Kabanata LXXXIII

8.6K 725 709
                                    

- DAEWON -

Gigil na nagpakawala si Daewon ng tubig tungo sa dambuhalang halimaw sa pag-asang makakanti kaagad 'to.

"Tsk. Bakit ba hindi pa 'to mamatay-matay?!" Inis niya pang sigaw nang mapansin na patuloy pa nitong hinihigop ang kanyang kapangyarihan dahilan para mas lalo lamang lumalaki.

Nilingon naman ni Daewon ang kanilang mga kawal at maging ang mga ito ay hindi rin magawang galusan o pahinain man lamang ang dambuhalang halimaw. Mas lalo lang tuloy naiinis si Daewon dito dahil nakatakas pa rin ang mga may dala kina Eliana dahil sa kaharap nilang balakid.

Sandali pang nag-isip si Daewon ng susunod niyang atake kaysa basta-basta na lamang sumugod. Mas nais niya kasing tipirin ang kanyang lakas dahil mas kakailanganin niya pa ito mamaya kapag natunton na nila muli sina Eliana.

"Daewon..."

Natigil naman sa ginagawang konsentrasyon si Daewon nang bigla siyang tawagin ng kapatid na kanina pa nananatiling tahimik at tila ba nag-oobserba lamang. Nakasimangot niya itong nilingon at hinintay ang sasabihin nito ngunit imbes na magsalita ay mas lalo lamang nito pinaliwanag ang mga mata. Maging ang mga kamay din nito ay nagliliwanag at may lumalabas na rin na kulay asul na usok.

"Saka ka na lang kumilos kapag tapos na ako." Kaswal pang saad ng kanyang kapatid kasabay nang mabilis nitong pagsugod sa halimaw.

Napasimangot na lamang si Daewon nang makita ang mabilis na pagkilos ng kanyang kapatid na kaagad naiiwasan ang mga tangkang atake ng dambuhalang dugo at laman. Pinadausdos pa ni Caedmon ang sarili nang kamuntik pa siya niyong mahablot kasabay ng mabilis na pagtalon at pagliyad sa iba pang mga atake.

Nang tuluyan na itong makalapit sa halimaw ay mas lalo nitong pinaigting ang asul na liwanag sa mga kamay at maingat na hinawakan ang tagiliran nito na malabnaw at mabasa.

Mula sa kamay ni Caedmon ay mabilis gumapang ang yelo sa buong katawan nito kaht pa pilit na nagpapapasag ang halimaw. Dahil sa malakas na puwersa rin nito ay kamuntik pang magbitak-bitak ang yelo na bumabalot sa katawan nito mgunit naging maagap si Caedmon at ginamit na niya ang parehas na kamay upang mas mapabilis ang pagpapatigas dito.

Pinagmsdan naman ni Daewon ang ginagawa ng kapatid hanggang sa makahanap siya ng tyempo upang umatake. Katulad ni Caedmon ay mas pinagliwanag din ni Daewon ang mga mata ay ang mga kamay kasabay ng pagpapakawala ng mahahaba at matatalas na mga tubig sa ere. Mistulang mga latigo ito na nakakabit sa mga kamay ni Daewon na tila ba ahas kung gumalaw.

Nagpatuloy lamang si Caedmon sa kanyang ginagawa sa kabila nang unti-unting pagkatunaw ng kanyang yelo na bumabalot sa katawan ng halimaw dahil sa init na mayroon ito. Bago pa man ito tuluyang makagalaw ay nilingon na niya ang gawi ni Daewon.

"Daewon!" Tawag niya pa dito dahilan para ngisihan naman siya ng nakababatang kapatid.

"Alam ko!" Mayabang pa nitong saad.

Sunod-sunod naman na pinagalaw ni Daewon ang malalubid na katubigan sa kanyang mga kamay at sunod-sunod itong hinambalos sa nagyeyelo at naninigas nang halimaw. Naging mabilis at talaga namang hataw ang bawat paghampas ni Daewon na tila ba gigil na gigil ito.

"Kasalanan mo kung bakit nakatakasa ang mga kumuha kay Eliana!" Galit pa nitong sigaw kasabay ng huli pang malakas na hataw dahilan para magkandalasog-lasog ang nagyeyelong katawan ng halimaw.

Kaagad naman lumayo si Caedmon dito at iminuwestra sa kanilang mga kawal ang pagpapakawala ng mga pana tungo sa mga natitira pang katawan ng halimaw.

"Ngayon na!" Sigaw ng nagsisilbing kumander ng mga kawal ng Cymopoleia na kaagad din nagpakawala ng mga pana tungo sa mga naglalaglagang yelo mula sa lasog-lasog na katawan ng halimaw.

Reincarnated as the Seventh Princess (Book 2/3) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon