, sa kusina lang sasama ka pa" pagkasabi ko palang non ay tumayo na siya tsaka niya ako niyakap

"Namiss kita ihhh, ang busy natin sa school now lang tayo nagka-time" sabi niya, tumalikod ako tapos yumakap siya sa side ko, bali nakaakbay ako sakaniya

Pagkakuha namin ng tubig, umupo na kami ulit sa sofa. Habang naglalampungan kami may nagdoorbell sa labas

"May bisita ka ba?" tanong ko sakaniya

"hehe wala man, ako na titingin kung sino" sabi niya, tumayo siya at lumabas na

Pagkabalik niya may dala siyang mcdo at isang box ng pizza

"oh ano yan? nag-order ka pala dimo sinabi" -ako

"surprise love hehe mga fav mo to" napangiti nalang ako dahil sa ginawa niya, iba talaga alaga ni jaydee. Di naman totoo yung sinabi niya kanina ngayon lang kami nagkatime sa isa't isa kasi kahit busy kami pareho sa school nagagawa niya pa din akong puntahan pag di kami same ng class and schedule. Nagbibigay pa din siya ng time niya sakin, tapos madalas may dala pa siyang foods. Pag nanaba ako, kasalanan niya chz

"thank you dito love, pafall ka pa din hanggang ngayon" sabi ko sakaniya, natawa naman siya sa sinabi ko

"atleast sayo lang pafall, atsaka kahit diko gawin yun matagal ka ng hulog na hulog sakin" sabi niya tapos niliit nya yung mata niya tapos nag lipbite siya sabay pogi pose

"sige, totoo naman yun" HAHAHAHA okay, kay jaydee lang naman ako ganto. Diko alam paano niya ako nakukuha lagi. Ang rupok ko lang pagdating sakaniya. Atsaka lalo niya akong nakuha nung ginawa niya talaga yung sinabi niya sakin last 4 years ago na magiging better person siya. Nakita ko kung gaano siya nagbago.

Si Jaydee lang nakakapag-palambot ng puso ko. Mataray kasi akong tao, lalo na pag may nakikita akong mali na ginagawa ng isang tao. Diko mapigilang magtaray at magsungit. Pero pagdating kay jaydee, nagiging soft ako. Hindi nga din ako clingy na tao, pero pag lumapit na siya sakin nagiging touchy na din ako.

"I love you queen" nakangiti niyang sabi sakin, magkaharapan kami ngayon nakaupo sa sahig ng sala

"I love you Jaydee" lumapit ako sakaniya tapos binigyan ko siya ng smack sa lips

--

(A/N: madami pong flashbacks ang magaganap sa story na ito, wag po papalito😉 Follow me on twitter @iamyuuu_ let's be friends🥺)

Once More (Frandeesal)Where stories live. Discover now