📌 TWENTY-THREE

743 81 0
                                    

Alyssa POV

Napabangon ako sa pagkakadapa nang biglang kumalam ang tyan ko..

'Hayyss!! Di pa pala ako nakain..'

Nagulat naman si Nicolas nang makita nya akong nagising na.. Hiningahan nya ako ng malakas sa mukha kaya sa kanya napunta ang tingin ko..

"Nicolas!!!" nakangiting sabi ko dito at niyakap sya. "Salamat sa pagkakasalo mo" at hinimas himas pa ang balat nya.

Nagyiha naman sya.. Na parang sinasabing naliit na bagay ang nagawa nya. Natawa naman ako sa naging asta nya..

"Nicolas, nagugutom na ako.. Ikaw ba?" tumango naman sya sa tanong ko.. "Tara!! Maghanap tayo ng makakain.." dagdag ko pa.

Tumayo naman sya sa pagkakaupo nya.. Tumingin ako sa paligid.. Anduon pa pala ang bangkay nya..

"Ilabas na natin ang katawan na yun, Nicolas."

At nagsimula na nga kaming maglakad palabas kasabay ng bangkay ni Kwatro.. Nakita ko nawala na nag numero sa kanyang dibdib.

----

Narrator POV

"Kamahalan." hingal na sabi ng isang kawal sabay yuko sa Reyna..

"Ano yun?"

"Sama pong balita.." sabi ng kawal. Kumunot naman ang noo ng Reyna. "Natagpuan po namin sa labas ng palasyo ang bangkay ni Heneral at ni Binibining Kwatro."

Napatayo ang Reyna sa gulat at galit na tumingin sa nakayukong kawal.

"LAPASTANGAN!!! PAANO MATATALO ANG MGA ALAGAD KO!!!" sigaw nito..

"H-hin-di po namin alam Kamahalan, p-pero kung titignan po ang mga katawan nila, mukhang isang Magi lang po ang may gawa." natatakot na sabi ng kawal..

"LUMAYAS KANA SA HARAP KO!!" sigaw ng Reyna.. Kumaripas ng takbo ang kawal palabas ng trono. "UNO!!!"

Agad naman ng pakita ang isang babae na nakasuot ng pangkatulong na uniform..

"Kamahalan?" tanong nya at yumuko..

"TAWAGIN MO ANG IBA AT HANAPIN NYO ANG MAGI NAPUMATAY KINA KWATRO." sigaw nito.

Nagulat si Uno nang marinig na patay na si Kwatro. At naikuyom ang kamao..

"Masusunod po kamahalan." may diin nyang sabi at mabilis na umalis.

Galit na umupo sa trono ang Reyna.. Alam ng Reyna na malakas ang dalawa. Kaya nagtataka sya kung paano nalang natalo ang dalawa sa mga alagad nya..

"Alam kong nakikinig ka kaya lumabas ka!!" galit na sabi ng Reyna

"Hahahaha.." mula sa madilim na sulok ng silid ng trono ng pakita ang isang lalaki. Makikita mo ang lakas nya sa boses pa lang.. "Kamusta Vana at Frida?"

Si Frida ay isang pinagbabawal na kapangyarihan na sumanib kay Vana.

"Anong kailangan mo?" inis na sabi ng Reyna.

"Umhh.. Wala naman.. Gusto ko lang masaksihan kung paano kayo maubos.." mapang-asar na sabi ng lalaki.

Tumaas ang kilay ng Reyna sa sinabing nyang yun..

"May kinalaman ka ba sa pagpatay ng mga tauhan ko?" galit nitong sabi.

"Hahaha.. Wag ka ngang magpatawa.." asar nya pang sabi. "Kilala mo ako.. Bakit ko pa kayo iisa isahin kung pwede namang pagsabay sabayin at alam mo naman siguro na kaya kitang pabalikin sa kulungan mo sa isang pitik ko lang." mayabang nya pangdagdag.

Hindi sumagot ang Reyna at masama lang tinignan ang lalaki..

"Binalaan na kita, Vana. Pero pinagpatuloy mo pa rin.." may diin na sabi ng lalaki.

"Pumarito ka ba para pigilan ako?" inis na sabi ng Reyna..

"Bakit pa kita pipigilan kung naumpisahan mo na?" sabi nito.

Mababakas ang inis at galit sa mukha ng Reyna.

"Wag kang mag-alala, nasa tabi tabi lang ako para panuorin ang pagbagsak mo." natatawang sabi ng lalaki saka nawala sa dilim.

"AAHHH!!!" sigaw ng Reyna.. "Masyado kang mayabang Vamas." sabi nya at nagpalabas ng malakas na kapangyarihan.

ALEXIS ADVENTURE 'In a Baby Body'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon