📌 EIGHTEEN

756 79 0
                                    

Alyssa POV

Iminulat ko nang dahan dahan ang mata ako nang may maramdaman akong umaalog sa katawan ko..

Malabo ang paningin ko nung inilobot ko ang mata ko at tumama iyon sa pamilyar na nilalang sakin.

Malakas nya akong hiningahan at nagtatalon pa ito sa tuwa..

"Nicolas." nakangiti kong sabi dito..

'Teka? Anong nangyari?'

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid at nakita ko sa hindi kalayuan ang isang bangkay.

Napaupo ako ng maalala ko na ang nangyari..

Agad kong tinignan ang tyan ko at takang tumingin dito..

"Di ba may sugat ako?"

Hinawakan ko pa ang tyan ko para masigurado kung andoon ba yung sugat ko. Pero wala na..

Mababakasan pa sa damit ko ang hiwa na gawa ng axe ni heneral at kunting dugo.. Ang pinagtatakahan ko ng sobra.

'Bakit wala na ang sugat ko?'

"Nicolas?" tawag ko sa kabayo.. "Ikaw ba ang may gawa kung bakit na wala ang sugat ko?" tanong ko dito.

Umiling naman ito..

"Kung ganun? Sino? Walang ibang makakapasok sa bag ko nagwalang pahintulot." wala sa sariling sabi ko. "Imposible naman ang heneral. Dahil patay na sya nang mawalan ako ng malay."

Idinikit naman ni Nicolas ang nguso nya sa leeg ko.

"Hayaan mo na nga.." sabi ko sabay tayo. "Sumasakit lang ang ulo ko kakaisip. Salamat nalang doon sa nagpagaling sakin. Utang na loob ko ang ginawa nya." dagdag ko pa.

Sumakay ako kay Nicolas at pumunta sa bangkay ng Heneral..

Itinihaya ko sya sa pagkakadapa nya.. Napansin ko din na wala na ang numero sa kanyang balikat..

Ginamit ko ang hangin ko para paangatin ang heneral. Ayaw kong ipatong ang galamay ng gagamba sa katawan ng kabayo ko..

"Tara na Nicolas, marami pa tayong papatayin." sabi ko dito. "Ako lang pala ang gagawa.. Taga suporta ka nalang."

Naramdaman ko namang tumingin sya sakin at ng palabas ng hangin na animo'y nagalit sa sinabi ko.

Napatawa naman ako sa inasta nya.. Sumakay na ako kay Nicolas. Binuksan ang spacebag ko at sinimulan na naming lumabas..

------

Nakalabas kame sa puno medyo malapit sa palasyo..

Binagsak ko lang sa lupa ang heneral at walang pakialam sa katawan nya..

"Kailangan ko na palang hanapin sina Ina't Ama.." mahinang sabi ko..

Iniwan namin ang katawan ng Heneral at naglakad papunta sa hindi kalayuan sa gate ng palasyo.

Inilibot nya ang mga mata nya sa paligid at tinitigan ang mga kawal..

"Vana.. Humanda ka sakin sa pananakit mo sa magulang ko.." bulong ko na may halong galit..

ALEXIS ADVENTURE 'In a Baby Body'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon