Chapter 11

29 2 0
                                    

Chapter 11

"AAHHHHHHHHH! ",

Napabalikwas ako ng tayo ng marinig ko ang sigaw nayun. Muntikan Pa ako nauntog sa taas ng higaan ni Iya.

"Boyoung? "

"Huh! "

Kumurap-kurap ako hangang sa napagtanto ko si Ria na sa labas ng banyo. Nakasout  ng tuwalya  at may damit pa sa ulo niya .

"Iya ikaw yan? ", tanobg ko Nagtataka naman siya tumingin sa Akin.

"Bakit may ibang ka pa bang  kasama dito bukod sa akin, Gaga! ",sabi niya at nagpupunas ng katawan. Nakaharap siya sa salamin at nagpupunas ng buhok.

"Sino si Boyoung? "

Umupo ako sa kama at iniisip ang mga nangyayari.  Nanaginip ba ako?  Si Prince Lee Ryeong?  Ang pagiging reyna ko,  panaginip lang din ba iyon?

"Hoy! "

"Huh!Bakit? "

"Nagtatanong ako sayo ,gaga. Sabi ko sino si Boyoung? "

Si Boyoung ay kaibigan ni Lady kim at loyal na katulong niya. Pano ko ba sasabihin sa kanya? Baka pagtatawanan lang din niya ako pag sinabi Kong nanaginip ako na napunta ako sa Joseon Dynasty.

"Wala! bigla ko ang nabigkas. Nanaginip yata ako kagabi! ", sabi ko at kumuha ng tuwalya.

"Mag spray nga tayo dito pag kaalis natin.  May nakita akong ipis Jan sa sa satosan natin. Errrr! ", nandidiring sabi niya.

"Nyemas! Ang lakas ng sigaw mo te.. tapos  ipis lang pala. Akala ko katapusan na ng mundo makasigaw kang gaga ka! "

Habag naliligo,  diko mawala sa isip ko ang mga napanaginipan.  Parang to totoo nangyari sakin ,e.  Preskong presko pa sa isipan ko. 

Pagkalabas ko ng banyo, naabutan kung nagmamake-up na si Ria at gaya ng palagi niyang ginagawa nasa harapan naman ang cellphone niya naka play ang love in the moon lights.  Diko rin napansin na nakangiti na pala ako ng nanonood. 

"Hoy! "
.

"Ita naman, ang hilig mong mangulat! "

"Eh ikaw kasi, bigla kang natutulala  .Bilisan mo nalang kaya mag -ayos at mag seseven na. !"

Inismirkan ko lang siya saka nagbihis. Pagkatapos namin mag -ayos ay sabay na din kaming lumabas ng boarding gaya ng sabi niya maglagay ng spray at nag spray nga talaga siya ng baygon saka niya sinara.

Napaubo -ubo siya kasi ang tagal niyang lumabas sa loob nag spray. Inubusan niya yata laman ng baygon.

Saktong pagkarating namin ay dumating nadin yung delivery ng cooked foods. Kaya pagbukas namin ay napasubo agad kami sa pag-aayos ng mga paninda. Ako naman ay tinuloy yung mga inaayos ko na drinks habang si Ria nag rerefill ng foods sa lalagayan.

"Yes, Sir. Good morning. Welcome to  Palagig mapag-iwanang store !", bati ni Ria sa custumer.  Natawa nalang ako habang apakinggan ko siya.  Pano ba naman kasi ang name ng grocery nato parang wala ng ibang maisip ang may-ari na maipangalan sa store. Palaging mapag-iwanan Store.  Mapanakit din ang tindahang to.

The love of a Prince in 1824Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon