21

136 16 21
                                    

the school bell rang. excited na inayos ko yung mga gamit ko. ngayon palang, naiimagine ko kung anong posibleng mangyari mamaya!

baka matamaan ng bola si aqui tapos ililigtas siya ni fortalejo! ganon! tapos tuluyang mahuhulog sila sa isa't isa! yung parang tanga na mga nasa romance na drama.

napatingin ako sa paligid. halos konti nalang ang naiwan sa classroom, yung grupo nila fortalejo tsaka ibang girls.

“tara na, derreo.” sabi ni fortalejo, dala dala na yung bag niya. nauna na siya maglakad, kaya sumunod lang ako.

“eh sila javi? tsaka asan si aqui?” tanong ko. napansin ko kasi na hindi sumunod sila javier, nandun pa sila sa classroom habang nakalabas na kami ng sitaw na 'to.

“magbibihis pa daw sila. si aqui, dadaanan natin. tutal malapit yung classroom niya sa outdoor court.” he said it calmly, marahan. like he always does. napansin ko na yun dati pa, ganoon siya magsalita. parang gago 'no?! hindi bagay sa kaniya! wtf lang!

tumango nalang ako, di na sumagot. naglakad na ulit siya habang sumusunod lang ako.

“anong gusto mo?” tumigil siya sa tapat ng vending machine, ngumisi ako tsaka nag halukipkip. “gusto kong manalo sa elections, maging top student at mawala ka sa landas ko.” sabi ko sa kaniya na ikinatawa niya.

“mukhang wala niyan dito sa vending machine. better luck next time.” he said with a lopsided smile painted across his jerk face. tinaas ko yung kamay ko, parang gusto ko siyang sakalin! ngina!

naghulog na siya ng pera dun sa vending machine. may lumabas naman na dalawang bottled water, then hot cheetos at isang pack ng bubble gum.

“eto oh, wag puro kape. nakaka tatlong kape ka na ngayong araw.” inabot niya sakin yung isang tubig tsaka binuksan yung sa kaniya at kaagad uminom.

naglakad na siya paalis habang nagtataka ako. tangina lang! alam niya pa talaga na tatlong kape yung nainom ko? eh ako nga mismo, hindi ko na napansin yun. weirdo.

tumakbo na ako para habulin siya. putcha naman kasi, ang bilis maglakad ng gago. “magkano yung tubig? bayaran kita.”

“wag na, buy one take one lang yan. drink it.” may buy one take one ba sa vending machine?

hindi ko alam kung dapat ba ako mag thank you, iimik pa sana ako pero natahimik nalang nang makadating na kami sa room nila aqui. saktong lumabas na siya na nakangiti kaagad. “kaila! hello!”

“hello, aqui!” i waved a hand, tsaka tipid na ngumiti. napansin niya yata yung hawak ko at hawak ni fortalejo kaya kaagad siyang nagtanong, “asan yung sakin?”

“hiya ko sa allowance mo, bili ka ng sayo.” sabi ni fortalejo at nauna na ulit maglakad. putangina! ang gago lang! walang ka romance romance ang dating, paano matutuwa si aqui sa kaniya?!

“char lang kasi. tara na nga, kaila!” tumawa si aqui, sabay hila sakin para sundan si fortalejo.

kadating namin sa outdoor court, wala halos tao. may ilan lang na nakatambay. kaagad na umupo kami ni aqui sa bleachers na naroon.

“ang daldal mo espe.” sabi ni javier na kakadating palang kasama sila jayden. wala si soren, pero may kasama silang ibang mga lalaki. kaibigan din nila at madalas din na nagpupunta sa classroom namin. pati si brent hidalgo na ang alam ko ay sumali din sa elections.

“may pustahan ba? kay gael ako pupusta!” parang may anghel na bumaba sa langit nang sabihin yun ni aqui. tangina! nangangamoy, pag-asa!

“puro sugal talaga alam mo! bad influence, tsk.” inasar asar pa siya ni javi.

against fortalejo ✦ lhsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon