Chapter 44

376 15 1
                                    

TULALA

Yan ang nangyari sa akin nang makita at marinig ko siya.

"Suprised?" Tanong nito.

Di pa rin ako makasagot. Sinuri ko ang kabuoan niya. Grabe ang laki na ng ipinagbago niya. Medyo nag iba na rine yung itsura niya. Mas naging mature siya ngayon tignan compared noon.

"Calixian" halos pabulong ko ng sabi nang hawakan niya ang kamay ko.

Nakatutok lang ang mata niya sa akin dahilan kung bakit parang gusto kong tumakbo bigla.

"You look thinner than before, akala ko ba inaalagaan ka ng kapatid ko?" Sabi nito sabay lingon kay Sarchzani.

"Sarchzani!" Tawag ko sa kanya ng banggitin siya ni Calixian. Nakita ko siyang nasa likod ni Tito Eric.

"Hey," Sagot nito at lumapit sa gawi ko.

"Merry Christmas, beautiful Felishia" Sabi niya at humalik sa pisngi ko.

Nakaramdam ako ng hiya nang makita kong titig na titig ang pamilya ni Calixian sa amin. Lalong lalo na si Calixian na nakakunot ang noo.

"Uhm, s...salamat hehe merry c.. Christmas din" utal utal kong sabi saka yumuko sa kahihiyan. Pero bigla rin akong napatingin pabalik kina Calixian at Sarchzani nang magsalita si Sarchzani.

"She's not thin. She's sexy. Ang problema kasi sayo, di ka nakaka appreciate nang mga magagandang bagay. And I always took care of her that's why we became close" biglang sabi ni Sarchzani.

Natahimik ang paligid nang sabihin yun ni Sarchzani. Tumaas naman ang kilay ni Calixian at binigyan kami ng makahulugang tingin. Sa sobrang awkward parang gusto ko yata bigla na lamunin nalang ng lupa.

"Son, stop that. Don't stress her out. She's still shock" Ani Tito Eric.

"Tama. At di niya alam na nakabalik ka na. Wag mo naman na sang awayin na si Felishia ah, lalo na ngayon at siya na ang magiging P.A mo sa office" nakangiting sabi ni tita sabay tingin sa akin.

"Po?" Bigla kong tanong. "S..sinong P.A? Ako?" Nagtataka kong tanong.

Ngumiti naman ng malapad si Calixian.

"Yes, I heard you don't have a work, so I decided to have you as my Personal assistant. And don't worry, I have my own office now" nakangiting sabi nito sabay tingin ng diretso sa mga mata ko.

All of a sudden na feel ko ulit yung guilt. Umalis pala talaga siya dahil may nasabi akong mali.

Nakaramdam ako ng hiya matapos niyang sabihin yun. Napakapit nalang ako sa braso ni Sarchzani na ngayon ay nasa gilid ko lang.

"Tama na yan, doon na tayo sa kusina. Masamang pinaghihintay ang grasya"

Nakahinga ako ng maluwag ng magsalita si dad.

Nagsipasok na silang lahat.

"Merry Christmas Felishia" nakangiting bati ni tita Amanda at Tito Eric.

"Merry Christmas po" bati ko pabalik sa kanila.

"Merry Christmas" bati nila Calihann at Zehann na di nagpahuli sa pagdadala ng mga Pineapple at Watermelon.

"Merry Christmas, di parin kayo nagsawa diyan?" Natatawa kong tanong sa kanila.

"Nope, it's delicious good for the body" sabay na sabi nila.

Tumawa nalang ako saka sumabay sa kanila papuntang kusina.

Naabutan kong naka upo na Ang lahat. Kaya pala sobrang dami ng mga Christmas gifts na nakita ko kanina ay dito pala sila magpapasko. Di man lang nila sinabi sa akin.

"Felishia dear umupo ka na" Ani mommy.

"Ah, sige po mommy" Sabi ko saka naghanap ng upuan.

Actually, di naman ako mahihirapan maghanap ng upuan dahil malaki naman tong dinning room namin at maraming upuan. Kaso nga lang ang mas malapit na upuan mula sa kinatatayuan ko ngayon ay ang upuan ni Calixian at Zehann. Si Sarchzani kasi naka upo na sa tabi ni Kristen.

"Looking for a seat? Why don't you seat beside me?"

Nabigla ako ng marinig ko ang malalim na boses ni Calixian. Parang di naman ako nasanay sa boses niya kung makareact. Pero iba kasi ngayon. Mas naging manly yung boses niya, ang lamig sa tenga nang boses niya. Parang ang sarap lang pakinggan.

"Felishia, gusto mo dito ka nalang sa pwesto ko? At Ako nalang doon?"

Napangiti ako ng marinig ang sinabi ni Sarchzani. Acckk you're my savior!

"Sige----

"No. She's gonna sit beside me. Come here"

Nagulat nalang ako na nasa harapan ko na si Calixian at hinawakan ang bewang ko.

Halos maputol ang hininga ko nang maramdaman ko ang mainit na haplos ng kamay niya sa bewang ko.

"But she's not comfortable" reklamo ni Sarchzani.

"Really? Then I'll make her comfortable. With me" ani Calixian at iginiya ako sa upuan.

Wala na akong nagawa kundi umupo sa upuan na iginiya niya sakin.

"Mare,bat di mo naman sinabi sa akin na umuwi na pala si Calixian?" Ani mommy.

"Yang batang yan kasi ayaw ipasabi na dumating na siya. Surprise daw" naiiling na sabi ni tita.

"Surprise talaga dahil pagbukas namin ng pintuan maraming pinya!" Nakangising sabi ni Zehann

"May watermelon din. Kaya tuwang tuwa ako nung umuwi si kuya eh" ani Calihann.

"Baka nga natuwa ka lang nung umuwi ang kuya mo nang dahil sa Watermelon eh noh?"

Natawa kami sa sinabi ni Tita.

Tinignan ko ang lahat ng taong nandito. Mukhang mas magiging masaya ang paskong to.

"Felishia" tawag ni Calixian.

"Yes?" Sagot ko at nilingon siya.

"Kumusta ka na?"

May biglang tumambol sa dibdib ko ng tumama ang mga mata namin.

Jusko bakit ba ganito ang nararamdaman ko?

Calixian Bancroft (Bancroft series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon