. . . ⇢ 33 ˎˊ˗

202 11 23
                                    

"saan ba kasi tayo pupunta?"

"ewan ko rin. ikaw nakaisip nito, di'ba?"

"aba ewan ko din, random thoughts lang 'yon pero wala talaga akong idea kung saan tayo pupunta."

natawa lang si jungwon sa sinabi ni francine. totoo naman kasi, wala talagang idea si francine kung saan sila lalakad ngayon. gusto niya nga kasama sila charlotte para kahit papano may magplano kung saan sila pupunta.

pero ngayon natuloy sila ni jungwon sa date na walang patutunguhan kasi parehas silang walang idea kung saan pupunta. kaya ang ending? heto sila at kanina pa palakad-lakad.

"teka, ang sakit na ng paa ko." tumigil si francine at umupo sa isang bench, kasalukuyan silang nasa mini park ngayon.

huminto si jungwon at umupo sa tabi ni francine. pinanood niya ang dalaga na hilutin ang sumasakit nitong paa. maya-maya ay pumunta si jungwon sa harapan ni francine at lumuhod.

nagulat naman si francine sa ginawa nito. "h-hoy, t-teka ano 'yan-!"

"hihilutin ko ang paa mo, mali naman kasi ang way ng paghihilot mo." sagot ni jungwon na ikinanguso ni francine.

akala ko naman-

"akala mo ano? magp-propose ako sa'yo?" dagdag pa ni jungwon na mukhang hindi inaasahan ni francine dahilan para mabilis na umiling ang dalaga.

umiling-iling ito at namumulang umiwas ng tingin. "h-h-ha!? hindi kaya!"

and of course, hindi naniniwala si jungwon dahil halata naman sa itsura ni francine ang totoo. pero hindi na siya sumagot pa at sinimulang hilutin ang paa ng dalaga. dahan-dahan nagbalik ng tingin si francine kay jungwon at lihim na napangiti.

he's so cute. she thought.

"baka matunaw naman ako nan." mabilis pa sa segundo na umiwas ng tingin ang dalaga nang marinig niya 'yon mula kay jungwon na natawa lang.

"e-e-ewan ko sa'yo!"

"okay lang, free naman akong titigan."

mas lalo lang namula ang mukha ni francine at kitang-kita 'yon ni jungwon dahilan para mas lalo siyang matawa sa itsura ng dalaga. pwede na nga itabi si francine sa hinog na kamatis dahil sa sobrang pula ng mukha niya ngayon.

hindi na sumagot si francine. pakiramdam niya nawalan siya ng dila at baka kapag sumagot pa siya ay mas lalo pa siyang asarin ni jungwon which is okay lang naman pero kasi 'yung asar ni jungwon may halong landi eh- sabi ni francine, lol.

ilalayo ko na talaga si jungwon kay jay, huhu.

ilang minuto ang lumipas ay natapos na sa paghihilot si jungwon at muling bumalik sa pagkakaupo. walang nagsalita sa kanila after non hanggang sa tuluyan na nga sila lamunin ng katahimikan.

hindi kasi maintindihan ni francine kung bakit pa siya nahihiya kay jungwon gayong sila na unlike before na nasa stage pa sila ng landian at sungitan ay sobrang kapal ng face niya at proud pa sa panlalandi kay jungwon.

pero hindi rin naman tumagal ang katahimikang 'yon nang tumayo si jungwon sa harapan ni francine, inilahad ang palad sa harapan ng dalaga. napakunot naman ang noo ni francine, nagtataka at nagtatanong.

jungwon just smiled. "ayoko namang matapos ang araw na 'to ng ganito lang, tara don sa playground."

"playground? pero puro bata 'yung nandoon-"

hindi na natapos ni francine ang sinasabi niya nang higitin siya patayo ni jungwon at dalhin sa playground na sinasabi nito. hindi na rin umalma pa si francine kahit ang ewan lang ng idea ni jungwon.

the real tragedy. enhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon