Chapter 11🌻

499 53 7
                                    

Jaydee's POV

(otp)

[Jaydee.. Doc Jaydee?] nagulat ako kasi ibang tao yung tumawag pero number to ni queen ah?

"Hello. Sino to?"

[Si Doc Abby to] huh? bakit niya hawak phone ng asawa ko? Team leader siya ni Frances

"Ah doc Abby? bakit po na sayo phone ni frances? Nasan po siya?"

[Nagkaroon kasi kami ng team dinner and uminom din kami. Ngayon lasing na lasing si Doc Frances, nawalan na yata ng malay. Can you pick her up?]

"Sige po doc papunta na, just send me your location"

Nagmadali kong kinuha ang susi ng sasakyan at nagmaneho papunta sakanila. Nag-inom pala sila, bakit di man lang nag-paalam sakin. Sayang yung hinanda ko sa bahay

--

Pag-dating ko, hinanap ko agad si queen. Nakita ko siyang nakadukmo sa lamesa.

"Doc Jaydee!" tawag sakin ni Doc Abby

"Naparami yata inom niya doc?" tanong ko sakaniya

"Oo eh, may problem ba kayo? Sobrang uhaw niya sa alak kanina. Nakailang beer siya" sagot niya

"Wala naman po doc, baka namiss lang uminom" ngiti kong sabi, wala naman kaming problema ah? bat nga ba nagpakalasing to ng ganito

Nilapitan ko na si queen, "love?" tinatry ko siyang gisingin. Minulat niya mata at tumingin saakin, "Jaydoooooonggggg" tawag niya sakin. Lasing na lasing talaga siya

"Asawa kooooo" tawag nya ulit, "Oo ako to, asawa mo. Halika na, uwi na tayo" binuhat ko sya ng pa-bridal dahil alam kong di na makakalakad to, tumatawa siya ngayon hindi ko alam bakit

"Mahaaaaaal" sabi ni queen, tapos lumapit siya sa tenga ko, "ang bango bango mo naman" bulong niya. nanigas ang katawan ko sa ginawa niya, para siyang nang-aakit na ewan

"lasing kana talaga" sambit ko, hindi na siya sumagot kasi nakatulog na.

Pagkauwi ng bahay, dinala ko siya agad sa kwarto at inihiga sa kama. Kumuha ako ng basang towel atsaka siya hinilamusan. Pinalitan ko na din yung damit niya tapos kinumutan ko na.

Lumabas na ako ng kwarto, nakita ko yung inayos namin kanina, sayang.. Pero ililigpit ko na to. Wala na din naman kwenta..

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon kay frances.. Ayoko siyang makita or makausap.. We did not even greet each other for our anniversary, ang sakit lang na nakalimutan niya yung special na araw namin. Di naman ako naghahangad ng kung ano, kahit greet lang okay na ako.

--

Kinabukasan maaga akong nagising pero si Frances tulog pa din, nagluto ako ng almusal namin at nauna ng kumain. Ginawa ko na routine ko tapos umalis na ng bahay. Idk, siguro iiwasan ko muna siya habang di pa ako nakakamove-on sa nangyare.

Pagdating ko ng ospital sumalubong sakin mga kaibigan ko. Ang laki ng mga ngiti nila kaya nag fake smile din ako

"Doc Jaydee!!! Whooo kamusta ang surprise?" Bati sakin ni Amy

"Okay naman hahahahaha! Nagustuhan niya!" Pagsisinungaling ko. Ayoko malaman nila na nasayang yung effort na ginawa namin

"Sabi sayo eh! Baka jaydong yan!" -Laney

"Nux! Sigurado nakadilig yan!" -Gabb

"Siraulo!" sabi ko sakaniya, natawa naman ako sakanila. Mabuti nalang andito sila, napapalight-up nila mood ko kahit di nila alam

Once More (Frandeesal)Where stories live. Discover now