XII

1.9K 110 5
                                    


MARSELA MARI GUIA






"Magtatagal ba tayo do'n Belle?" I asked her.

Nandito kasi kami ngayon sa Mall. Ewan ko ba sa mga 'to at naisipang pumunta dito. Maaga nga silang nanggulo sa bahay para sunduin ako. Bigla kasi kaming nawalan ng klase ngayong Huwebes. Hindi ko na lang pinansin pa dahil mas pabor naman sa'kin.

Makakapagpahinga na din ng mahaba-haba.

"Depende. Kung gusto mo magpa-iwan Marsela." pabalang na sagot niya.

Inis na inirapan ko naman siya at binigyan ng mahinang kurot sa braso niya na tinawanan lang niya.

Ang ayos-ayos ng tanong ko ee. Nakakaurat.

"Oo tama. Magpa-iwan ka na lang Sela." Sheki seconded. "Tutal kasama naman si Abby ee."

Isa pa 'tong babaeng ito. Agad kong inabot ang laylayan ng buhok niya para hilahin.

"Aray ah!" agad na angal niya. "May galit ka ba sa'kin Mars?"

I rolled my eyes at her. "Serves you right."

But she just glared at me. "Ang bitch mo talaga kahit kailan." tugon niya.

Hindi ko naman napigilan ang matawa, saka siya inakbayan para lambingin. Natatawang nakatingin lang sa'min si Belle at Ate Alice.

Missing in action si Lara ngayon ee. Mukhang gumagala mag-isa. Hinayaan na lang namin. May sariling buhay 'yun, hindi kailangan sa amin naikot ang buhay niya.

"Si Sheki bukang bibig si Abby ee 'no." Belle said. "Mukhang ikaw ang may gusto kay Sheki ee." dagdag pa niya.

Natatawang nilingon ko itong maliit na babaeng akbay-akbay ko. "Mars ah, ikaw pala ang may gusto dun sa tao ee." I giggled. "Dinadaan mo lang sa pang-aasar sa'kin ee."

Mabilis naman siyang humiwalay sa'kin. Magkasalubong na magkasalubong din kasi ang kilay niya.

"Wag mo nga ipasa sa'kin ang pagkagusto mo kay Abby." kunot na kunot ang noong tugon niya. "Alice lang sapat na." she proudly said.

Maang na napatingin kami ni Belle kay Ate Alice na natatawang napapailing na lang. Hindi ko alam kung kikiligin ako o ano, pero mas nangibabaw sa'kin ang matawa.

Hindi kasi pinansin ni Ate Alice 'yung banat ni Shekinah. Kaya itong isa, nakatulis ang ngusong lumapit ulit sa'kin.

"Pano ba 'yan Mars? Busted ka agad." pang-aasar pa ni Belle.

I laughed hard. "Hindi ka pa nga nakakagawa ng move, hindi kana agad napapansin." panggagatong ko pa. "Ang hina natin ah." I added.

Tanging pag-irap lang ang ginawa niya sa'min. "Che! Manahimik kayo." saka siya parang tupang tumabi kay Ate Alice na nakangiti lang sa'min.

"Siguro mga Sunday ng hapon, uuwi na din tayo." Belle said, all of sudden.

Dahan-dahan akong napatango. Wala namang problema sa'kin kung doon kami magpapalipas ng gabi. Pero sana, okay lang kina mommy. Sana payagan nila 'ko. Hirap pa naman magpaalam sa kanila. Ang dami-dami pang itatanong. Para akong suspek na ini-interogate sa kasalanang nagawa.

"Wala namang problema sa'min kung Sunday na ng hapon tayo makakauwi." Ate Alice said. "Pero si Sela? Papayagan ba siya ni tita?" tanong niya pa.

Under The Shade (SeBy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon