📌 EIGHT

995 99 0
                                    

Alyssa POV

Nagising ako nang may marinig ako mahinang kalabog galing sa labas ng pintuan namin.

Tinignan ko si Allan na mahimbing na natutulog.

*Ccracck*

[A/N: di po ako maalam sa tunog pero tunog yan nang parang may nabaling kung ano. 😁 Enjoy]

Tumingin ako sa bintana at nakita kong may buwan pa. Mukhang hating gabi palang.

Dahil sa dakilang maisyoso ako. Bumaba ako sa kama at lumapit sa pintuan.

Gamit ang hangin, inangat ko ang sarili ko para mabuksan ng dahan dahan ang pintuan.

Sumilip ako doon pero wala namang kung ano. Kaya lumabas ako at isinara ulit ang pintuan.

Ibinaba ko ang sarili ko sa sahig at nagsimulang maglakad patungo sa nanggagaling na ingay.

'Mukhang sa labas ng bahay nagmumula ang ingay.' sabi ko sa isip ko.

Nang makalabas ako, hinanap ko kung saan nang gagaling ang ingay at may napansin ako sa hindi kalayuan.

May liwanag doon at mukhang dun din nang gagaling ang ingay. Kaya di na ako nagdalawang isip na pumunta dun.

Nagulat ako sa nakita ko at mabilis na nagtago sa isang puno.

"Rosa... Wag mu nang painitin ang ulo ko!!" malalim at nakakakilabot ang boses nya.

'Ano sila?'

Kulay itim ang kanilang mga balat, kalahati sa kanilang katawan paibaba ay kabayo. Mukha silang tikbalang pero hindi. Dahil may mga sungay sila na parang sa demonyo at sandata na parang tinidor.

'Isa... Dalawa... Tatlo... Apat... Lima... Anim..'

Mahigit sampo sila kasama ang mukhang pinuno nila. Kasi sya lang ang naiiba sa mga kasamahan nya.

May katawan tao sya, malalaki ang kanyang pangangatawan at kulay na pinaghalong itim at pula. Malaki at may mahaba itong bundot na pangdemonyo.

At nararamdaman ko sa kanya na meron sya napakalakas na kapangyarihan. Kasi nakikita ko yun sa awra nya.

At may hawak na nakabalot sa tela ang isa sa mga  kawal nito.

"Nakikiusap ako panginoon. W-wag nyo na pong kunin ang anak ko." umiiyak na sabi ni Aling Rosa yung ina ni Ate Rossel. "Sya nalang po ang meron ako.. Nakikiusap po ako."

Nakaluhod sya at yakap yakap si Ate Rossel na nakahiga... Mukhang walang malay ito..

"Kailangan ko ang dugo ng anak mo, Rosa. Dahil hindi sapat ang dugo ng asawa mo." sabi nya sa malalim na boses..

Di ko alam. Pero pakiramdam ko nanginginig ang tuhod ko pag naririnig ko ang boses nya.

'Bakit nya kailangan ang dugo ni Rossel?!'

Nagulat ako nang mabilis nyang sinakal si Aling Rosa..

Natataranta ako..

'Anong gagawin ko? Ahh!!! Bahala na.'

Narrator POV

"Petals wind!!"

Nagulat ang pinuno ng mga kampon ng kadiliman ng tumama sa kanyang kamay ang matutulis na hangin, dahilan ng pagbagsak ni Aling Rosa sa lupa at mawalan ng malay.

Naging alerto ang mga kawal nito at tulinutok ang kanilang sandata sa pinaggalingan ng hangin.

Nagtago naman ang isang kawal na may hawak ng sanggol sa likod ng pinuno nila.

ALEXIS ADVENTURE 'In a Baby Body'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon