MVEN-16

98 90 7
                                    

"Pasok ka na anak,"

Nakangiting sinabi iyon ni mama nang pagbuksan niya ako nang pinto, pero alam ko na may problema siya dahil namumula ang mga mata niya at halatang kakaiyak niya lang.

Pumasok ako sa bahay pero hindi parin mawala ang tingin ko kay mama. Naghahalo ang emosyong nagtataka at nag-aalala.

"Ma, anong nangyari?" Direktang tanong ko.

"Wala anak," agad na tanggi ni mama at hinagod ang likod ko.

"Ma, alam kong may problema, ano yun?" Pananaliksik ko.

"Wala anak. Magpahinga ka na, pagod ka eh," saad niya at ngumiti para pagaanin ang loob ko.

"Ma, hindi ako makakatulog kapag hindi mo sinabi sa'kin," saad ko.

"Pagod ka anak, diba. Kailangan mo nang matulog, matutulog narin ako," saad niya at tinalikuran ako.

"Ma! Anak mo 'ko, alam ko kung may problema ka o wala. Kung kilala mo'ko dahil anak mo 'ko pwes kilala din kita dahil ina kita," humarang ako sa harapan niya at pinilit siyang mapatingin sa'kin.

"A-anak..."

Bigla akong niyakap ni mama at umiyak nang malakas sa balikat ko. Ito ang unang beses na nakita ko si mama na umiyak nang ganito.

Pinaupo ko muna siya sa may upuan sa dining at tsaka kinuhanan siya nang tubig para mainom niya.

Tumayo ako sa harapan niya at humawak sa may upuan.

"Ma, anong nagyari?"

Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko kahit na alam kong may masamang nagyayari.

"A-anak...ang papa mo..."

Wala pang sinasabi si mama pero parang iba na ang naramdaman ko nang marinig ang pangalan ni papa.

"Bakit? Anong meron kay papa?" Nagtatakang tanong ko.

"He...h-he cheated on us,"

Parang humugot ang paghinga ko nang sinabi iyon ni mama. Biglang lumakas na naman ang pag-iyak ni mama.

"S-sigurado ka ma? S-si papa?"

Tumango si mama kaya hindi ko matanggap na kaya 'yong gawin ni papa.  Hindi ko inaakalang kaya itong gawin ni papa sa'min.

"N-nakita siya nang kuya mo...nakita siya na may kahalikang i-iba,"

Lumakas na naman ulit ang pag-iyak ni mama matapos sabihin ang detalye sa'kin.

"A-asan na si papa ngayon?" Kalmadong tanong ko.

"L-lumayas," maikling sagot ni mama.

Wala na akong ibang nagawa kundi yakapin ang umiiyak kong ina. Hindi ko matanggap na kayang gawin iyon ni papa. Na kaya niya kaming saktan nang ganito.

"Ma, tama na..."saad ko habang hinahaplos ang likod niya.

"Ang sakit anak..."

Yan ang salitang sinabi ni mama na nagpabagsak nang mga luha ko. Hindi ko kayang makitang nasasaktan si mama nang ganito.

Napaangat ang tingin ko nang marinig kong pababa si kuya mula sa kwarto niya.

"Ma, sususnduin ko lang si Belle. Gabi na eh," saad ni kuya. Siguro hindi niya napansin na nandito kami ni mama sa kusina.

"K-kuya..."

Narinig kong bumalik si kuya at dali-daling pumunta sa kusina nang marinig ang sinabi ko.

"Kuya, totoo ba?" Tanong ko sa kaniya habang umiiyak.

"Kuya, paano nagawa sa'tin ni papa 'to?"

"Kuya? Hindi yon totoo diba?"

My View Every NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon