Ika-2

16.6K 257 446
                                    

Makalipas ang ilang lingo.....

METEOR POV'

MABILIS AKONG Tumakbo papunta sa Cr. Nag vo-vlog kami ni Airish nang bigla akong makaramdam nang pag ikot nang aking sikmura. "METEOR!" Malakas na sigaw ni Airish sa akin nang bigla akong tumakbo papunta sa Cr. Agad kung binuksan ang Cr bago mabilis na dumuwal sa iniduro.

Napangiwi ako nang laway lang ang lumalabas sa akin at parang hindi talaga ako masusuka. Pero gusto kung masuka pero hindi talaga ako masuka. Napahawak ako sa aking tyan at mangiyak ngiyak na humawak sa gilid nang inodoro.

"H-Hoy! Bakit kanaiyak?!" Inangat ko ang aking tingin bago tumingin kay Airish. Ngumuso ako habang pinupunasan ang aking luha sa aking mata. "K-Kasi ano eh...." Maluha luhang saad ko. Nakita ko ang pag kakunot sakanyang nuo.

Kumuha nang tissue si Airish at inabot sa akin. "Kasi ano? May masakit ba sayo ha? Malapit na tayong matapos Meteor. Tapos aish! Tanga naman oh!" Mas lalo akong lumuha sa sinabi ni Airish. "Tanga ba ako Airish?" Maluha luhang tanong ko.

Nakita ko ang mabilis na pag tango ni Airish. "Oo tanga ka! Bakit ka umopo sa sahig! Yan tuloy nabasa kana! At saka bakit kaba naiyak?!" Nakangiwing saad ko. Maluha luha akong tumayo bago tinuro ang inidorong dinuwalan ko.

"May t-tae kasi eh." Maluha luhang saad ko habang nakaturo sa inidoro. Nakita ko ang pag ngiwi ni Airish bago mabilis na flinash yung inidoro. "TANGA TALAGA! BAKIT ANG DAMING TANGA SA MUNDO!" Malakas na sigaw ni Airish habang flinaflash yung inidoro.

Ngumuso ako bago pumunta sa lababo dito sa Cr bago nag hilamus at nag mumog. "Ikaw meteor. Aminin mo nga sa akin? May sakit kaba? Napapansin ko yang pasuka suka mo." Seryosong saad ni Airish. Inabunutan nya ako nang towel.

Nakagat ko ang ibaba kung labi at dahan dahan na pinahid ang towel sa aking mukha. "A-Ala yung make up." Nakangusong saad ko nang makitang wala na kong make up sa salamin. Suminghal si Airish. "Sagutin mo ako Meteor. May sakit kaba ha?" Naniningkit ang matang saad ni Airish.

Nakagat ko ang ibaba kung labi bago sunod sunod na umiling. "W-Wala akong sakit A-Airish. Buti napansin mo. May sakit ba ako ha? Ala. Baka kaya mo na hulaan na may sakit ako kasi ikaw ang mag kakasakit!" Nanlakaki ang matang saad ko.

Sininghalan ako ni Airish. "Tanga, hindi ako mag kakasakit. Ikaw yata ang may sakit. Pupunta tayo sa hospital. Mag papacheck tayo kung may sakit kaba o hindi." Seryosong saad ni Airish. Napanguso naman ako bago mabilis na umiling.

"A-Ayoko." Kagat labing saad ko. Tinaasan nya ako nang kilay. "At bakit naman aber?" Taas kilay na saad ni Airish. Ngumuso ako. "Ayoko na umalis na naka ganto. Mag bibihis lang ako." Nakangiting saad ko. Napahampas sa nuo si Airish at napailing iling sa hangin.

Mabilis akong lumabas sa Cr bago pumunta sa kwarto ko. Kumuha ako nang jogger bago kumuha nang crop top. Ngumuso ako habang nakatingin sa salamin nang matapos akong mag bihis. Nilugay ko ang mahaba kung buhok na kulot na kulot bago nag lagay nang pearl na ipit.

Nakanguso kung kinuha ang selpon ko bago lumabas. Nang lumabas ako ay agad akong tinaasan nang kilay ni Airish. Nakasuot sya nang kulay puting t-shirt at jeans. "Kailangan ba lagi kang naka porma ha?" Taas kilay na saad ni Airish.

Ngumuso naman ako bago nag kibit balikat. "Kailangan din ba lagi kang naka suot nang pang PE?" Inosenteng tanong ko kay Airish. Sinamaan ako nito nang tingin. "Ang white t-shirt ay hindi lang pang PE no." Mariing saad ni Airish.

Tiningnan ko sya nang gulat na gulat. "A-Ala! Kaya naman pala palagi kang naka white t-shirt kasi ang white t-shirt ay pwede din sa pang porma!" Gulat na gulat kung saad habang nakangiti.

The Burning Meteor (The Rank Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon