C11

1.1K 110 14
                                    

Game Day

Abbiel's Pov

"Okay team! Kailangan nating manalo ngayon ah para makapasok tayo sa international league , Brei , Abbiel , Lance Ryan , Gabb at Dean kayo na ang best line up ko ngayon kaya sana magkasundo sundo kayo kahit ngayon lang , okay team enjoy and give your best lang!" Sabi ng coach namin sabay nagyakapan kaming lahat at nagsalita naman tong si brei.

"Yung number 24 yung ace player nila at ikaw ang tatao sa kanya Gabb! Abbiel ikaw naman sa number 13 nila , Lance ikaw sa number 4 at dean ikaw sa number 7" sabi niya sa amin tumango nalang kami at pumunta na sa gitna , isa isa na kaming tinawag sa line up. Napatingin naman ako sa bench nakakamiss si jaydee hays kung pwede lang sana siyang maglaro ngayon eh kaso nga lang hindi pa okay yung lagay niya at ngayon ay nasa hospital pa siya.

Nag jump ball na at kami ang nakakuha ng unang ball position , nagdribble drible lang si gabb na may hawak ng bola saka pinasa kay lara at ibinigay naman ni lara kay brei na open ngayon sa 3 point range. Napahiyaw naman ang lahat nang maishoot niya iyun , napatakbo na kami pabalik ng kabilang court upang dumipensa , ang laking lalaki nitong kalaban ko at nahihirapan akong depensahan siya sa ngayon.

Nag  attempt naman siya na mag so shoot siya at napakagat ako dahil doon kaya na foul ko siya at na shoot pa yung hinagis niya na bola. Damn it! Naisahan ako doon ah tinignan naman ako nila lara at gabb na okay lang look ngunit napayuko naman ako nang makita kong dumudugo yung labi ko , natamaan kasi ako ng siko nitong lalaking to. Bali na double kill pa ako doon ah gayung nagkaroon ako ng personal foul tapos nagkasugat pa yung labi ko.

Nagkaroon naman ng official time out at chineck na ng medic namin yung labi ko at nilagyan na ng gamot at pinabalik na ako sa game. Nagtuloy tuloy lang ang laban at natapos na ang second quarter na lamang nang mahigit sampo ang kalaban namin. Napabuntong hininga naman ako dahil doon , napatingin ako sa mga kasama ko at halatang pagod na nga sila ngayon. May hawak hawak ako na yelo ngayon at nilalagay ko yun sa may labi ko , nagulat naman ako ng may mag abot sa akin ng bottled water.

"Babe okay ka lang ba? Ito binilhan kita ng ointment lagyan mo ng gamot yang labi mo para matigil na sa pagdurugo" nalungkot naman ako nang marinig iyun , dahil despite na nakipag break ako sa kanya ay ganyan pa rin siya sa akin. Di talaga tumatanggap ng break up tong si marsela , hays kaya mahal na mahal ko tong babaeng to eh agad ko na siyang niyakap ng mahigpit sapagkat namiss ko siya sobra.

"I'm sorry and I love you babe! Salamat sa effort mo para bumili ng gamot para sa labi ko" Sabi ko sa kanya at hinalikan ko ang noo niya tumango nalang siya sa akin at naluluhang niyakap akong muli.

Jaydee's Pov

Nakahiga lang ako ngayon dito sa hospital bed at nanunuod lang ako ngayon sa Netflix ng paborito kong series na Umbrella Academy. Napaisip naman ako ano na kaya ang nangyayari ngayon sa laban nila ngayon? Sana manalo sila dahil malaking opportunity yung makapasok sa International League sayang at hindi pa masyadong okay yung sugat. Napatingin naman ako sa may pintuan ng bigla itong bumukas at nagulat ako ng bumungad si coleen na hingal na hingal at pawis din.

"O-ohh coleen? Anong ginagawa mo dito sa hospital ah?" Takang tanong ko for sure naligaw lang yan dito , hindi naman yan pupunta dito eh lalo na kapag ako yung pasyente. Mas mauuna pa siyang saksakin ako kesa dalawin.

"Ah j-jaydee kailangan ka ng basketball team niyo ngayon , natambakan na sila at hindi pwedeng matalo sila ngayon gayung malaki din ang nakasalalay doon. Kaya ikaw lang ang alam kong makakatulong sa kanila na makabalik sa laban."  sabi niya sa akin habang naghahabol parin ng kanyang hininga , nagtaka naman ako na tumingin sa kanya ngayon. Hindi niya ba nakikita ang kalagayan ko ngayon? Ni wala na nga akong paglagyan ng sakit gayung okyupado lahat ng sakit ang buong katawan ko. Pati puso ko basag na basag din.

LOVE , LIES WITHIN YOU (FRANDEESAL)Where stories live. Discover now