47

136 13 29
                                    

gusto kong pag-umpugin yung ulo ng mga kaibigan ko ngayon. busy na sa paglalaro si nikon at jayden habang comfortable na silang lahat na nakaupo dun.

wala na ako nagawa, ako na mag-oorder para sa aming lahat. bait ko eh.

isang babae ang nakapila sa unahan ko, she got this brownish—almost the ginger hair color.

and i knew i needed to thank fate that time. tila slow motion na sumulyap siya sa likod, kaya nakita ko ang mukha niya. i stepped back a little shocked, but tried to remain collected and calm as our eyes meet.

does she recognize me? should i ask for her name? for her number? who knows? baka hindi ko na siya makita ulit. i might regret it but it's good to see her again, lalo siyang gumanda sa bagong kulay ng buhok niya.

“one americano.” narinig ko siya na umorder, medyo malalim pala yung boses nya, not the too feminine or sweet type.

may isang batang babae na tumakbo takbo sa paligid namin, sinagi pa ako at inapakan yung sapatos ko. “careful.” i told the little kid, before getting on my knees to tie my shoelaces.

nabigla nalang ako nung sakto katayo ko, biglang sumigaw yung babae sa harapan ko. “manyak!” wtf? she kept on calling me that. of course i defended myself! hindi ko naman hinawakan yung pang-upo niya.

“it's the kid—” i was cut off as soon as she threw the hot coffee on me. tangina, napasigaw ako kaagad dahil sa init. now my tee's stained with coffee.

“kuya!” tumakbo sila sean palapit, halos lahat ng nasa starbucks ay nakatingin samin. some are already taking photographs. lumapit pa yung security guard!

“hindi nga ako manyak, yung batang babae yun. nagkakamali ka.” sabi ko kaagad dun sa babae pero nanatiling nanlilisik yung mga mata niya. umalis na siya kaagad at iniwan ako dun na hindi alam ang gagawin.

i thought she's a demure person, hindi pala. she even cursed right in front of me. wow.

naglakad na ako papunta sa library. that starbucks incident was really hard to forget. it happened months ago, during summer pero hanggang ngayon parang randam ko parin yung mainit na kape sa katawan ko. shit lang.

nakita ko si kaila hindi kalayuan sa entrance ng 5th floor library. nakalugay ang buhok, busy sa pagbabasa pero kausap naman niya yung nasa harapan niya. she even smiled at him, kay axel.

bakit ba lagi silang magkasama? nakakaselos ah kahit wala naman ako karapatan. how would you feel na yung crush mo eh may crush na iba? tapos lagi pa sila magkasama? at nagsosolo yung dalawa sa paggawa ng thesis na dapat kasama din ako!

“hi, gael.” bati ni axel, binati ko din siya pero kay kaila lang ako nakatingin. while she can't even look at me or greet me like how axel did.

uupo sana ako sa tabi niya nung kaagad naman siyang tumayo bitbit yung libro na binabasa niya kanina. “ibabalik ko lang.” i don't know who she talking to, especially when she's avoiding me.

pinanood ko siyang maglakad paalis, martyr naman na sinundan ko siya hanggang sa makarating kami sa bandang dulo ng book shelves. she was busy looking for another book while i lean on the bookshelf next to her, looking at her instead of these books.

if only i could read your mind, kaila.

“bakit hindi nyo sakin sinabi ni axel na gagawa kayo ng thesis natin the other day?” kalmado kong tanong. i just wanted to know, gusto kong marinig mismo sa kanya kaya hindi ko tinatanong si axel.

she looked up, gave me a little glance before looking away again. bakit ba ayaw niya akong tignan na harapan? ganun ba niya kaayaw sakin?

“you were probably busy kaya hindi na ako nag-abala na sabihan ka.” simpleng sagot niya, mahina ang boses. tsaka tumalikod para tignan yung mga libro sa kabilang bookshelf.

ako? busy? since when? she's making excuses for her ownself. baka naman gusto niya lang masolo si axel.

“ang saya niyo siguro?” a sigh came out my lips. ano bang meron kay axel? lagi lang naman yung tulog.

alam ko naman na hindi ganoon kadali na sirain ang mga pader na nakapalibot kay kaila. fuck shit baby. *sinuntok yung pader* joke, gago.

but it's not really a bad idea to fall in love, especially kung sakin. bakit di nya subukan, diba?

you probably enjoyed being with him kaya nagawa nyong kalimutan na kagroup nyo din ako.” i sounded jealous, pero totoo naman kasi. ang unfair talaga ng buhay.

hindi siya sumagot. silent means yes? tangina, hindi pwede!

“kaila, nagseselos ako.” wala share ko lang. masama ba? wala na nga ako karapatan magselos eh, wala din ba akong karapatan na sabihin yun sa kaniya?

hinarap niya ako, mugto talaga yung mga mata niya? shit. why?

is she still mad at me for being the top 1 in our class? yun ba yung iniyakan nya? should i say sorry? but how? tangina, ang hirap talaga mabuhay sa mundo.

“bakit ka ba nagseselos?” she asked, finally looking straight into my eyes. sasagutin ko na sana siya kung bakit, pero nagulat nalang ako sa sunod niyang sinabi. “bakit ka ba nagseselos eh ikaw yung gusto ko?! tangina, fortalejo. ilang araw na kitang iniisip! putangina torture ka na! sumusobra ka na!” sigaw niya tsaka tinulak ako gamit yung libro na hawak niya.

“ha?” teka, it won't sink in. parang nablanko yung utak ko. hindi ko maintindihan.

“anong ha?! hayup ka!” sabi niya, her voice even cracked tsaka hinampas ako sa dibdib.

ang cute niya. pero tangina, hindi parin ako makapaniwala. “ano, ulit? gusto mo ko?” baka mamaya iba naman pala narinig ko. or maybe that's not what she meant? baka gusto niya pala akong sampalin o ano.

umirap siya tsaka tinulak ako hanggang sa mapasandal na ako sa bookshelf. sobrang talim ng titig niya, as if she could murder me right now. at least mamamatay naman ako na masaya.

“oo nga sabi! tanga ka ba or nagtatanga tangahan ka lang?! gusto na kita! kaya hindi ko magawang harapin ka these past few days! kaya hindi kita sinabihan nung ginawa namin ni axel yung thesis!tapos ang kapal ng mukha mo na sabihan ako na nagseselos ka?! eh ikaw naman yung gusto ko! puta.” all of her words echoed inside my head. makakasuntok talaga ako ng pader sa saya ko ngayon!

hindi ko na alam ang gagawin ko, lalo na nung nagsimulang umiyak si kaila sa frustration. mabilis ko siyang niyakap, resting her head on my chest while i'm smiling like some idiot.

“hush, hindi ko naman alam eh. sana sinabi mo kaagad.” natatawang sabi ko habang marahan na hinahaplos yung buhok niya.

bigla siyang kumawala sa yakap ko. pinaghahampas niya ako sa braso na parang gigil na gigil. nakangiti lang ako, pinagmamasdan kung gaanon siya kaganda.

“ano?! para kang tanga na nakangiti diyan!” sayo lang ako magpapakatanga, kaila.

“wala, kinikilig lang ako.” pucha, hindi ko talaga inexpect na mangyayari 'to! nagwawala na yung puso ko.

“sira ulo ka! ugh! nakakainis ka! sarap mong sakalin!” akmang sasakalin ako ni kaila nung biglang makarinig kami ng footsteps. parehas kaming napatigil.

“you two, in the office.” galit na sabi ng librarian pero mahina at halos pabulong parin yung boses.

napanganga ako tsaka tumingin ulit kay kaila. shit, nakalimutan ko na nasa library nga pala kami!

against fortalejo ✦ lhsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon