-168-

188 11 3
                                    

-jay pov-

"ang ingay dito! dapat naggawa na lang ako ng plates" reklamo ni sunoo pero todo inom naman sya.

"dami mong reklamo, madaming shawty dito" rinig kong saad naman ni heeseung, akala ko ba may nilalandi 'to.

"alak ba tol?" ibinaba ni niki 'yung baso at sinalinan ito bago ibigay sa akin.

"dami mong iniisip ah, wala ka naman isip" lasing na ba 'to? bwisit hahahha

"gago ka, tama na nga yan niki" lasing na nga kasi ang bata.

"boring nyo talagang tatlo no, bawal na kayo mag inom nang marami hays" isa pa tong si heeseung ang daming sinasabi.

"kaya maganda walang jowa e"

"heeseung hyung, takot ka lang sa commitment, okay lang yan" natatawang saad ni jungwon.

natatawa na din ako sa lagay nila ngayon.

"hoy saan ka pupunta?" pagpigil sa akin ni jake dahil tumayo ako sa couch. "may natawag tanga" pinakita ko sa kanya ang cellphone ko na may natawag.

lumabas ako saglit at sinagot ang tawag ni mommy.

"my"

[nasan ka anak?] nangunot ang noo ko dahil sa boses nya

"naiyak ka ba ma? okay ka lang? may problema po ba? kasama ko po sila hee" nag-aalalang saad ko sa kanya.

['yung dad..dy mo...]

"si daddy? did you two fought again? uuwi na po ako" kinuha ko sa bulsa ko 'yung susi at naglakad papuntang parking lot

[no.. he got hospitalized] natigil ang pag pasok ko sa kotse ko dahil sa sinabi ni mommy. narinig ko din ang sunod sunod na paghikbi nya.

"pauwi na ako my, tahan na" pinatay ko yung tawag, matagal akong nakahawak lang sa manibela kasi  hindi nagsi sink in sa akin lahat.

ano bang nangyayari?

"mommy" niyakap agad ako ni mommy noong makapasok ako sa bahay.

"what happened?" naupo kami sa sofa, nandon din si irene na tahimik lang, halatang nag iisip din.

"di ko naman akalain na madadala ulit 'yung daddy nyo sa hospital e"

"ulit? anong ulit mommy?" takang tanong ko sa kanya.

"hindi ko sinabi agad sa inyo kasi alam ko-"

"na ano nga ma? anong nangyari kay daddy?" she started to sob again, lumapit si irene at pinakalma si mommy.

"huwag mo naman ipressure si mom, kuya!"

"ano nga kasi? naguguluhan na ako" napahilot na lang ako sa sintido ko.

"coronary heart disease, sabi last month, gagaling na daw nang tuluyan 'yung daddy nyo so hindi ko na sinabi sa inyo"

"dinala ulit sya ngayon sabi ng secretary nya.. mukhang mas lumala daw kasi" i just sighed in disbelief.

"ano pong gagawin natin?" tanong ni irene na naiiyak na din. fuck.

"lilipad ako ng seattle bukas, kailangan ako ng daddy nyo doon"

"gusto ko din pumunta mom"

"irene, may school kayo ni kuya mo. don't worry okay?" wala din nagawa si irene kundi ang tumango.

"jay, i'm sorry" umiling lang ako may mommy

"hindi naman ako galit mom dahil hindi nyo sinabi sa amin, naiintindihan ko po kayo"

"pero ang lalim ng iniisip mo, gagaling ang daddy nyo okay?"

"alam ko po my, pagod lang po ako" she immediately hug me and i hug her tight back.

nakakapagod.

winter nightmare Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon