C7

1.2K 107 0
                                    

Author's Pov

Ilang araw na ang lumipas simula nung napadpad si Jaydee sa rest house nila sa Bulacan , nais niya ngang magpakalayo layo muna sa mga taong malalapit sa kanya gaya nila abbiel , lance at gabb. Nakahiga lang si jaydee ngayon sa kanyang kama at makikita mo sa paligid niya ang mga basag na mga bote ng alak , vase at iba pa.

Nagkalat na din ang mga gamit niya dito na tila bay nagwala siya at sa sobrang galit niya ay sa mga bagay na nakikita niya ito ibinaling. Puno ng sugat ang kanyang kamao at namumugto ngayon ang kanyang mga mata na nakahiga sa kama na para bang nawalan na ng pag asa mabuhay.

Ding dong! Ding dong! Ding dong!

Napamulat ang kanyang mga mata ng may sunod sunod na nag doorbell sa pintuan ng resthouse niya kung kaya'y kaagad na siyang nagtungo doon upang buksan at alamin kung sino ang nambubulabog sa kanya ngayong umaga. Sa hindi inaasahang pangyayari ay nakaapak siya ng bubog , na siyang dahilan nang ikinatumba niya. Masakit man ngunit pinilit niyang tumayo muli at hindi indahin iyun kahit nagdurugo na ang mga paa niya , pagkabukas niya ng pinto ay yung assistant niya ang bumungad.

"Boss jaydee? My deepest condolences po , anyway I'm here kasi nalakad ko na yung passport at yung plane ticket mo papuntang states kaso lang mukhang hinarang ng daddy mo yung---" bungad ng kanyang assistant at tinignan niya yung loob ng bahay at nakita ang mga sira sirang gamit sa loob. Mga nagkalat din na mga basag na bote.

"So anong gusto mong iparating? Na hindi matutuloy yung pagpunta ko ng states? Tama ba?! Sabihin mong hindi!" Nakayukong tumango ito kay jaydee na ngayon ay medyo naluluha na naman dahil sa kanyang nalaman.

"Ganun na nga po , may kakilala siya doon at ipina blocklist ka niya upang hindi ka makaalis ng bansa at makadalo sa libing ng iyong ina" halos manghina naman ang tuhod ni jaydee sa kanyang nalaman , tilay gusto niyang magwala ngunit nawawalan na siya ng lakas pa.

Gayung drain na drain na yung katawan niya , nagbibiak biak na din yung bandang labi niya gayung dehydrated siya at tanging alak lamang ang laman ng kanyang tyan magmula noong mapadpad siya sa resort.

"Boss jaydee , nagdurugo na po yung sugat niyo dalhin ko na po kayo sa hospital" pag iinsist ng assistant niya ngunit hinawi lang siya ni jaydee para hindi siya nito mahawakan.

"Leave me alone?! hindi ko kailangan pumunta ng hospital at hindi ko kailangan ng concern mo o ninuman! Just leave! Leave me alone!" Sigaw ni jaydee at isinarado na niya yung pintuan at napaupo nalang sa sahig , next week na ibuburol ang kanyang ina at mukhang hindi siya makakapunta doon sapagkat hinarangan ng kanyang ama ang kanyang pag alis.

Kinuha niya ang bubog na nakaukit sa kanyang paa na dahilan upang lumakas ang dugong lumalabas sa kanyang paa , wala siyang pakialam kung ano ang mangyari sa kanya. Pakiramdam niya ay parang pinatay na din naman siya nung namatay ang kanyang ina. Naglakad lakad siya kahit iika ika at sumasakit pa ang kanyang ulo dahil sa hang over , kinuha niya yung cellphone niya at agad nang kinontak ang kanyang ama.

OTPC

"Himala tumawag ka---" bungad nito na tila bay namamangha ngunit kaagad naman na siyang pinutol pa ni jaydee.

"What the heck did you just do huh! Ang sabi ko diba wag mo akong papakialaman sa mga gusto kong gawin! Next week na ibuburol si mommy tapos ipapa blocklist mo pa ako sa airport para lang hindi makapunta doon! Ganyan ka na ba talaga ka desperado ah? Kung wala kang pakialam sa pagkamatay ni mommy wag mo akong idadamay! Wala kang puso!" Sigaw ni jaydee sa kanyang ama , bakas nga sa mukha niya ang sobrang galit na kanyang nadarama sapagkat namumula na ang kanyang mukha at mga tenga.

"Para ano pa na pupunta ka doon? Patay na siya , buhay ka pa jaydee! Ano sisirain mo yung career mo dito? Kilala kita magmumukmok ka doon at ano? Magpapabaya ka at mapapariwala ka doon! Masasayang ang talento mo sa pagbabasketball?!" Rebat naman ng kanyang ama , napakuyom naman ng kamao si jaydee at sabay sinapak ang pader nang sunod sunod gayung galit na galit talaga siya sa kanyang ama ,  bumakas naman ang dugo doon ngayon dahil sa ginawa niya ay tila bay parang sirang gripo ang pagtulo ng dugo mula sa kanyang mga kamay.

"As if you care?! Ang gusto mo lang naman ay may maipagmalaki eh! Hindi ka ba nagsasawa na palagi mo na lamang akong kinokontrol sa nga bagay bagay?! Sige , kahit na hindi ako makaattend sa burol ni mommy okay lang sakin! Pero wag na wag kang pupunta sa burol ko!" Agad na niyang pinatay yung tawag at nanlulumo na siya ngayon , isa lang ang naiisip niya sa ngayon at yun ay gusto na niyang mawala sa mundong ito nang sa ganun ay makahinga na din siya ng maluwag sa kasawian at sakit na kanyang nadarama.

EOTPC

Abbiel's Pov

Kasalukuyang nasa bahay ako ngayon at naglilinis lang ng kwarto ko , hindi naman mawala sa isip ko kung ano na ang nangyayari ngayon kay jaydee. Mahigit isang linggo na namin siyang hindi nakikita at nakakausap okay lang kaya siya? Napabuntong hininga nalang ako dapat hindi ko na siya iniwanan nung gabing iyun eh. Dapat nag stay na muna ako doon at binantayan siya , nabalitaan ko na din na may laban kami next week sa basketball against Ateneo.

At kung papalarin na manalo kami doon ay isasalang kami sa International League pero bago mangyari yun kakailanganin namin ang tulong ni jaydee , as requested din ng daddy niya na kailangan maglaro si jaydee upang matiyak na mananalo kami. Malaking kawalan si jaydee sa team kapag nag decide siyang mag quit na sa basketball dahil nga sa mga masasamang nangyayari sa kanya ngayon. Napabalik naman ako sa wisyo nang may biglaang tumawag sa phone ko , sinagot ko na agad iyun kahit unknown number ang nakalagay baka kasi si jaydee na eh.

OTPC

"Hello sino po ito?" Nagtatakang tanong ko , sana si jaydee na to please.

"Hi I'm the assistant of Jaydee , isa ka sa kaibigan niya diba? Abbiel Kit right?" Assistant ni jaydee? Ah okay si Ashley pero bakit siya napatawag sa akin? Hmm maybe may alam siya sa kinaroroonan ni Jaydee.

"Yeah I'm Abbiel , bakit ka nga pala napatawag? Anyway alam mo ba kung nasaan si jaydee ngayon? Ilang linggo na namin siyang hindi nakikita o nakakausap man lang eh" sunod sunod na tanong ko at nagbabakasakaling may alam siya kung saan naroroon si jaydong.

"Ayun na nga ang dahilan kung bakit ako napatawag ngayon , nag aalala na rin ako sa kanya dahil sa nakita kong lagay niya ngayon , nasa resthouse siya ngayon nag iistay sa may Bulacan, sana matulungan mo siya duguan siya kanina nung iniwan ko kaya puntahan mo na siya ngayon baka sakaling makinig siya sayo at magtungo na sa hospital upang magamot ang mga iyon" nag aalalang sabi ng assistant niya agad na akong nagtungo sa sala upang kunin ang susi ng kotse ko , okay naman yung suot ko ngayon kaya hindi na ako magbibihis pa.

"Sige sige otw na ako maraming salamat sa pagsabi sa akin kung nasaan siya ngayon , balitaan nalang kita mamaya kapag nandoon na ako" mabilis na sabi ko at pinatay na yung tawag gayung kailangan ko nang umalis.

EOTPC

Nakasakay na ako ng kotse ko at agad ko nang kinontak sila gabb at lara , sinabihan ko sila na magtungo na sa resthouse ni jaydee sa bulacan. Kaya pala hindi namin siya mahagilap dito sa Taguig kasi nasa bulacan pala siya ngayon , please hang on buddy papunta na kami dyan. Sana wala kang isipin na kung ano at sana wag mo nang saktan pa yung sarili mo gaya ng sinabi ng secretary mo. Sobrang bilis na ng pagmamaneho ko ngayon dahil nga nag aalala na ako ng labis kay jaydee medyo masama din kasi yung kutob ko eh pero sana hindi mangyari itong iniisip ko ngayon. Gayung isa sa mga kaganapang labis naming pagsisisihan ang bagay na iyun. 




Don't forget to vote and feel free to comment down below your thoughts or anything 💕

LOVE , LIES WITHIN YOU (FRANDEESAL)Where stories live. Discover now