📌 TWELVE

873 79 0
                                    

Alyssa POV

"Alyssa!!! Bakit di pa tayo pumasok dun? Isusumbong ko ang mga kawal na yun kay Ama sa pagkalapastangan nila sa atin." inis nyang sabi

Kanina pa ito dada ng dada.

"Sige, subukan mong pumasok sa palasyo kung gusto mong mamatay agad." inis na sabi ko.

"Di ba nila kilala ang anak ng hari?" inis nya ding sabi.

"Hindi.. Dahil nasa ilalim sila ng isang mahika." pagalit na sabi ko..

Kanina pa ako nayayamot sa unggoy na to.. Nag iisip ako kung ano ang nangyari sa palasyo..

"Mahika?" - Allan.

"Doon natin sa loob ng spacebag pag-usapan. Baka may makakita sa atin dito." mataray kong sabi sa kanya.

Kaya pumunta kame sa likod ng puno sa hindi kalayuan sa palasyo..

Nang makapasok na kame sa spacebag ay tumalon agad ako kay Nicolas at inis na sinipa ang isang upuan..

Maliit ako pero kaya kong manira ng bagay.

"Anong mahika yun, Alyssa? Paano mo naman nalaman?" tanong nya. Nang makababa na din sy a kay Nicolas.

"Nakita ko sa mga patay nilang mata." galit akong tumingin kay Allan..

Nakita ko naman ang pagkagulat nya at pag-atras..

"S-sino naman ang gagawa nun?"

"Isa lang ang nasa isip ko....."

"Wag mong sabihing--"

"Si Vana.. Ang kaatid ni Ina."

"Anong gagawin natin?" tanong nya ulit.

"Wala kang ibang gagawin kundi ang iinsayo ang kapangyarihan mo."

"Ha? Bakit ako? E ikaw? Anong gagawin mo? Nanganganib sila Ina tapos mag iinsayo lang ako?" inis nyang sabi. "Kaya ko nang lumaban."

"Hindi ka lalaban Allan.. Wala kang ibang gagawin kundi ang mag insayo." sabi ko.

"Hindi ako papayag Alyssa. Ililigtas ko sila Ina." pagalit nyang sabi.

"Sa tingin mo makakalaban ka kung palampa lampa ka? Iisa lang ang kapangyarihan mo at mahina pa ito.." galit ko ding sabi. Halos nagsisigawan na kaming dalawa. "Hayaan mo akong gumawa ng paraan para matalo natin sila."

"Hindi. Sasama ako sayo. Sa ayaw mo o sa gusto.. Hindi ko hahayaang mapahamak ka din at ililigtas NATING dalawa sila Ina at Ama.."

Nagkatitigan kaming dalawa na akala mo'y may gera sa pagitan namin. Sa bandanh huli ay sumuko din ako..

"Haayss!! O sige. Pero ito ang plano....."

----

Alyssa POV

Habang hinihintay namin ni Allan ang maghating-gabi. Ininsayo ko nang ininsayo ang kapangyarihan at stamina nya.

Dahil sa pagiging ditermenado nya ay unti unti ding lumalakas ang kapangyarihan nya..

Sinubukan naming dalawa ang maglaban.. Nakakaiwas na sya sa mga tira ko pero minsan nasusugatan pa din sya.

"Ano Allan? Yan lang ba ang kaya mo?" sigaw ko sa kanya habang nasa ere ako at sya naman ay nasa lupa, sinubukan nyang tumayo at nagpalabas ng hangin.

"Kaya ko pa." sigaw nya pabalik.

"Pwes!! Sumugod kana." malakas kung sigaw. "Petals Wind!!"

Nagdaretsyo sa kanya ang matatalim na hangin.. Tumambling sya at mabilis naman nya itong iniwasan..

"Wind Blast!!" sigaw nya. Nagkaroon sya ng katanang gawa sa hangin at mabilis na lumipad patungo sa akin..

Gumawa din ako ng katanang gawa sa hangin at sinalubong ang tira nya.

Puro sanggaan lang ng katana namin ang nagtatamaan..

"Wind Dry" bulong ko at nakita kong nahirapan sya. Kaya ginawa ko nyong tyempo para sipain sya ng napakalakas sa tyan at mabilis sya bumulusok sa lupa..

"Ano Allan? Hindi mo matatalo ang kalaban kung ganyan ka kahina.." sigaw ko sa kanya. "Tumayo ka dyan."

"Hin--di..." unti unti naman syang bumangon sa pagkakahiga. "... pa ako ta-pos sa atake ko.."

Huli na nang makita ko ang ipo ipo sa likuran ko.. Mabilis akong umikot papaloob.. Nang makakuha ako nagtyempong makatayo ay malakas kong sinira ang ipo ipo..

Pero nagulat ako nang mawala ang ipo ipo ay sya namang pagsugod sa akin ni Allan..

Kaya ang resulta.. Bumulusok ako paibaba at malakas na tumama ang likod ko sa lupa..

Tinutukan nya ako ng katana nya..

"Natalo din kita." pagkasabi nya nun ay pinalaho nya na ang katana at binuhat ako.. "Nasaktan ka ba? Napalakas yata ang pagsuntok ko sayo."

"Hahaha.. Ayos lang ako.. At wag mo yan sasabihin sa kalaban mo.." sabi ko sa kanya. Pinaupo nya ako sa picnic mat at binigyan ng tubig.. "Lumalakas kana at tumatalino na din.."

"Anong tingin mo sa akin bobo?" kunot noo nyang tanong.

"Ikaw may sabi nyan!" natatawa ko sabi..

"Alyssa!!!" inis nyang sabi..

"Totoo ang sinabi ko Allan, lumakas at tumalino ka." sabi ko. "At pinabibilib mo ako." dagdag ko pa

"Talaga?" tumango naman ako bilang pagsang ayon. "Sa tingin mo maliligtas na natin sina ina?"

"Titignan muna natin ang sitwasyon sa loob bago tayo gumawa ng plano." sabi ko.

"Kelan tayo kikilos?" tanong nya at kumain ng tinapay.

Sa katunayan, naiilang ako ngayon sa kanya.. Ang unggoy ba naman ng hubad kanina bago kame mag laban.. Tapos ngayon puro pawis ang katawan nya at makikita mo na din ang 6 pack abs nya.. Lumaki kasi ulit ang katawan nya.. Dahil siguro sa mahihirap na pag iinsayo namin.

"Pagnaramdaman ko nang bumalik na ang lakas ko at lakas mo.."

"Ha? Malakas na naman ako ahh!!" sabi nya pa.

"Bakit kompleto ba ang stamina mo? Sa pag iinsayo natin kanina, mukhang kaunti nalang ang natitira sa kapangyarihan mo.." taas kilay kong sabi..

"Haays!! Sige na, magpahinga na tayo para bumalik na ang lakas natin." sabi nya at humiga sa picnic mat, inilagay nya ang kamay nya sa likod ng batok nya. "Itong batang to.. Kala mo hindi nya ako nakakatandang kapatid, kurutin ko kaya sya." bulong nya na narinig ko naman.

"Narinig ko yun..."

"Hahaha biro lang, kapatid." sabi nya sabay pikit ng mata.

Napairap nalang ako sa inasta nya..

Kailangan kong makapasok sa loob ng palasyo.

Buti nalang sakop na nang spacebag ko ang palasyo. Ang kailangan ko nalang pumunta sa pinakadulo ng bag ko..

Hihintayin ko lang ang mahimbing na tulog ng unggoy..

ALEXIS ADVENTURE 'In a Baby Body'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon