📌 ELEVEN

941 90 0
                                    

Alyssa POV

"Kamusta bata? Amoy na amoy ko pa rin akong bango mo kahit nasa malayo kana.."

"Wa-wa-gg k-ang la-lapit sa-min..." nauutal na sabi ni Allan at ipinakita ang simbolo ng Gron Pack..

"Hahaha, bata.. Di tatalab sakin ang simbolong yan.." sabi ni Fragron.

Your right, si Fragron nga ang nasa harapan namin.. Mukhang magaling na sya ahh..

"A-A-Alyy-ssa... A-anong ga-ga-win na-tin?" utal nyang sabi..

"Wala. Kumalma ka lang jan, Allan." mahina kong sabi sa kanya..

Tumayo ako at binalance ang katawan ko sa ulo ni Nicolas.

"Anong kailangan mo samin Fragron?" matapang kong sabi..

Sa tingin ko naman kaya ko na sya kasi bumalik na ang kapangyarihan ko..

"Gusto ko lang sana kayong matikman.." nakangisi nyang sabi.

"Fragron!!!!"

Nanindig bigla ang balahibo ko nang marinig ko ang boses na yun..

Para syang hinukay sa ilalim ng lupa. Malamig at malaki ang boses na yun.. Naramdaman ko din ang pagkagulat ni Nicolas kaya agad ko syang niyakap para pakalmahin..

Nakita ko naman si Allan na namumutla habang nakatingin sa itaas.. Mukhang ano mang oras hihimatayin na sya..

Dahan dahan kung itinaas ang paningin ko at nakita ko ang limang halimaw na lumilipad.. Dahan dahan silang bumaba sa pwesto ni Fragron..

Kasama ng apat na halimaw si Walgron.. Ngumiti sya sakin. Pero di ko magawang gumanti ng ngiti dahil sa apat nyang kasama..

Pare-parehas lang ang katawan nila pero iba iba ang mukha.. Ang dalawa sa katabi ni Walgron ay may sungay sa harap..

"Patawad po, ama." yumuko si Fragron sa mukhang lion pero may malaking sungay sa noo nya.

"Umayos ka nang pakikitungo, Fragron.. Kaya natatakot satin ang mga tao dahil jan sa inaasta mo." sabi naman nung leopard ang mukha at may sungay din ang noo. Hindi kalakihan ang sungay nya. Pero mababakasan mong malakas sya.

Yung dalawa naman sa likod ni Walgron ay parehas na butiki? o tuko yung mukha.. Ahh!! Basta magkamukha silang dalawa..

Tahimik na napatawa si Walgron.. Saka lumapit sa pwesto namin..

"Kamusta Alyssa?" nakangiting sabi ni Walgron.

"Ayos naman Walgron. Ikaw kamusta na?" sabi ko sa kanya..

"Ayos din namin.. Pasensya na pala sa inasta sa inyo ni Fragron." - Walgron.

"Ayos lang.. Hindi naman nya kame sinaktan e." nakangiti kong sabi.

"Oo nga pala.. Ama, Ina.. Sya nga po pala ang tinutukoy ko sa inyo na magi na gumamot sakin. At nasa kanya din po pala yung simbolo na kinuha ko kay Fragron.." sabi ni Walgron.

"Totoo nga ang sinasabi ng anak mo, asawa ko. Hindi ko inaasahan na sanggol talaga ang magi. Akala ko ay nagbibiro lang si Walgron." sabi nung Leopard ang mukha, ito ang ina ni Walgron..

"Babawiin nyo na ba ang simbolo?" mahina kong tanong kay Walgron..

"Oo. Dahil kailangan nina Ama't Ina ang simbolo para makapasok sa Dark Heaven."

"Dark Heaven?" tanong ko.

"Yun ang palasyo ng mga demogods." - Walgron.

"Demogods? Ano yun?" tanong ko ulit..

ALEXIS ADVENTURE 'In a Baby Body'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon