SIH2

362 30 2
                                    

Ella's Pov

Nakarating na ako ng bahay at agad na akong nagtungo sa aking kwarto upang magpahinga , napasuntok nalang ako sa may kama ko sa sobrang inis ko sa taong pumatid sa akin kanina.

May itsura naman siya pero yung ugali niya argh nevermind! Nakakainis siya dahil sa kanya nagkasugat yung makinis kong tuhod.

Napabangon naman ako bigla sa pagkakahiga ko nang biglang tumunog yung cellphone ko.

Agad ko nang kinalkal yung loob ng bag ko upang hanapin iyun kaagad at pagkakuha ko nun ay nakita kong si daddy yung tumatawag.

OTPC

"Hello daddy! I miss you already na , kelan po kayo ulit magbabakasyon dito?" Kahit ilang araw pa lang kaming hindi nagkakasama ni dad ay sobrang miss ko na siya kaagad , kung pwede lang na doon ko nalang ipagpatuloy yung pag aaral ko eh kaso nga lang need ni mommy ng may makakasama ngayon dito sa bahay kaya kailangan ko siyang samahan dito.

"Ilang araw pa lang simula nung umuwi ka ng pilipinas anak namiss mo na agad ako , ano balita dyan kamusta kayo ng mommy mo? Nagpapasaway ka ba dyan?" Natatawang sabi ni daddy abay inaasar niya pa talaga ako , i miss this moment ito kasi yung lagi yung ginagawa namin pag magkasama ayun ay ang mag asaran.

"Okay naman po daddy , good girl naman po ako as always , himala po napatawag kayo ngayon? Wala po ba kayong ibang gagawin dyan?" Tanong ko sa kanya hindi madali yung responsibilidad niya dahil siya lang naman ang president ng united states.

Ang gara diba? Well half American and Half Filipino naman kasi si dad kaya siya nakapagpatakbo bilang presidente at sa hindi inaasahang pangyayari ay siya pa ang nanalo.

"Wala pa naman anak btw How's school anak? Nag enjoy kaba sa first day of school mo? Wala bang nangahas na mambully sayo? Kung oo sabihan mo lang ako anak at ako na bahala doon!" Nawala naman ang ngiti ko dahil naalala ko na naman yung pumatid kanina sa akin.

"Wala naman po daddy at tsaka kung meron man magtangka ay kayang kaya ko na yun , para saan pa na pinag aral mo ako ng martial arts noon kung hindi ko naman gagamitin ngayon" pagsisinungaling ko aa kanya ayoko na ngang mag alala pa siya sa akin lalo nat alam kong stress na siya sa mga gampanin niya.

"Pero gamitin mo lang yan as a self defense anak ah wag mong gagamitin yang kakayanan mo sa maling gawain" pagpapaalala niya sa akin , one time kasi nung nasa high school days palang ako sa US ay may nagtangkang mambully sa akin nung una ay hinayaan ko lang pero nung pangalang beses na nila ang pinagtripan ay pinambabali ko yung mga buto nila sa may kamay.

Na dahilan upang mapatawan ako ng suspension at napilitan nalang na lumipat ng ibang school.

"Opo naman daddy , manang mana ako sayo no! Batas is batas hehe anyway dad kumain ka ng mabuti dyan ah! Wala na kasi ako dyan para ipagluto ka ng masarap na pagkain hehe" ako kasi yung taga luto doon sa bahay noong nandoon kami ni mommy kasama si dad hindi kasi kami kumukuha ng yaya kasi kaya naman namin.

Pwera lang sa mga guard nasa mahigit 100 ata yung nagbabantay sa bahay namin para lang masecure yung president.

"Oo naman anak ikaw din ah! O siya sige na yung mommy mo naman ang tatawagan ko ngayon , tapos kana ba kumain anak?" Pagpapaalam ni daddy , binuksan ko nalang yung lamp ko sa may study table at ireready ko na yung mga notebook ko upang mag aral.

"Hindi pa dad maya maya na siguro magsasagot pa ako ng assignments ko eh , anyway bye dad tawagan mo na si mommy ilang araw ka na niyang hinintay na tumawag kaso nga lang busy ka dyan sa states" buti nga lang at naisipan niyang tumawag man lang sa amin , hindi kasi pwede na kami ang tumawag sa kanya kasi hindi namin alam kung kelan siya busy at kung kelam hindi kaya siya nalang yung nagkukusang tumawag sa amin ni mommy.

"Sige anak mag ingat ka lagi ah! I miss you na din and I love you my unica ija!" Medyo nalungkot naman ako dahil doon , kung pwede lang na magsama sama nalang kami dito sa pilipinas eh.

"I love you too daddy mag ingat ka din dyan! Im so excited na na makita kitang muli!" Huling sabi ko bago namatay ang tawag ni daddy.

EOTPC

Napaupo na ako sa may study table ko at nireview ko nalang yung notes ko baka kasi may biglaang oral recitation bukas sa room at mahirap na pag hindi nakasagot.

Napaisip naman ako kung bakit wala yung kaibigan kong si lara kanina , di ko man lang napansin na absent pala siya.

Natapos na akong magreview at lumabas na ako ng kwarto ko ng makaramdam ako ng gutom , mag aalas 8 pa lang naman at yung dinner namin lagi ay saktong 8:15.

"Mom nakausap niyo po ba si daddy?" Bungad ko kay mom ng makababa na ako ng hagdan , napatingin naman ako sa may lamesa ata may nakahain na na pagkain.

"Oo anak mabilis nga lang kasi may biglaang dumating na bisita sa kanya ngayon kaya antayin ko nalang ulit yung tawag niya, o siya umupo kana at kakain na tayo" malungkot na sabi niya , minsan nga ay naririnig ko din na nag aaway sila dahil nga wala ng time si daddy sa amin.

Di ko rin naman siya masisisi kasi nga sobrang busy niya talaga ni pagkain nga ay hindi niya maiwasan makalimutan eh.

"Wow! Paborito yan ni daddy mom ah! Sayang at wala siya dito pero anyway bakit wala po ai mamita ngayon?" Takang tanong ko at tsaka kinuha na yung tinidor at kutsara ko upang magsimula ng kumain.

"Ah doon na muna daw siya mga iistay kay Granddad mo , you know na namiss agad kahit ilang araw palang nandirito sa bahay" naupo na si mommy at nagsandok na rin siya ng kanin , bakas naman sa mukha niya ang lungkot at mukhang kakagaling niya lang sa iyak ngayon.

Maya maya ay natapos na kaming kumain at ako na ang nag insist na maghugas , napangiti naman ako ng tumawag muli si dad at magkausap na sila ngayon ni mommy.

Argh ang swerte swerte ko dahil sila ang naging magulang ko , wala na akong hihilingin pa sa kanila , masaya na akong buo ang pamilya namin kahit na magkakahiwalay kaming tatlo.








Don't forget to vote and feel free to comment down below your thoughts or anything 💕

SHE'S INTO HER (UNIPHANT)Where stories live. Discover now