2•8 - Honey

762 60 7
                                    

8 - Honey



We heard footsteps—growing louder and louder. Someone's approaching.



I was a bit surprised when I realized that I unconsciously took a step back because of how scared I'm feeling. Hinila ko ulit si Dahlia papalapit sa'kin. Sina Sync at Brix, iniharang ang mga sarili nila sa unahan namin. Pare-pareho kaming nakatingin sa direksyon na 'yon, nag-aabang sa kung sino mang hindi namin kilala.



I held my breath once again. Ramdam ko ang pagkalito nina Brix at Dahlia nang maaninag namin ang isang may edad na lalaking naka-formal attire. Samantalang kami ni Sync, gano'n mismo ang inasahan. Maganda ang tikas ng katawan niya. Maayos ang itsura. Sa mga mata pa lang, makikita mo nang marami siyang alam at hindi siya basta-bastang tao. Ganoon si Hannibal Lecter.



"Good evening," he said. If we're in a different situation, I would definitely admire how saying just two words screamed how confident and smart he is. But at where we are right now, it just terrified me.



Nagulat ako nang maramdamang hinawakan ni Sync ang braso ko. Hindi siya lumilingon pero dahan-dahang gumagalaw ang kamay niya hanggang sa maabot ang kamay ko. Malamig, pero 'di tulad ng sa akin na nanginginig na sa kaba, kalmado ang kamay niya. Kumapit siya sa'kin at ganoon din ako sa kaniya. Mahigpit. Walang balak na bumitaw.



"G-Guys..." Brix swallowed while not taking his eyes off of the man who stopped walking a few meters away from us. My heart almost jumped out of my chest when he slowly raised both of his hands. One was holding a fork, the other was holding a knife that seemed to sparkle when it reflected the light. "Run!"



I found myself running with them, holding Dahlia's hand on my left, and Sync's on my right. Nauuna si Brix at nakasunod lang kami sa kaniya dahil pare-pareho naming hindi alam kung saan pupunta. Nakalayo na kami sa kwartong 'yon at walang ibang ilaw.



Sandali akong lumingon at dahil tuwid lang ang hallway, natatanaw ko ang matandang lalaki na natatamaan pa ng liwanag ng kwartong pinanggalingan namin. Hindi siya tumatakbo. Sinusundan niya kami pero naglalakad lang siya habang nasa likod ang mga kamay. Hindi nagtagal, nawala na siya sa paningin ko.



"Dito!" sigaw ni Brix nang may makapa siyang pinto ilang segundo lang matapos naming lumiko. Binuksan niya 'yon at pare-pareho kaming natigilan nang maaninag na mahabang hallway din ang naroon. "Ano 'to?"



"Another hallway?" nalilitong tanong din ni Sync.



"What if it leads to—" Napatigil si Dahlia sa pagsasalita nang makarinig ulit kami ng mga yabag. Papalapit nang papalapit. Imposible. Masiyado pa siyang malayo kanina. Kung tumakbo siya, dapat narinig namin. Imposible, pero napatakbo kami ulit.



"Dahli!" tawag ko nang maramdaman kong bumitaw siya sa'kin.



"Hawak ko siya! Hawak ko siya!" sigaw naman ni Brix na sandaling nakapagpakalma sa'kin. Saglit lang, dahil narinig din namin ang boses ni Dahlia mula sa kabilang direksyon.



"N-No... Nandito ako, Brix..."



Napatigil kami ni Sync sa pagtakbo. Hindi ko siya nakikita pero alam kong pareho kaming lumingon sa direksyong pinagmulan ng boses ni Dahlia. Pakiramdam ko malalagutan na ako ng hininga dahil sa sobrang kaba. "D-Dahli... is anyone holding you?"



"W-Wala..." She sounded like she was about to cry again. "Why? W-Why?"



"Dahlia, stay where you are. We're going to get you," pagpapakalma sa kaniya ni Sync na mahigpit pa rin ang kapit sa kanang kamay ko.



"S-Sync..." I called him. "Tell me you're holding Brix on your other hand."



Ramdam kong natigilan siya. Unti-unti, mas humigpit pa ang kapit niya sa'kin. "No..." bulong niya.



"W-Who are you?" narinig naming sinabi ni Brix at napalingon kami sa direksyong pinanggalingan ng boses niya.  "Puta—"



"Brix!" sigaw ko at, kahit wala akong nakikita, awtomatikong napatakbo ako papalapit sa direksyon niya. Pero hinila ako ni Sync at pinigilan.



"Euna!" he said my name out loud, as if he wanted to wake me up.



"Sync!" ganting sigaw ko. "Si Brix! H-He... He—" Naramdaman kong niyakap niya ako. Mahigpit ang pagkakapulupot ng kaliwang braso niya sa likod ko habang nakakapit sa ulo ko ang kanang kamay niya, isinasandal ako sa dibdib niya. "He has him..." hindi ko napigilang ibulong kasabay ng pagtulo ng mga luha ko.



Hindi nagsalita si Sync. Gumalaw ang kanang kamay niya para haplusin ang likod ng ulo ko habang umiiyak ako, habang pinapakinggan namin ang mga sigaw ni Brix. Bawat hiyaw niya, ramdam ko ang sakit. Bawat hiyaw na hindi man lang siya humihingi ng tulong, nadudurog ang puso ko. Sumisigaw siya dahil nasasaktan siya, pero kahit isang beses, hindi niya kami tinawag. Ayaw niya pang mamatay pero ayaw niya rin kaming madamay.



May isang minuto rin ang lumipas bago muling tumahimik ang paligid.



"I'm sorry. I'm sorry. I'm sorry." Nagulat pa ako nang marinig ang paulit-ulit na pagbulong ni Sync. Doon ko lang din napagtanto na umiiyak din siya. Lalong nag-unahan sa pagtulo ang mga luha ko nang ma-realize ko ang dahilan.



Hindi na lumalaban si Brix. Tapos na.



My arms voluntarily moved and wrapped around Sync's body. I copied him and let his head rest on my shoulder. I didn't care even though I could feel my shirt getting wet from his tears.



My hand was gently caressing the back of his head when the lights suddenly went on. I had to close my eyes and wait for them to adjust to the sudden brightness of the surrounding.



Sync let go of our hug and stood up straight. We weren't able to say a word when we suddenly heard Dahlia's voice. "Euna! Sync!" When we turned around, we found her running towards us, with tears rolling down her cheeks.



Sinalubong namin si Dahlia ng yakap. Mas matindi ang pangangatal niya kumpara kanina. Tumulo ulit ang luha ko habang iniisip kung gaano siya katakot habang mag-isa sa gitna ng dilim.



Napabitaw lang ako kay Dahlia nang maramdamang unti-unting lumuwag ang kapit ni Sync sa amin. Nilingon ko ang mukha niya at nakitang nakatingin lang siya sa likuran namin. Tumingin din ako ro'n, na sana ay hindi ko na lang ginawa.



"Brix Garcia is eliminated," the voice said. I guess I wasn't able to hear the loud noise again.



Dahlia screamed. I fell on my knees. Sync, again, tried to cover my eyes that seemed glued to Brix's lifeless body, but I stopped him. I'm sure I don't like what I'm seeing. But what's the point of covering? What's the points when I know that the image is now carved in my mind? And if I'll survive and get out of this house, I'm sure that everything will be a new set of nightmares that will wake me up every night.



There on the floor, sitting casually with his legs crossed was the old man whom the voice called hani. He is now using the fork and the knife that sparkled again as it reflected the light. I couldn't take my eyes from it as he used it to cut some fresh organs, straight from Brix's open stomach.



There on the floor, eating his organs was the old man whom Brix called honey.



;

Scarper HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon