Chapter 8

11 2 0
                                    


Chapter 8


Kasalukuyan akong nakatayo sa harap ni Lady Hae at Lady Jaegum para sa aming unang pag-eensayo. Hindi na maipinta ang mukha ni Lady hae dahil sa paulit-ulit niyang turo sa akin. E, hindi ko nga talaga maibalance katawan ko.

Siya nalang kaya magtraining. Kainis!

" Ouch! "

Napaimpit ako ng hampasin niya ng stick yung likod ko.

"Sabi ko,  ituwid ng maayos ang likodIlabas ang dibdib, nasa tiyan dapat ang kamay nakalagayPag-apat nato di mo parin nakukuha ang tinuturo ko "

Pano ba naman kasi inaantok pa ako kasi ang aga ako ginising ni Boyoung . Mag aalas saes pa yata andito na kami sa Pavillion. Tapos kalahating oras din ang paghihintay ko sa kanila. Kung alam ko late sila dadating, nagpapalate din sana ako

"Lady hae, pahinga muna tayo, pls.  Masakit na likod ko "

Magtatanghalian na pero nasa unang ensayo palang kami ng tamang paglakad.  Ewan ko ba sa dalawang masungit na'to, e sinusunod ko naman sinasabi nila. Walk slowly like a queen, breast out and be confident.  Akala sigurong dalawang to hindi ko alam ang mga 'to. Kung alam lang nila na sumasali rin ako ng pagents sa school at probinsya namin baka maloka  sila.

"Hanggang di mo maitatama ang tamang paglakad ay hindi ka makakaupo. Marami pa tayong gagawin kaya pag-igihan mong magsimula sa umpisa! "

Bored akong napatingin sa kanila.  Nakakainis.  Kung hindi sana ako napili na maging crown princess nasa labas sana ako ng palasyo gumagala,nag eexplore. Kasalanan talaga to ni Prince Lee Ryeong ,e. Arghhh!

Wala na akong nagawa kundi bumalik sa aming nilagay na bounderya.  Nagpakawala ako ng malakas na hininga bago ako nagsimula maglakad.

Nagulat ako na may pinatong silang babasagin sa ulo ko. Jusko!  Baka mabasag ko ito. 

"Luh ! Lady Hae, para saan to? "

Tatangalin ko sana pero agad niyang hinampas ng stick ang kamay ko.

"Aray ko!"

"Huwag mong tangalin dahil iyan ang makakatulong na maibalanse mo ng maayos ang iyong katawan! "

Nagsimula na ako maglakad pero di Pa ako nakatatlong hakbang ay nahulog na Plato at nabasag kaya ang sama ng tingin ni Lady Hae sa akin.Pinaulit -ulit nila ako hanggang sa apat na ang /na basag ko . Hilaw akong tumingin sa kanila dahil kahit anong gagawin ko ay nahuhulog talaga sa ulo kahit nag -iingat na ako sa paglalakad.

"Ito ay panglima na .Kapag nabasag mo Pa ito ay papalitan ko ito ng Jar na mag tri-triple ang bigat kaya jan sa nauna. Ipokus mo iyong sarili sa iyong ginagawa para masagawa mo ng maayos "

. Ngayon ay sineryoso ko na kahit masakit na ang likod at paa ko dahil di pa ako nakaupo simula nung nag umpisa kami. Gaya ng sinabi nila ay sinunod ko. Tumingkayad ako para feel kung may heels.Nakatayo ako ng matuwid at dahan-dahan naglalakad habang may babasagin sa aking ulohan.Sinusundan nila ako  ng tingin hangang sa makaikot ako kay Lady Jae na nasa gitna nakatayo.

The love of a Prince in 1824Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon