📌 FIVE

1.3K 113 0
                                    

⚜️Magical Kingdom

King Albert Grefart
Queen Ilina Grefart
Prince Nash Allan Grefart
Princess Alyssa Natasha Grefart / Alexis Hord

Someone POV

(N/A: ganap po ito nung nanganak ang Reyna.)

"ANONG NANGYARI?? BAKIT BUHAY ANG BATANG YUN??" sigaw nang isang babae at pinagbabato ang vase sa kausap nya.

"Hindi namin alam kung paanong nangyari. Pero nasisiguro namin na patay ang sanggol sa sinapupunan nya. Malakas ang impak ng lason sa katawan ng sanggol kaya imposible na mabubuhay yun." sabi naman ng isang lalaki.

"KUNG ALAM MO PALANG IMPOSIBLE.. BAKIT KARGA KARGA NI ALBERT ANG SANGGOL HA!!! IPALIWANAG MO NGA." sigaw ulit ng babae.

"Patawad Reyna Vana. Gagawan namin ito ng paraan." nakayukong sabi ng lalaki at ganun din ang ginawa ng kasamahan nya.

"ABA'Y DAPAT LANG. BILISAN NYONG KUMILOS KILOS KUNG AYAW NYONG KAYO ANG PATAYIN KO."

Kaya mabilis na nagsialisan ang mga tauhan nito..

"BWISIT!!!!" sigaw pa nito at gumawa ng bilang itim at binato sa pinto dahilan ng pagkawasak nito.

*Six months later*

"Nabalitaan mo na ba ang nangyari sa palasyo?" tanong nang isang babae.

"Hindi." daretsyong sagot ni Reyna Vana na nakaupo sa kanyang trono at pinaglalaruan ang kanyang kapangyarihan

"Lumabas lang naman ang kapangyarihan ng prinsesa kahapon."

"ANO?!" sigaw nya. "MGA BOBO!!! Kung sana pinatay nyo na. E di sana wala tayong problema. MGA WALANG SILBI."

"Huminahon kalang Reyna Vana. May maganda akong plano para mawala sa landas mo ang mag iina." ngumiti ito ng malademonyo.

"Siguraduhin mo lang na mawawala ang mag iina na yun. Kung hindi ikaw ang mawawala sa harap ko at ang mga tauhan mo." nanggigigil na sabi ni Reyna Vana.

Alexis/Alyssa POV

🏰 Sa palasyo

Busy ngayon ang lahat dahil may pagtitipon ang kaharian. Narinig kong sabi ni Ama.

Ise-celebrate o ipagdidiwang daw nila bukas ng gabi ang paglabas ng kapangyarihan ko.

Duh!! Ang di nila alam may tatlo na akong kapangyarihan at pinapalakas ko na ito.

Andito ako ngayon sa aking kwarto. Binabantayan ako ni Hilda ang personal maid ko.. Ha!! Taray di ba.. Maraming inaasikaso sina Ina at Ama kaya pinaalaga muna nila ako.

Si unggoy naman busy din.. Ewan ko kung ano ginagawa nya.. At wala akong pake..

"Dadada."
(Gusto kong bumaba.)

Itinuro turo ko ang sahig gamit ang paa at kamay ko.

"Gusto mo ba sa lapag." sabi ni Hilda.

"Tadada dadada."
(Ay hindi gusto ko sa taas.)

'Shunga lang. Tumuturo ba ako sa taas. Tsk.'

Nang magets nya siguro. Ibinaba nya ako at pinaupo ako. Binigyan nya ako ng laruan.

'Duh!! Ayoko nyan.'

Sisipain ko na sana ang laruan ng may biglang nagbukas ng pintuan.

"Ohh? Mari, bakit ka pumarito?" tanong ni Hilda.

"Nais ko lang sabihin sayo na bukas ng gabi gaganapin ang plano sabi ni Heneral." -Mari.

'Anong plano yun? Mukhang nakakainterisado yan ahh!!'

ALEXIS ADVENTURE 'In a Baby Body'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon