Sabi ng karamihan ako na daw ang pinaka maswerteng babae sa buong mnl university, wait lang teka sandali mali sa tingin ko ako na ang pinaka maswerteng babae sa buong mundo.
Hi ako si Francese Miracle Pinlac, 17 years old senior highschool student at freshman sa Mnl University, Walang ibang pinangarap kundi ang maging isang architect in the future, Isa ako sa nakakuha ng scholarship sa paaralang ito at ito din ang rason kung bakit nandito ako ngayon
Galing ako sa hindi kilalang paaralan sa probinsya, at ako? ako lang naman ang nag iisang girlfriend ni Jaydee Avery Villaruel, Hindi lang siya ang pinaka maganda/gwapo sa campus kundi isa rin sa pinaka mayayaman
Siya lang naman kasi ang anak ng may ari ng paaralang ito at sila din ang nag bibigay sakin ng scholarship
Mga babae lang ang nag aaral sa school na to kaya may posibilidad talaga na mainlove ako sa kapwa ko babae.
Frances' POV
First day of school ngayon kaya dali dali akong kumilos dahil late na ako 6:45 na ng umaga at saktong 8 a.m dapat nasa school na ako, ilang minuto nalang ang natitira para makapag ayos na ako sa sarili ko
Agad akong pumasok sa cr at naligo na at pagkatapos naman ay nag ayos na ako ng sarili ko at kinuha ang bag ko saka umalis ng bahay
Di na ako nag almusal dahil baka malate na ako, 20 minutes lang ang byahe mula dito sa bahay hanggang sa school kaya sumakay na ako ng tricycle papunta sa school dahil wala naman akong pambili ng kotse kaya nag tricycle ako.
After 20 minutes ay nandito na ako sa school kaya pumasok na ako sa loob, sobrang laki nito kaya posibleng maligaw ako sa paghahanap ng room ko
Kinuha ko ang phone ko na nakalagay sa bulsa ng uniform ko at pagkatapos ay tiningnan ko ang oras
Pagkatingin ko ay ilang minuto nalang ang natitira kaya tumakbo na ako habang hinahanap ang room ko
May nakasalubong naman akong security guard kaya nag tanong na ako
𝘒𝘶𝘺𝘢! 𝘴𝘢𝘯 𝘱𝘰 𝘣𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘳𝘰𝘰𝘮 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘴𝘩𝘴, Sambit ko habang hingal na hingal sa sobrang pagod dahil kanina ko pa nililibot itong school na to
𝘋𝘪𝘵𝘰 𝘱𝘰 𝘮𝘪𝘴𝘴 𝘶𝘮𝘢𝘬𝘺𝘢𝘵 𝘬𝘢 𝘱𝘰 𝘥𝘪𝘺𝘢𝘯 𝘯𝘢𝘴𝘢 3𝘳𝘥 𝘧𝘭𝘰𝘰𝘳 𝘱𝘰 𝘪𝘬𝘢𝘭𝘢𝘸𝘢 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘥𝘶𝘭𝘶𝘩𝘢𝘯. Sambit niya at saka itinuro ang hagdan na dadaanan ko papunta sa taas
𝘔𝘢𝘳𝘢𝘮𝘪𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘭𝘢𝘮𝘢𝘵 𝘱𝘰, Maikling sambit ko at nakita ko naman tumango lang siya
iniwanan ko na siya at saka dali dali akong tumakbo pataas para pumunta sa room ko
𝘈𝘳𝘢𝘺𝘺𝘺! Sigaw ko ng biglang may bumangga sakin
𝘚𝘰-𝘴𝘰𝘳𝘳𝘺 𝘥𝘪𝘥 𝘺𝘰𝘶 𝘨𝘦𝘵 𝘩𝘶𝘳𝘵 ? Tanong naman nito sakin
Malamang kaya nga ako nag aray diba? bubu ka ba o talagang tanga lang?
𝘠𝘦𝘴, 𝘣𝘶𝘵 𝘥𝘰𝘯'𝘵 𝘸𝘰𝘳𝘳𝘺 𝘪'𝘮 𝘧𝘪𝘯𝘦! Pagsisinungaling ko kahit sobrang sakit ng balikat ko na nabunggo niya
Oh kala niyo ha, shempre dapat english din sagot ko, may laman din naman utak ko no.
𝘉𝘵𝘸, 𝘏𝘪 𝘪'𝘮 𝘊𝘰𝘭𝘦𝘦𝘯 𝘋𝘢𝘱𝘩𝘢𝘯𝘦𝘺 𝘛𝘳𝘪𝘯𝘪𝘥𝘢𝘥, 𝘢𝘯𝘥 𝘺𝘰𝘶 𝘢𝘳𝘦? Sambit niya kasabay ng paglahad ng kamay niya
YOU ARE READING
Until Your Last Breath (FRANDEESAL)
Fanfictionwhat if the person you love the most suddenly disappears, the person you consider the world, will you still fight? or will you give up? well I? I'll fight even more because I still have reason to fight