📌 TWO

2K 123 1
                                    


Alexis POV

"Alexis.."

"Alexis.."

Isang malambing na boses ang tumatawag sa pangalan ko. Ang sarap sa pandinig ng boses nya. Para kang nakikinig ng isang musika.

"Alexis.."

Ayan na naman sya..

"Alam kung gising kana. Kaya sige na bumangon kana dyan."

"Hmmmh.." gusto ko pang matulog.

Pagod ako sa pakikipaglaban kagabi. Lalo na nung.......

Agad akong nagbukas ng mata at bumangon sa kinahihigaan ko.

"Sa wakas gumising ka na din. Balak ko sanang buhusan ka ng malamig na tubig para bumangon ka."

Napatingin naman ako sa nagsalita. At nanlaki talaga ang mata ko. As in namilog.

'Para akong nakakita ng isang dyosa.'

"Hehe.. Isa nga akong dyosa." natatawang sabi nito. "Ako si Hileria."

Ang pagsasalita at pagtawa nya ay mas mahinhin pa kay Maria Clara..

Tinignan ko ang kabuuhan nya.

Nakasuot sya ng pure white and gold na dress. May bulaklak din sa ulo nya na parang korona. May hawak din syang stick o wand? Basta yun. Na may batong kristal sa dulo nito.

May makinis na balat, perpektong mukha at hubog ng katawan.

Nagpalinga linga ako sa paligid ng mapansing puro bulaklak, paro paro, ibon at malalaking puno ang na andito. Para akong nasa paraiso. Malamig din ang simoy ng hangin dito. At napakasarap nun sa pakiramdam. May napansin din akong mangilan-ngilan na taong purong nakaputi.

'Ano sila?'

"Sila ang mga ispirito na naninirahan dito." sabi nito.

"A-anong ginagawa ko dito?" tanong ko dito pero nung naalala ko ang nangyari. "Oo nga pala patay na nga pala ako, kaya nandito ako ngayon." napayuko ako sa sinabi ko.

"Alam kong nalulungkot ka sa nangyari sayo." lumapit ito sa harap ko.

Hinawakan nya ang dalawang pisngi ko at dahan dahang iniharap sa kanya.

"Subalit iyon ang nakatadhana para sayo."

Marami pa akong gustong gawin. Gusto ko pang bigyan ng magandang buhay ang pamilya ko. Lalo na ang mga batang ulila na ako lang ang inaasahan.

Gusto ko pang ipaghiganti ang pagkamatay ko.

"Wala po bang paraan para makabalik ako sa katawan ko, I mean sa dati kong buhay?" tanong ko. "May mga taong importante sakin ang naiwan dun at paniguradong nag aalala na sila sakin. Gusto ko pa sana sila bigyan ng magandang buhay bago sana ako makapagpaalam sa kanila."

Huminga sya ng malalim. At ngumiti.

"Hayss!! Dahil sa angking tapang at kabaitan na taglay mo, bibigyan ulit kita ng pagkakataon na bumalik sa lupa."

"Po? Talaga?" gulat na sabi ko habang nakatingin sa kanya.

"Oo. Pero... kailangan mong makapasa sa tatlong pagsusulit."

"Kahit ano gagawin ko po. Makabalik lang ako sa lupa."

---

Kasalukuyan, andito ako ngayon sa napakasikip na lugar.

Walangya talaga tong si Hileria. Sa dinami dami ng paglalagyan sakin dito talaga sa masikip na lugar.

Dahan dahan kong iminulat ang mata ko. At nanlaki bigla ang mata ko nang makita na puro tubig ang nasa paligid ko.

Putek!! Malulunod ako. Sinipa sipa ko ang paa ko at dahan dahan inunat ang kamay ko.

"Albert!! Allan!! Pumarine kayo dali." rinig kong sigaw ng isang babae.

Pero binalewala ko iyon. Sumipa sipa ulit ako.
Malulunod ako...

"Anong nangyayari Mahal ko?" rinig kong sabi ng lalaki. Mukhang natataranta pa ito ayun sa boses nito.

"Ina, manganganak kana po ba?"

'Kailangan kong makaalis sa lugar na to.'

Sinipa sipa ko ulit ang paa ko.

"Hindi pa, Allan." sabi naman nung babae. "Tignan mo itong kapatid mo ooh!! Ang sigla sigla nya."

Nakaramdam naman ako na parang may humawak sa paa ko.

Kaya sinipa ko ito.

"Oo nga!! Ama hawakan mo sya."

Nang maramdaman kong may humawak ulit sa paa ko ay sinipa ko ulit.

'Pun*eta kayo oh!! Sino ba yung dumadampi dampi sa paa ko. Kakairita!!'

"Nananabik na akong makasama ka, munti naming prinsesa." rinig kong sabi ng bata at naramdaman kong may dumampi sa pwetan ko.

'Anak ng!! Bastos!!'

Sa inis ko sinipa ko yung dumadampi sa pwetan ko.

"Ayy!! Hahaha mukha sya rin anak, nananabik din na makasama ka."

'Teka nasan ba ako? May tubig? Pero nakakahinga naman ako. Wag mong sabihin na....'

"Malapit na syang lumabas, anak kaya wag kang mag alala."

'Tama ba hinala ko? Nasa loob ako ng tyan?'

'Isang malaking tama, Alexis.'

'Hileria?'

'Ako nga.'

'Bat naman sa tyan mo pa ako inilagay?'

'Pasensya na, dito kasi sya namatay sa loob na to.'

'Anong ibig mong sabihin?'

'Sya at ang pamilya nya ang una mong pagsusulit.'

'Bakit naman sa dinami dami ng katawan, sa sanggol na isisilang mo ako inilagay?'

'Katulad ng sinabi ko dito sa loob na to sya namatay.'

'Paano ko naman gagawin ng maayos ang misyon ko. Kung ang sanggol na katawan ang gagamitin ko?'

'Yan.... Ay... Hindi ko na problema. Extra challenge ko para sayo yan... Kaya... Pagbutihan mo ha. Good luck.'

'Pero..? Hileria? Teka..'

Ayyss!! Kakainis.

Dahil sa pagod na kakasipa at kakaisip ng plano kung paano ko magagawa ng maayos ang pagsusulit na ibinigay ng Hileria. Ay napag isip isip ko na may bukas pa naman. Kaya matutulog muna ako.

May mga tao pa ding maiingay sa paligid.

Ayss!! Ang sakit nila sa tenga. Lalo na yung batang lalaki. May pahipo hipo pang nalalaman sakin.

'Hintayin mo lang ako makalabas.'

"Prinsesa, sumipa ka pa sige na!!" rinig ko pang sabi ng batang lalaki.

Pero dahil sa dakilang masunurin ako. Ha!!!!

'Magtiis ka!! Matutulog na ako.'

"Ina, bakit hindi na po sya sumisipa?" rinig kong tanong ng bata. Sa pagkakarinig ko kanina Allan ang pangalan nya.

"Mukhang pagod na ang prinsesa natin." sabi naman nung lalaki. "Tama ba ako mahal ko?"

"Mukha nga Mahal ko. Inaantok na din kasi ako." rinig kong sabi ng magiging ina ko.

'Jusme mukhang kailangan ko na din sanayin ang sarili ko na tawagin silang magulang.

'Ama, Ina.'

Pwera dun sa manyakis na Allan na yun. Di ko sya tatawaging kuya. Parusa nya yun sa paghawak ng pwet ko.

ALEXIS ADVENTURE 'In a Baby Body'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon