📌 SIXTEEN

795 82 0
                                    

Alyssa POV

Maghahating gabi na at andito ako ngayon sa loob ng palasyo.. Hinihintay kong mapag-isa ang heneral.. Dahil sya ang uunahin kong kalabanin..

Tinawag ko din kanina si Walgron para kunin si Allan at sa kanila muna sya..

Sinabihan ko din sya na wag papaalisin hanggat hindi ko sinasabi, ikulong nila pagnagtangka.. Basta hindi ito umalis.. Nag tanong naman sya kung bakit? Ang sabi ko lang sa kanya may importante akong gagawin na hindi dapat madamay pa ang kapatid ko..

Tinitigan nya pa ako ng mabuti, kalaunan din pumayag sya, pero sinabihan nya din ako na pupuntahan nya agad ako pagnaramdaman nyang nasa panganib ako..

Tumango lang ako at pinaalis na din sya, dahil baka magising pa si Allan..

Ok, balik tayo sa Heneral..

Kasalukuyan nyan kausap ang ilan sa mga kawal.. Nang matapos na sila ay pinaalis nya agad ang mga ito..

"Humanda kana Heneral.. Isang madugong labanan ang ibibigay ko sayo." wala sa sariling bulong ko.

Narrator POV

Nang matapos ang usapan ng kawal at Heneral ay bumalik na sila sa kani-kanilang pwesto..

Ang Heneral naman ay naglakad na sya.. Balak nyang pumunta sa Reyna nila.

Habang naglalakad sya sa pasilyo ay may bigla syang naramdaman na parang may sumusunod sa kanya.. Mabilis na nilingon ng heneral ang likuran nya at nakita nya si Singko.

"Anong kailangano mo?" tanong ni Heneral.

"Hahaha.. Wala naman.. Gusto ko lang libutin ang buong palasyo." sagot ni Singko.

Tinignan naman ng Heneral si Singko na may pagdududa.. At ngumiti lang si Singko..

"Sa tingin mo ba sinusundan kita?" sabi ni Singko at ngumisi ng nakakaloko.. "Wag kang mag-alala, dahil wala akong balak na bumuntot sayo."

"Aalis na ako!" sabi ng Heneral.

Ipinagpatuloy na ng Heneral ang paglalakad nya..

Maya maya pa ay naramdaman na naman nya na parang may sumusunod sa kanya..

Naisip nya na baka si Singko lang iyon kaya hindi nya na ito pinansin.

Ilang minuto na syang sinusundan kaya inis syang lumingon.. Walang sinuman ang na andoon tanging malaking itim na butas lang ang nakikita nya..

Takang lumapit naman ang Heneral sa butas..

"Kamusta Heneral?"

Mabilis na lumingon ang Heneral pero huli na dahil malakas na sinipa ni Alyssa ang Heneral papasok sa kanyang spacebag..

Sumunod naman si Alyssa at isinara ang bag nya..

ALEXIS ADVENTURE 'In a Baby Body'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon