Narrator POV
Nagulat si Dashi o mas kilala sa tawag na Kwatro nang iangat sya ni Alyssa at sakalin gamit ang hangin na pati ang katawan nya ay hindi nya maigalawa. Nagpalabas ng napakalakas na kapangyarihan si Alyssa.
"Saan nyo dinala ang magulang ko??" malumanay pero mababakasan mo ng diin.
"Aaackk!!" hawak hawak nya ang leeg nya.
"Mamamatay kana." sabi ni Alyssa at mabilis silang pumasok sa spacebag.
Sa trono ng Reyna, napatayo agad sya sa gulat ng maramdaman ang malakas na kapangyarihan na yun na agad ding nawala. Alam nyang nararamdaman din iyon ng mga tauhan nya.
"Uno!!" malakas yang tawag at agad din namang dumating..
"Ano po yun kamahalan?" tanong nito.
"Alam kong naramdaman mo din ang kapangyarihang yun... Hanapin mo kung saan nagmula iyon at dalhin sa akin.... Madali!!" sigaw ni Reyna Vana.
"Masusunod po."
Mabilis syang umalis sa harapan ng Reyna at tinungo kung nasaan nang gagaling ang malakas na kapangyarihan..
At nakarating sya sa silid ni Prinsipe Allan.. Inilibot nya ang paningin nya at pinakiramdaman kung naandoon pa ba ang kapangyarihan na yun. Pero bigo sya dahil wala na iyon dun.
-----
Pabagsak na inihagis ni Alyssa si Dashi sa lupa..
Dahan dahan namang tumayo sa pagkakadapa si Dashi at masamang tinitigan si Alyssa.
"Uulitin ko ang tanong ko. Nasaan ang magulang ko?" tanong ni Alyssa.
Nakayukom ang dalawang maliliit nitong kamay na animo'y nagpipigil lang ng galit.
"Ha!! Ikaw ba ang prinsesa?" tanong ni Dashi pero hindi ito sinagot ni Alyssa.. "Hahaha, maghunis dili ka lang munting prinsesa.. Nasa isang ligtas na lugar ang magulang mo.." ngumiti pa ito ng nakakaloko.
"Sagutin mo ako ng maayos!!! Kung ayaw mong dalhin kitang patay sa Reyna mo." sigaw ni Alyssa.
Pumalakpak naman si Dashi na ikinaasar ni Alyssa.
"Hahaha, alam mo ang kyut mong sanggol.. Ang sarap mong kurot kurotin hanggang sa matanggal na ang maputi mong balat." sabi ni Dashi habang inaakting sa hangin ang pagkurot kurot nya.. "Ang kaso nga lang ang pangit ng lumalabas jan sa bibig mo.. Hindi ka marunong gumalang sa matatanda."
"HAHAHAHAHA" malakas na tawa ni Alyssa.
Humawak pa sya sa tyan nya at nag punas ng luha sa kanyang mata.. Kunot noo namang tumingin su Dashi kay Alyssa..
"Anong nakakatawa dun?" tanong nya.
"Haha!! Tama ka nga!! Nalimutan kong gumalang sa matanda.. Kaya pasensya na MANANG." - Alyssa.
"Anong sabi mo?" inis na tanong ni Dashi.
"Sakit na talaga ng matatanda ang pagiging bingi." umiiling iling pa na sabi ni Alyssa.
"Humanda kang halimaw ka!" sabi nito at inihanda ang sarili sa pag atake..
Hinugot nya ang kanyang ispada na nakasabit sa kanyang bewang..
"Hindi ako matatalo ng isang Manang sa pamamagitan ng ispadang yan." - Alyssa.
"Hindi ito ordinaryong ispada bubwit.." sabi nito sabay wasiwas sa hangin ng sandata.. "Flame Sword!!" sabi nito at biglang umapoy ang kanyang ispada.
"Mukhang magiging masaya to ah!!" sabi ni Alyssa. "Sugod na, Manang!!" sigaw ni Alyssa..
Sa inis ni Dashi mabilis nyang binuhos sa paa nya ang Dust.. At agad na sinugod si Alyssa..
Si Dashi ay walang kapangyarihan taglay.. Umaasa lang sya sa mga nakukuha nyang sandata sa mga nakakalaban nya.. O di kaya man ninanakaw nya.. Magaling din sya sa paggawa ng iba't ibang lason..
Sa katunayan nyan kaya naging numero kwatro sya ay dahil sa paglason nya sa dating galamay ni Reyna Vana.. Namangha sa kanya ang Reyna kaya ginawa syang galamay nito..
Ok balik tayo sa laban. 😁😅
Mabilis na winasiwas ni Dashi ang kanyang ispada kay Alyssa..
Naiiwasan ni Alyssa ang ibang atake ni Dashi pero natataman pa rin sya pag nagkakamali sya ng iwas..
"Yan lang ba ang kaya mo, Manang?" mapang-asar na tanong ni Alyssa matapos nyang maiwasan ang huling tira ni Dashi.. "Ako naman ha!! Wind Blast!!"
Mabilis na sumugod si Alyssa patungo kay Dashi at nagsanggaan ang kanilang ispada..
Puro sugat na din si Dashi dahil sa atakeng ginagawa ni Alyssa..
At nang magsalubong ang kanilang ispada, ngumiti ng nakakaloko si Dashi at isinaboy sa mata ni Alyssa ang alikabok..
Nataranta si Alyssa sa ginawa ni Dashi.. Kinusot kusot pa nya ang kanyang mata pero di maalis ang alikabok.. Naging tyempo naman iyon ni Dashi at malakas na sinipa sa tyan si Alyssa dahilan ng mabilis nyang pagbulusok sa lupa..
"Hahaha.. Di ko akaling napakalakas mo palang bata.." sabi nito ng makalapit sya kay Alyssa.. "Napalaban tuloy ako nang husto sayo.." dagdag pa nito.
"Hahaha." panggagaya ni Alyssa sa tawa, kahit na nahihirapan sya sa sakit nang sipa na ginawa sa kanya. "Di ko din akalin na hindi ka pala marunong sa patasang laban. Aackk--"
Pasakal na ingangat ni Dashi si Alyssa..
"Mamamatay ka na nga lang nagpapatawa ka pa.. Pero wag kang mag-alala munting halimaw.. Magsasama sa din kayo ng---"
Naputol ang sasabihin ni Dashi at naibagsak sa lupa si Alyssa..
"Hahaha kung magaling kang mandaya, mas magaling ako.." sabi ni Alyssa at dahan dahang tumayo..
Kahit nanlalabo ang kanyang paninhin ay sinubukan nya paring tignan ang nahihirapang huminga na si Dashi..
"P-pa-aano mong--"
"Bago mag simula ang laban natin, ginamit ko na sayo ang kapangyarihan ko." sabi ni Alyssa.
Ang tinutukoy nito ay ang Wind Dry..
"I-kaw!!!" galit na sabi ni Dashi..
"Ngayon, sabihin mo kung nasaan ang magulang ko!!" galit na sabi ni Alyssa..
"Mamamatay muna ako bago mo malaman kung nasaan sila." mabilis na umatras si Dashi mula kay Alyssa..
Inilabas ni Dashi ang kanya maliit na supot na nakasabit sa bewang nito at inilabas ang isang susi..
"MULA SA KAHARIAN NG DARK HEAVEN TINATAWAG KITA....... AQUARIUS!!!" isinaksak ni Dashi sa hangin ang kanyang susi.
Umikot sa susi ang itim na usok hanggang sa lumaki ito at lumabas ang isang halimaw na may apat doble ang laki sa normal na tao.
BINABASA MO ANG
ALEXIS ADVENTURE 'In a Baby Body'
Fantasy'Gagawin ko ang lahat makabalik lang sa dati kong katawan' - Alexis [COMPLETED]