Alyssa POV
"howoooh!!"
"sssssshhss!!"
"krruuukkak!"
"ggrrarr!!"
[A/N: Paimagine po na kasabay ng mga huni ng mga hayop ang tunog ng mga kulisap at kuliglig, sabayan pa ng malamig at pa minsan minsan ay malakas na hangin. Salamat po... Enjoy 😘💕💕]
"A-aly-ssa!!" nangingiyak ngiyak na sabi ni Allan..
Sa totoo lang kanina pa reklamo ng reklamo tong unggoy nato, simula nung pumasok kame dito. Bawat tunog ng mga hayop dito sa loob ng gubat, yumayakap sa akin ng mahigpit..
"Alam mo Allan.. Kunti nalang masisipa na kita.." inis kong sabi. "Para kang hindi lalaki.."
"Hmp!! Bata pa ako Alyssa.. Mamaya sumugod sa atin mga halimaw dito.. Anong alam ko sa pakikipaglaban? Wala naman di ba" mataray nya namang sagot.. "At saka kelan ba tayo magpapahinga sa spacebag mo? Mukhang napapagod na yung kabayo at nagugutom na din ako.."
Sa bagay kanina pa kame naglalakad.. Di ko kasi malaman kung gabi na ba.. Kasi medjo madilim dito.. Wala pang kalahating minuto na naglalakad kame kanina ay bigla nang dumilim.. Kaya di ko alam kung gabi na ba.
Bumaba ako sa kabayo gamit ang hangin.. Tumingin tingin ako sa paligid at naghanap nang pwede kong gawing pinto para mabuksan ang spacebag ko..
Nang may makita akong puno.. Hinila ko ang kabayo at nagpalutang papunta dun.. Nang makalapit na kame ay binuksan ko na ang spacebag ko na magkakasya ang kabayo at pumasok na kame dun..
"Hayyss!! Buti pa dito maliwanag.." sabi ni Allan ng makapasok na kame..
Bumaba sya sa kabayo at nag-unat unat ng katawan.. Lumapit naman ako sa mga damo at ginamit ang kapangyarihan para dalhin sa kabayo..
Kinain naman ito nang kabayo..
Nagtataka ba kayo kung bakit merong damong nakaimbak dito sa spacebag ko.. Kinuha ko kasi ang mga to nung sinabi ni Mang Selmo na ibibigay nya sa amin ang kabayo.. Kumuha na ako nang madami para sa pitong araw namin sa loob ng gubat..
May pagkain din na ibinigay sina Ate Rossel samin.. At para makasigurado ako na magkakasya yun sa loob ng isang linggo, kumuha na din ako ng pangluto at mga sangkap sa bayan.. Hindi ko yun ninakaw ha!! Kumuha lang ako ng walang paalam 😁 Kaya parang may maliit na kusina ako dito sa loob ng spacebag ko..
Sinabi ko naman yun kay Allan kaya chill na chill syang nakahiga sa picnic mat..
"Oo nga pala Alyssa, pano tayo magluluto? Di naman ako maalam nun?" sabi nya.
"Ako na ang bahala dun.. Sa ngayon tipirin muna natin ang pagkaing ipinadala sa atin nina Aling Rosa.." sabi ko matapos dalhan ng tubig ang kabayo..
"Alyssa??" tawag nya sa akin.
"Ano yun?" tanong ko.
"Paano mo nagawang palakihin ng ganito ang spacebag mo??" tanong nya habang kumakain ng tinapay.
Tumingin ako sa paligid.. Sa totoo nga nyan maliit pa ito..
"Iniinsayo ko sya araw araw." sabi ko naman.
"Ha? Paano?" - Allan.
"Iniisip ko lang na lumaki sya nang lumaki.." sagot ko.
"Ang dali naman nun." - Allan.
"Anong madali dun? Nauubos ang kalahating stamina ko pagginagawa ko yun.." nakataas kilay na sabi ko.
Lumapit ako sa kanyang tabi.. Kumuha ako ng sabaw at kinain yun..
BINABASA MO ANG
ALEXIS ADVENTURE 'In a Baby Body'
Fantasy'Gagawin ko ang lahat makabalik lang sa dati kong katawan' - Alexis [COMPLETED]