-165-

188 12 11
                                    

-jay pov-

dalwang linggo na din simula nung naospital si lola. tuwing uwian at weekends, napunta ako sa catallina para bisitahin sila ni toni. tulad ngayon, papunta ako sa catallina kasi katatapos lang nang class ko.

"catallina again pre?" nagulat ako sa pagsulpot ni heeseung, i nodded on him.

"mukhang stress na stress ka ah" puna ko sa kanya

"oo, aaminin ko naman. pero pogi pa din 'yan" nag pogi sign pa sya kaya napangiwi ako.

"ikaw? kamusta? stress na stress din ah" puna din n'ya sa akin.

"mukhang hindi pa kasi magiging ayos ang lahat" maiksing sagot ko sa kanya at sumandal ako sa kotse ko. he did the same beside me.

"tama, nakakapagod. tara nomi?" aya nya sa akin kaya napakunot ang noo ko.

"bawal bugok. may boyfriend duties ako. sumama ka na lang sa catallina sa akin kung bored na bored ka atty"

"pasensya na engr. madaming reading, iyak muna ako sa gedli" natatawang saad nya kaya napailing ako.

"lakas mo mag-aya na mag inom tapos may readings ka pala. pero kaya mo 'yan may inspirasyon ka din na atty diba?" ang ugok kinilig kaya nahampas pa ako

"oo nga e, hindi naman ako bet awit" nagbago ang ekspresyon nya kaya lalo akong natawa

"una na ako pre," nagpaalam ako kay heeseung bago ako nagdrive paalis. dumaan muna ako sa mall para mamili ng pagkain ni toni bago ako nagderetso sa ospital.

"tangi" agad akong lumapit sa kanya at niyakap sya. she hugged me back immediately.

"foods" ibinaba ko sa lamesa 'yung pagkain na binili ko atsaka mga fruits. "thank you mahal" tumabi ako sa kanya sa couch.

"ano 'yan?"

"presentation bukas," i heard she sighed, napatingin ako sa pagod n'yang mukha. hindi ko din matatanggi na medyo pumayat sya. sobrang stress na nya.

"ako na dyan, tangi. magpahinga ka na muna" inalis ko ang kamay nya sa laptop pero pinigilan nya ako

"ako na, jay parang baliw to. pagod ka pa sa byahe"

"hindi naman na kasi nandito ka" napailing lang sya at diniretso ang paggagawa nya.

"ako na dyan tangi, nakalimutan mo ata na magmamana 'to nang company sa seattle"

"tumigil ka dyan jongseong, baka may school works ka din"

"quiz lang bukas, keri ko naman" pagmamayabang ko.

"sige, kumain ka na muna" binuksan ko 'yung plastic bag na binili ko at inayos sa lamesa. good thing she listened to me. later on, nakatulog na nga sya kaya napangiti ako habang inaayos 'yung pagkakahiga n'ya sa sofa.

i did her presentation kahit hindi naman na ganoon kadami. she woke up when the nurse come in.

"anong oras na mahal?" bulong nya sa akin.

"10pm"

"baliw ka, bakit hindi ka pa nauwi? late na love" inayos nya ang gamit ko, dahil nagbasa ako kanina.

"hindi ko namalayan, ako na dyan" inagaw ko sa kanya yung mga gamit ko. i smiled on her, sa totoo lang gusto ko lang sya makasama.

"ingat ka" she told me when she send me off sa door.

"10am pa 'yung class ko, kaya dito na ako tutulog" tumango ako sa kanya.

"tangi mahal na mahal kita" she gave me a smile and hug me. "kapag pagod ka na, huwag mong kalilimutan na nandito ako ha? lagi't lagi" naramdaman kong tumango sya kaya napangiti ako.

"paano naman kapag ikaw 'yung napagod, mahal?"

"yakapin mo lang ako"

winter nightmare Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon