CHAPTER 63

1.1K 68 17
                                    

COLEEN'S POV

(Sportsfest; 2nd day)

"So ang makakalaban pala natin ay NVA" wika ni Ate Abby habang nagmamaneho. Sumabay na ako kina Ate dahil maagang umalis si Gabb, mga 7:00, dahil 'yun ang call time ng mga players.

"Natalo nila tayo last year, ano sa tingin niyo? Kaya ba nina Gabb?" Tanong naman ni Ate Ecka "Batak mga players nila kumpara saatin" dugtong niya

"Hindi naman siguro hahayaan nina Gabb na matalo sila, lalaban at lalaban mga 'yun. Iba ang noon sa ngayon" ika ni Ate Alice

"Kaya nga naman. Kung last year madali lang nila tayo natalo, ibahin niyo ngayon. May mga bagong players na tayo na mas-magagaling, isa na do'n si Gabb" sabi ni Ate Sela

"Sabagay, competitive naman si Gabb." ika nito sabay kindat "Siya nga pala, nasaan sina Chester at Gayle?" Tanong ni Ate Abby.

"Susunod na siguro mga 'yun, ang alam ko kasi nag-order sila kahapon ng banner para sa HHU. Hindi pa raw kontento si Gayle sa mga torotot, kailangan may pa-banner" sagot ni Ate Alice

"Speaking of torotot, nadala niyo ba yung megaphone?" Napatingin ako kay Ate Ecka habang nakangiti ito na parang may binabalak

"Oo, nasa likuran"

"Ilan?" Tanong pa nito

"Tatlo"





Nang makarating kami sa gym kung saan maglalaro sina Gabb ay malapit nang mapuno ang mga bleachers, buti nalang at mero'n si Ate Brei kasama si Ate Ella na nagreserve ng space.

"Uy, Ella! Napanood ko game niyo kahapon, galing mo ah" wika ni Ate Ecka "Mamayang hapon pa game niyo 'di ba? Sinong kalaban?" Tanong nito

"Kalaban namin? Wala pang sinabi, pero ang alam ko NVA ang itatapat sa'min" sagot nito

"Ay weh? Naalala ko tuloy captain nila, sobrang attitude tol. Ma-block mo lang siya, iirapan ka na" sambit ni Ate Alice. Volleyball player kasi siya ng HHU dati kaso tumakbo siya sa SC kaya kailangan niyang umalis, hindi niya raw kasi mapagsabay kahit gustohin man niya.

"Hindi pa ba graduate 'yun? Yung maputi na makapal ang labi?" Tanong ni Ate Sela

"Hindi pa, ka-batch lang kaya natin 'yun. Anyways, ano kalaban ng boys ngayon sa basketball?"

"NVA rin, magkaparehas lang naman ang girls at boys ng game bracket" sagot ni Ate Ecka

"Finally, you guys are here" nagpunta si Gabb saamin kasama si Lara habang naka-jacket "Nagbreakfast ka na?" Tanong naman nito pero kaagad sumabat si Ate Abby bago pa man ako makasagot.

"Hay nako, hindi 'yan kumain. Niyayaya namin kanina ayaw niya" ika niya

"Ha, bakit?"

"Aba malay ko d'yan, hindi raw gutom" sagot nanaman ni Ate Abby

"Hindi ba I told you last night na kumain ka muna ng breakfast before ka pumunta rito?" Nakakunot ang noong sabi ni Gabb "Tara sumama ka sa'kin"

"Saan?"

"Sa cafeteria, hindi pa rin ako nagbreakfast. Sabay na tayo" sagot nito kaya sinapak ko ang balikat nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 04, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LOVE WARNING // (UniCoco Series: I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon