2•5 - Scarper Maze

789 57 7
                                    

5 - Scarper Maze



"That exam... is actually not bloody?"



"Yeah, I don't think I hate math anymore."



"If all math exams will be like that, hindi na ako mangangamba sa future ko."



"Same here, Trina. Sa dali ng exam natin, nakapagdesisyon na akong magte-take ako ng engineering course sa college."



"Hoy, ano'ng sagot n'yo sa final problem?!"



"Brix, may nag-eexam pa sa kabila, baka mapagalitan tayo."



"64 ang value ng x, 'di ba? Sabihin n'yong 64 din ang sagot n'yo, minsan lang ako madalian sa math."



"Yeah, 64 ang nakuha ko."



"Ako rin."



"Me three."



"Same."



"Eh, bakit 240 ang sagot ni Sync? Tapos nakatatlong scratch papers daw siya."



"Weh?!"



"Kakasabi mo lang na may nag-eexam, Dahlia."



"Pero 'di nga, gago, nag-doubt na tuloy ako sa sagot ko."



"64 din ang sagot ni Tate, 'wag kang mag-alala."



"'Di ko ma-gets kung bakit naging gano'n kahaba ang solution ni Sync para sa gano'n kadaling problem?"



"Mga bata, may nag-eexam pa sa kabila, 'wag kayong tumambay diyan."



"Sir! Sir! Tapos naman na po kaming lahat mag-exam, ano po'ng sagot do'n sa final problem."



"Nako, natignan ko na, pare-pareho kayo ng sagot. Si Sync lang ang tama."



"Pucha! Sabi ko na nga ba mali ang ginagawa ko sa math 'pag masiyadong madali eh!"



"Euna, we have to go," pang-ilang ulit nang pangungumbinsi sa'kin ni Sync.



I shook my head again. I just couldn't let go.



I couldn't let go of Fleur's body—of her corpse.



"Euna." Lumapit na rin sa'kin si Brix. Dahan-dahan niyang tinanggal ang mga kamay kong nakapulupot kay Fleur. "We have to go." Tumingin siya sa mga mata ko. "We can still save Tate."



Natigilan ako. Inilibot ko ang tingin sa iba pa naming mga kasama at nakaramdam ng kunsensya nang makitang para bang hinihintay na lang nila ako. "I-I'm sor—"



That loud blaring noise cut my words. I could only close my eyes and wait for it to disappear. And what followed it made me open my eyes again.



That voice... was laughing. Ano'ng nakakatawa?



"I'm sorry, it's just so funny." Nalilito at naiinis na nagkatinginan kami nang muling marinig ang pagtawa niya. "Did you really think you can still save Tate Dominguez?"



My jaw dropped. The next thing I know, we were all running out the door and into the hallway, trying to turn every door's knob. Only the last one on the left opened and I wished it didn't.



Scarper HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon