2•1 - Called to Death

1K 70 22
                                    

1 - Called to Death



"Class, welcome to your first year in Junior High. Please, introduce yourselves one by one."



"Hello, everyone! I'm Dahlia Chavez, Dahli for short!"



"Yo, wassup! I'm Brix Garcia, Brixter for long!"



"Ako na ba? Hello po, I'm Niall Aguilar."



"Hi, my name's Trina. Trina Villamor."



"Hi, I'm Vito Manuel."



"Hi, I'm Fleur but not wax! I'm Fleur Ruiz po and I'm excited to be friends with everyone!"



"Good morning. I'm Tate Dominguez."



"Good morning din, Tate. Hello, mga bagong classmate. Ako si Samuel Alcaraz. 'Wag n'yo 'kong tatawaging Sam. Ayoko lang."



"Hi, I'm Sync Cariño. It's nice to meet everyone."



"H-Hi, I'm Euna Ramos."



Para akong naubusan ng hangin matapos kong patayin ang group call namin kagabi. Limang taon na ang nakakalipas, kahinaan ko pa rin pala ang mga mata na 'yon.



Lumabas ako ng kwarto para kumuha ng panibagong baso ng tubig. Pagkatapos uminom, umupo lang ako sa dining table at hindi ko na namalayan ang oras. Alam kong nawala ako sa sarili ko dahil talagang nagulat ako nang makitang maliwanag na sa labas. Doon ko lang din naramdaman na basa ang pisngi ko.




Tumayo ako at babalik sana sa kwarto nang makarinig ng busina mula sa labas ng bahay. Sumilip ako at nagtaka nang makita ang isang itim na sasakyang nakaparada sa tapat ng gate, sa tabi n'on ay isang binatang nakapormal na damit at pinagtitinginan ng mga tsismosa kong kapitbahay.



"G-Good morning po," I awkwardly greeted the guy whom I think is just the same age as I am. "Ano pong kailangan nila?"



"Good morning, Ms. Euna. I was sent by Mrs. Lagdameo to take you to Scarper House," nakangiti niyang sabi.



"Scarper House?"



"Mrs. Lagdameo arranged a reunion for—"



"Ah, yeah. I know about the reunion," mahina kong sabi. Hindi ko alam kung paanong sasabihin sa lalaki na hindi ako pupunta. Nahihiya akong tumanggi dahil sobrang layo ng lugar namin at pinuntahan niya pa ako. "C-Can you wait for a few minutes, sir. I'll just get ready."



He smiled again. He's cute, I'll admit. "Take your time, Ms. Euna."



Ngumiti rin ako at tipid na tumango. Tumalikod na ako para bumalik sa loob ng bahay nang magsalita siya ulit.



"Oh, and no need to call me sir, Ms. Euna. The name's Theo."



Ngumiti lang ako.



An hour later, I was already inside the black car. Another hour later, we entered the gates of Scarper House. It was a huge two-storey building, with a Victorian vibe. Theo drove up to the circular driveway, wherein about five other cars were parked. Fear crept over my whole system again when I saw my old classmates.



"Sabi ko na nga ba, 'di mo kami matitiis!" masayang bungad ni Niall nang pagbuksan ako ni Theo ng pinto. Nakatingin silang lahat sa'kin.



Hindi pa ako nakakatayo nang maayos, halos matumba ako nang dambahin ako ni Dahlia ng yakap. "Bitch, I missed you so much!"



"Euna!" parang batang lumapit din si Brix at yumakap sa'kin. Bumitaw din siya agad para hayaan sina Trina at Fleur na bumeso pa sa'kin.



"Euna, na-miss ka naming lahat," may diin sa last word na sabi ni Samuel. Alam ko kung ano ang ipinapahiwatig niya pero ngumiti na lang ako.



"Ay, no comment!" pang-aasar pa ni Fleur. "Showbiz yarn?"



"Good to see you, Euna," sabi naman ni Tate na kanina pang tahimik lang sa isang tabi. Saglit niyang ipinatong ang kamay sa ulo ko. Kahit naman tahimik lang siya lagi noon at hindi nakikisali sa mga trip namin, kaibigan talaga namin siya at ramdam kong ganoon din ang turing niya sa'min. Medyo ikinagulat ko lang na may cast ang isa niyang binti. I mean, siya ang pinakamaingat na taong kilala ko at never yata siyang nagalusan buong high school.



"Napano 'yan?" hindi ko napigilang itanong.



"Sporty na siya," tumatawang sabi ni Vito na itinaas ang nakakuyom niyang kamao para makipag-fist bump sa'kin. "Good to see you, Euna."



"Great to see you all again," sagot ko saka inilibot ang tingin sa kanilang lahat. Of course, napahinto ang mga mata ko sa kaniya. Lagi namang gano'n. Mula noon. Hanggang ngayon.



"Uh... puwedeng mag-usap," rinig kong sabi ni Brix. "Share ko lang, baka nakalimutan n'yo eh."



"Hey," Sync said with a smile.



"Hey—"



"Hello, kids!"



We all turned and looked up at the old lady standing on the porch. Halos hindi ko nakilala ang nanay ni Lana dahil sa elegante niyang pananamit at ayos, malayong-malayo sa ginang na umaattend ng meetings at events sa school dati. Well, I'm glad that she's being blessed after that tragic day. At least, bawas na sa iintindihin niya ang pera.



"Hello po/good morning po," sabay-sabay na bati ng mga kasama ko. Ako? Nakatitig lang ako kay Mrs. Lagdameo.



Kahit pa sobrang laki ng ipinagbago ng ayos at postura niya, hindi naman nagbago ang mukha niya. Kaparehong-kapareho pa rin ng hulma ng mukha ng nag-iisang anak niya.



"Euna! Euna, help! Euna!"



"Hey, okay ka lang?" Para akong iniahon mula sa kailaliman ng dagat nang marinig ko ang boses ni Dahlia. Halatang alalang-alala siya.



"Yeah." Bumuntong hininga ako. May sasabihin pa sana ako nang mapansin naming papasok na ang iba. Ngumiti na lang ako sa kaniya. Tinawag na rin naman siya ni Niall kaya hinayaan ko na lang siyang mauna.



Hinawi ko ang buhok ko papunta sa kanang balikat ko saka pinalobo ang pisngi ko at bumuntong hininga ulit. Mabuti na lang at nakaputing pullover ako—mahaba ang manggas kaya hindi nila makikita ang mga kamay kong nanlalamig na.



I was about to take the first step up the porch when I felt someone standing right behind me. I was almost creeped out when I turned around and saw Theo's face right in front of mine. Good thing, he was smiling, and his smile is adorable. I also could not help but notice the scar at the end of his right eyebrow, which—for me—added a significant value to his charms.



"We'll be watching."



Wala sa sariling napaatras ako dahil sa awkwardness, pero napakunot din ang noo ko nang mag-sink in sa akin ang sinabi niya. "I'm sorry, what?"



He chuckled. Damn, he's really cute. "Welcome to Scarper House."



"Thanks," naiilang pa rin na sabi ko. "Uh..."



"Euna?"



Sabay kaming napalingon ni Theo at pinanood si Sync na lumabas muli sa main door ng bahay at lumapit sa amin. "Everything alright?"



Napatingin ako kay Theo bago muling lumingon kay Sync. "Yeah."



Tumingin din siya sa nakangiti pa ring si Theo saka dahan-dahang tumango. "Let's go?"



I simply nodded and continued climbing up the stairs. When I reached where he was standing, Sync turned around and walked towards the door again. I followed him without saying anything. There was only silence between the two of us, that's why I clearly heard Theo's voice when he spoke again.



"Scarper House says have fun."



;

Scarper HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon