📌 FOUR

1.6K 103 0
                                    

*MAKALIPAS ANG ANIM NA BUWAN*

Anim na buwan...

Sa loob ng anim na buwan ay nakapagplano na ako nang maganda para sa aking unang misyon.

Pinilit kong magsalita at maglakad.

Yes!! Anim na buwang sanggol ay naglalakad na. Mahirap sa una dahil sa malambot kong pangangatawan pero dahil sa paulit ulit kong sinusubukan ay nagawa ko agad.. Pero syempre ako lang ang nakakaalam..

Juice ko!! Panigurado pag nakita nila akong nag lalakad baka atakihin na sila sa puso lalo na si Ina.

Kaya hanggat maaari ay walang nakakaalam. Kailangan kong maging maingat lalo na kay Allan.

Sobrang talino at sobrang liksi nya pa naman. Ibig kong sabihin, mapangkalikot.

Nalaman ko na din ang kapangyarihang taglay ko. Este!!! Katawan pala ito ni Alyssa.

'Nasa katawan ka nya. Kaya katawan mo na din to'

Oo nga no. E basta yun na yun.

And Yes na naman!! Nasa magical world ako pinadala ni Hileria para sa misyon.

'Sasabihin ko na ba?'

Sige na nga, sabihin ko na para di kayo malito. O maguluhan.

Bago ako makabalik sa pamilya ko o magpakita sa kanila. Kailangan ko munang matapos ang pagsusulit. Ang misyon ko ngayon ay patayin ang gagamba.

'Ano naman ang koneksyon ng gagamba sa pagpatay ni prinsesa Alyssa? Sa linis at laki ba naman ng palasyo, paano ako makakahanap nang gagamba dito?'

Ang gulo kasi ni Hileria, ang kwento nya lang kasi sakin. Nasa tyan palang daw si Alyssa ay nilalason na sya nang kung sinoman ang gustong mawala sya, kasama ang Ina nya.

Inuunti unti nito ang buhay ng sanggol hanggang sa mawala na nga sya ng tuluyan. Sa kasamaang palad agad akong pinadala dito ni Hileria para di mamatay ang ina ni Alyssa.

Nag-usap muna sila bago ako sabihan na nasa tyan pala ako. Binigyan pa nga daw si Alyssa ng pagkakataon para makabalik sa katawan nya.

Kaso nga lang, ayaw na nyang bumalik sa katawan nya, dahil mas maganda daw ang kapaligiran dun at masaya sya na anduon, kahit na alam nyang naiwan nya ang pamilya nya.

Basta ang sabi nya lang daw ay mahanap ko lang ang pumatay sa kanya at mapanagot, ay bibigyan nya ako nang gantimpala.

'At sana magandang yun.'

Nalaman ko na din ang totoong edad nina Ama at Ina. At sa katunayan nyan. Sobrang nagulat ako. 67 years old na si Ama at si Ina naman ay 59 years old.

At ang dahilan ng hindi pagtanda ng mukha nila ay ang kapangyarihang binigay sa kanila ng God of Light.

Inuna daw muna nina Ama't Ina na pagandahin at palakihin ang magical kingdom bago nila balaking magkaroon ng anak.

'Ang talino nila di ba.'

Nakwento din ni Ina na may apat na dyosa dito sa mundong ito.

Ang dyosa na nakilala ko si Hileria. God of spirits.

Si Athena. God of Light

Si Emerald. God of Earth

At si Devilia. God of Dark

Silang apat ay magkakapatid at lahat sila magkakasundo syempre.

Di porket God of Dark si Devilia ay masama na sya.

'Yan ang nasa isip mo no!!'

Pero very very wrong, si Devilia ang pinakabata sa kanila at sya ang namamahala ng gabi. Hindi ng mga monster ha!!
Sya lang yung ng papaganda sa gabi. Tulad ng buwan, bituin, alitaptap at iba pang nagpapaganda sa dilim. Yun!!

ALEXIS ADVENTURE 'In a Baby Body'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon