Chapter 28

18.1K 339 1
                                    

NANGHIHINANG napasandal ako sa may pader ng banyo matapos makita ang resulta ng PT.

Natulala ako sa banyo habang hawak pa din ang limang PT.

Ano nang gagawin ko ngayon,hindi ko naman inakalang may mabubuo dahil isang beses lang naman iyon nangyari.

Pero wala na akong magagawa dahil nandito na ito at ang magagawa ko nalang ay mahalin ang batang nasa sinapupunan ko.

Pagkatapos kong umiyak sa banyo ay inayos ko na ang sarili ko bago lumabas.

Kailangan ko pang aaikasuhin si Zane.

Pagkakuha ko kay Zane at Zaiel ay pinakain ko na ito nagtaka pa nga si Zane kung bakit namamaga daw ang mata ko,nagdahilan nalang ako sa bata na napasobra sa pagtulog.

Pero iba si nay Yoli,nakikita kong napapatingin siya sa akin kada magkakasabay kami.alam kong hindi siya naniniwala sa sinabi ko kay Zane.

Kaya naman kinagabihan ay kinumpronta na ako ni nay Yoli.

"Iha,matanong nga kita.Anong bakit namamaga yang mga mata mo?At iha wag na wag kang magtakang magsinungaling sa akin"sabi niya.

Nakayuko lang naman ako habang nagbabadya ang luha sa mata.

Dahan dahan kong itinaas ang mukha nang hawakan ito ni nay Yoli.

"N-nay Yoli."pag uumpisa ko kahit na kinakabahan.

"B-b-buntis po a-ako"nanginingig kong wika dito at tuluyan nang naiyak.

Kita kong naistatwa sa kinatatayuan niya si Nay Yoli pagkatapos kong sabihin iyon.

"A-ano p-paano?"naguguluhang sabi nito.

Umiiyak na nagtaas ako ng tingin sa kaniya at nakita ang naguguluhang mukha nito bakas din ang takot sa kaniya.

"Wag mong sabihing si Zyair ang ama niyan?"natatakot na sabi nito.

Tumango tango ako kaya naman nanlaki na ang maya nito at nakita ko naman ang awa sa kaniyang mga mata.

"I-iha Clementine"sabi nito sabay yakap sa akin.

Lalo akong napaiyak at ginantihan siya ng yakap habang siya ay hinahagod ang aking likod.

"Paano ka na nito?paanong may nangyari sa inyo ngayong hindi ka naman halos matignan ni sir Zyair."
ani nito.

Kinuwento ko sa kaniya kung kailan naganap iyon na labis na nagpagulat sa kaniya,sinabi ko din ang pag uusap namin ni sir Zyair.

"Clementine iha,bakit ka pumatol sa lalaking may asawa na?"
namomoblemang tanong nito.

Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabing iyon ni Nay Yoli at natulala.

Ibig sabihin ay kasal na pala siya at pumatol ako sa kaniya.

Para namang nagtaka si Nay Yoli sa inasta ko,sinabi ko ditong hindi ko alam na may asawa na si sir Zyair.

"What's happening here?"baritonong boses ang nagpahiwalay sa amin ni Nay Yoli sa pagyayakapan.

Parehas bumakas ang kaba at takot sa amin ni nay Yoli habang nakatingin sa seryosong Zyair.

"Why are you crying  Clementine?"
tanong pa nito.

"Ah ih-"may sasabihin sana si nay Yoli ng itaas ni sir Zyair ang kamay pahiwatig na dapat siyang tumigil.

"I'm not talking to you Nay Yoli.And could you please get out,i want to have a talk with my son's nanny."sabi ni sir Zyair.

Ayaw man umalis ni nay Yoli ay wala na itong nagawa kaya naman napatingin nalang ako sa nilabasan niya.

Napatingin naman ako kay sir Zyair ng hawakan niya ng mahigpit ang braso ko habang mataimtim na nakatingin sa akin.

Itutuloy.
❄️
Hello!

BS #1 BetrayedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon