Chapter 8

25.8K 1.3K 458
                                    

Kinarga ko si Castian papasok ng mansion pagkarating namin. He's fast asleep and I don't want to disturb him. I grabbed his backpack in one hand and closed the door gently. Si Thyron naman ay lumabas mula sa sasakyan niya at pinagmasdan ang mansion.

"Wow. Nice house," he whistled.

Napailing ako. "Salamat sa paghatid mo sa amin, Thyron."

He nods, still admiring the mansion. Lumipat ang tingin niya sa akin. "Nakapunta na ba dito si Rigor?"

I bit my lower lip before nodding. "Once."

"Really? And he did not see him?" turo niya sa anak ko.

"Hindi."

Thyon chuckled. "Kawawa naman si Rigor. Malungkot na nga, tanga pa. Hindi alam ng gago na nakabuntis pala."

I glared at him. Kaagad niyang itinaas ang mga kamay habang tumatawa pa rin.

"Keep in touch with me, okay? Nagbabakasakali akong magpapakabait na si Freuss pagkatapos ng suspension niya."

"Alright. Drive safe."

He nodded once more and his gaze lingers at Castian for a moment before entering his car and driving off. Nakatayo lang ako sa gate habang karga pa rin si Castian. Nang mawala na sila sa paningin ko ay saka pa ako pumasok.

"Mommy..." Castian stirs from his sleep.

Sinilip ko siya. He's rubbing his sleepy eyes. Nilingon-lingon niya ang paligid.

"Where's Freuss?"

"She went home with her Daddy na." I gently explain.

Castian softly pulls away from me. I let him walk and held his hand instead. Kinuha niya rin ang spiderman backpack niya mula sa akin.

"I can still see her again, right?"

Tumango ako. "After three days, baby."

"Pikon kasi si Freuss, Mommy, kaya pinatawag ka ni teacher namin. Kung hindi siya umiyak, hindi sana kami suspended."

Natawa ako sa sinabi niya. "But she scratched your cheek."

Castian shrugs. "Di naman masakit, Mommy, e. Sa lahat ng nambubully sa akin, si Freuss ang pinakamabait."

I froze and turn to him.

"What do you mean?"

Castian pauses for a while to think. He tilts his head and looks at me. "Kasi si Freuss, inaaway niya ako pero hindi naman masakit. Yung iba, inaaway nila ako pero masakit..." he places a tiny fist against his chest. "Dito, Mommy, masakit."

I felt sick to my stomach while listening to him. The sudden urge to punch myself hits me, for all the pain I'm unconsciously inflicting to my son. Castian notices that I'm silent as he tugs my arm.

"Mommy?"

A tear fell from my cheeks. Kaagad ko itong pinalis at pilit na nginitian si Castian. Lumuhod ako sa harapan niya.

"Alam mo, yung mga nang-aaway sa iyo, hindi nila alam ang ginagawa nila. Can you promise Mommy to tell her next time it hurts here again?" I place my palm against his soft chest. Bumaba ang tingin niya sa kamay ko at tumango-tango.

"Sure, Mommy."

I gathered Castian in my arms and kissed his forehead as hot tears flooded my eyes. Tinulungan ko siyang magpunas at pinakain bago matulog. I curled like a child next to him, allowing myself to let the tears flow. Castian fisted my shirt, scooting closer to me. Mas lalong nanginig ang katawan ko. I pressed my knuckles against my mouth so he won't hear me crying and shut my eyes.

Deceret Series #2: Bleed for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon