Chapter 36

73 11 0
                                    

Chapter 36...Back again






Juliana's Point of View

Kanina pang hindi mapakali si Cherly. Actually simula noong hindi pumasok si Yza hindi na siya makapagfocus sa klase o sa kahit na anong bagay. Kahit naman ako ay ganoon din. I am so worried about her at hangga't hindi siya pumapasok, hindi ako makakampante.

"Yana. Wala ka ba talagang balita kay Yza? Nag-aalala na ako sa kaibigan natin ang tagal na niyang hindi pumapasok." Tanong niya sa akin habang bakas sa mukha ang sobrang pag-aalala.

"Wala eh. Pilit kong inaalam kung kumusta na siya pero failed. Mahirap kasing makipag-usap sa mga taong hindi taga-village."

Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Kahit kaunting information wala ako. Kumusta na kaya s'ya?

Ngunit sa aking pag-angat ng tingin, nagulat ako sa nakita ko sa may pintuan.

"Yza?"

Napatingin si Cherly doon at laking gulat din niya matapos makita si Yza na nakatayo. Mabilis siyang tumayo at lumapit sa kanya.

"Yza!" I also ran to her and hugged her. "We're so worried about you. Ang tagal mong hindi pumasok." Humiwalay ako at hinawakan ang kanyang mukha. "Kumusta ka? Ayos ka lang ba?"

She smiled and nodded.

Muli ko siyang niyakap. "Thank God nakita ka naming muli."

I pulled her to her seat. Umupo ako sa tapat niya at inayos ang kanyang buhok. Matamlay ang itsura niya kaya alam kong hindi pa rin okay sa kanya ang nangyari.

"Sobra kaming nag-alala sa 'yo. Sinubukan naming humanap ng paraan para makita ka at makausap pero nahihirapan kami kasi hindi ka taga-village."

Ngumiti lang ito sa akin.

Cherly sighed. "Yza... I know you still can't move on pero tandaan mong nandito lang kami para sa 'yo, okay? Nandito lang kami kung kailangan mo ng malalabasan ng sama ng loob. Handa kaming makinig. "

Yumuko ito at maya-maya lang ay biglang umiyak. "A-Akala ko kaya ko na. Hindi pa pala." Pinunasan niya ang mukha at tumingin sa amin. "Ano ba ang dapat kong gawin para mawala ang sakit na nararamdaman ko? Hindi ko na kasi kinakaya. Ang hirap umiyak nang umiyak sa bawat oras. Lalo na ngayon na hindi ko na siya makikita saan mang sulok ng school ako pumunta." Dumami ang luhang tumutulo mula sa kanyang mga mata. "Hindi ko na alam ang gagawin ko."

Sobra akong naaawa sa kanya. Alam kong kahit kami ay hindi magagawang alisin ang pinagdadaanan niya dahil kung ako ang nasa kalagayan niya, alam kong mahihirapan din ako at walang basta-basta makakatulong sa akin na kalimutan ang nangyari kahit sinong tao pa.

Tumayo ako at niyakap siya. She cried more. Ayokong nakikitang nasasaktan ang kaibigan ko dahil pati ako ay nasasaktan. Kung pwede lang akuin ang sakit na nararamdaman niya, ginawa ko na kaso imposible. 

"Do you want to...visit his grave?"

Natigilan siya sa tinanong ni Cherly sa kanya. Maging ako ay natigilan sa gulat.

"C-Can I?"

"Wait lang. Delikadong magpasok ng hindi taga-village sa lugar natin." Nag-aalalang sabi ko.

Delikado kami kapag nahuli kaming nagpapasok ng iba. Baka pati si Yza mapahamak.

"It's okay. Kasama nyo ako kaya walang makakapigil sa atin. Ako ang bahala."

"I badly want to see him, even just his grave. Thank you, Cherly." 

"Stop crying bibisitahin natin siya."




Pass or Die? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon