📌 TWENTY-TWO

735 76 0
                                    

Alyssa POV

Lumabas sa itim na usok ang isang halimaw na may dobleng laki sa Gron Pack at pinaghalong pula at itim ang kulay nito.

May bakal na nakabalot sa buong pangangatawan at dalawang sungay sa ulo, may bundot ng scorpion at malalaking pakpak na mas malaki pa kina Walgron at Fragron, may malahalimaw na mukha na may apat na mata, may matatalim at mahahabang pangil sa pang-ibabang ngipin nito.. May hawak din itong batutang bakal na may tinik.

[A/N : hindi ko po alam ang tawag sa dalang kahoy ng mga sinaunang tao.. Batuta lang ang pumasok sa isip ko 😂😅 pasensya na😅✌️]

Napaatras ako sa nakita ko, kahit malabo ang paningin ko alam kung yun ang itsura nya..

"Ha!! Tignan natin kung matatalo mo ang halimaw mula sa Dark Heaven." sabi ni Dashi kahit na nahihirap ito. Nakahawak sya sa kanyang dibdib na akala mo'y mauubusan na nang hininga.. "Hindi ako magiging kwatro kung wala akong tinatago na alas." sigaw pa nito.

Sumigaw nang nagpakalakas-lakas ang halimaw dahilan nang pagtatakip ko ng tenga..

'Shit, nakakarindi!!' sigaw ko sa isip ko.

"TAPUSIN MO NA SYA, AQUARIUS!!" sigaw ni Dashi..

Inihanda ko agad ang sarili ko sa magiging atake nya. Pero nagtaka ako at alam kung ganun din si Dashi..

Imbis kasi na sumugod ang halimaw ay yumuko ito sa harap ko..

"AQUARIUS, ANONG GINAGAWA MO? ANG SABI KO TAPUSIN MO SYA. WALA AKONG SINABING LUMUHOD KA!!" sigaw ni Dashi.

"Patawad binibinig Dashi ngunit hindi ko magagawa ang pinag-uutos nyo." sabi nya. Ang laki ng boses nya.

"AT BAKIT HINDI?? PAGKAKAALAM KO WALA KANG SINASANTO NA KAHIT SINO!! DAHIL UTOS KO ANG SINUSUNOD MO." inis na sigaw ni Dashi.

"Oo binibini, lahat ng utos mo ginagawa ko. Maliban dito. Hindi ko sya kayang saktan.. Dahil ayaw kong maparusahan sa kaharian namin." - Aquarius.

"AT BAKIT KA NAMAN PAPARUSAHAN?? PAGPATAY ANG PANGUNAHIN NYONG KABUHAYAN." sigaw ulit ni Dashi.

"Oo binibini. Subalit magagalit ng husto ang Prinsipe pagginalaw ko sya. Kaya magpapaalam na ako."

"PERO---" Biglang naglaho si Aquarius sa itim na usok. "AQUARIUS!!!" sigaw na malakas ni Dashi.

"Hahahah.." natawa ako nangyari. "Sya ba ang sinasabi mong alas, Kwatro?" natatawa kong sabi.. "Bakit mukhang natakot ata sa akin?"

Nagtataka ako sa ginawang yun ni Aquarius. Pero nagpapasalamat ako sa kanya dahil hindi nya ako sinaktan.

"Ikaw!!!" sigaw nya at sumugod sa akin gamit ang ispada nya.

Mabilis akong umiwas at inangat ko ang sarili ko sa ere..

"Paalam na Kwatro..." sabi ko. "WIND PETALS!!!"

Sunod sunod na tumama sa katawan nya ang matatalim na hangin. Dahilan ng pagbagsak ny sa lupa at nawalan na ng hininga..

Napaubo naman ako ng dugo sa huling tirang ginawa ko.. Dahan dahang bumagsak ang katawan ko. At nagulat ako nang may sumalo sa akin.

"Nicolas.." napangiti ako sa kanyang ginawa. "Magaling kang tyumempo.." mahina kong sabi.

Nasa dulo sya ng bag ko nang iniwan ko sya.. Sinabihan ko din sya na wag lalapit pag may laban akong hinaharap.

Nag-yiha lang sya at dahan dahan na akong pumikit..

ALEXIS ADVENTURE 'In a Baby Body'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon