SIH3

301 27 0
                                    

Gabb's Pov

"Oh gabbo bakit ganyan ang mukha mo ngayon? Anyare? Mukhang hindi maganda gising mo ah!" Sabi sa akin ni Jaydee , ibinagsak ko nalang sa lamesa yung ulo ko sa sobrang pagkainis ko.

"Paanong hindi magkakaganyan yang asta niya jaydee eh yung ate niya kinonfiscate yung kaisa isang sasakyan niya! Ayan tuloy nakisabay lang sa akin papunta dito sa bahay mo" natatawang ani ni Gia abay nang aasar pa talaga , fudge! Nakakairita si ate dana dinaig pa sila mom kung mag disiplina.

"Ay weh? Di nga?" Agad ko nang iniangat ang aking ulo at pinagmasdan si jaydee na dumungaw sa may pintuan at tinignan kong totoo ba ang sinabi ni Gia.

"Waaahhahahaha! Kawawang gabbo" pangangantyaw niya pa napatawa naman kami ni Gia dahil sa tawa niyang mala dolphin , hays kesa magmukmuk ako dito what if mag liwaliw nalang kami?

"Ano na gagawin natin ngayon jaydee? Di mo naman kami papapuntahin dito kung wala lang diba?" Nagtatakang tanong ni Gia saka umupo sa may upuan , kumakain siya ngayon ng pancakes at prutas na inislice slice ng yaya ni Jaydee.

"Hmp may triple date tayo mamaya! Niyaya ko kasi si frances eh na kakain sa labas tapos sinabihan ko siya na isama si coleen para naman mag lift up ang mood ng ate mo Gabbo hahaha yung makakadate mo naman Gia ay si Lyza kilala mo naman na ata siya diba?" Napangiti nalang ako ng patago dahil sa sinabi ni Jaydee , makakadate ko ngayon si coleen? Argh heaven by your side hahaha

"Ay iba ka din dong! Date ba talaga? Baka dalhin mo sa motel si frances ah! Ang bata pa ni frances para sa ganyan dong!" Sabi pa ni Gia habang nakangiti ng nakakaloko agad naman kumuha ng unan si jaydee na malapit lang sa sofa at tinapon yun sa mukha ni Gia.

"Tanga di ako ganun no! Ikaw siguro gia baka nga kung lalaki ka lang paniguradong may panganay kana!" Bahagyang natawa naman ako sa sinabi ni jaydee , napatingin nalang ako sa pwesto ni gia at nakatingin lang ito ng diretso kay jaydee.

"Ay hindi ata para sa akin yan gia para yan kay gabbo eh! Siya lang naman malakas mang chicks dito wahahah" agad naman akong lumapit kay gia at binigyan ito ng isnag batok , ako may panganay? Baka nga may bunso na ako eh hahahah joke lang.

"Hoy loyal ata to kay coleen no? Palibhasa kasi kayo pabago bago ng jowa at babae" pang aasar ko pa sa kanila, everyday ata iba iba yung mga nakakasama nila eh at yung mga dinadala nila sa mga lakad namin eh.

"Atleast pabago bago ng jowa ikaw nga hanggang ngayon wala paring ganap sa inyo ni coleen eh hahah bilis bilisan mo ang galaw mo master gabbo baka maunahan ka ng iba madami pa naman umaaligid dyan sa crush mong heartthrob" sabi pa ni jaydee saka tumayo at kumuha ng baso para makainom siya ng tubig.

Ito na siguro yung time para umamin ako ng nararamdaman ko kay coleen , ilang taon ko naman na itinatago tong nararamdaman ko eh ayoko ng matakot dahil baka mahuli pa ako.

At the Restaurant

Nag aantay lang kami na dumating sila Frances , Coleen at Lyza dito sa restaurant , ito kasi yung place na sinabi ni jaydee kay frances.

Kinakabahan ako na ewan ngayon at hindi ako mapakali napatingin naman ako kay gia na sobrang busy na naglalaro ng Mobile legends itong si jaydee naman ay panay ngiti habang ka chat si frances.

SHE'S INTO HER (UNIPHANT)Where stories live. Discover now