📌TWENTY-SIX

709 75 0
                                    


Allan

Nakita ko na may hinagis ang lalaki patungo sa dereksyon ko

'Paalam na Ina' Ama at munti kong kapatid. Iligtas mo sila pati narin ang palasyo.'

'Anak ko!!'

Pakiramdam ko huminto ang buong paligid ng marinig ko ang boses na yun..

'Ina?' naiiyak kong sabi sa isip ko. 'Nasaan ka?'

'Anak ko!! Wag mong hayaang may mangyari masama sa kapatid mo.'

'Ina.' umiiyak kong sabi.

'Lumaban ka anak ko.. Lumaban ka!!! Iligtas mo ang palasyo at ang kapatid mo...'

'Pero paano ko po gagawin yun, kung napakahina ko?'

'Wag kang mag alala anak ko. Andito lang ako sa tabi mo.'

Pagkasabi na yun ni Ina, hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa katawan ko biglang may lumiwanag sa bandang dibdib ako at naramdaman ko ang pagkakaroon ng malakas na kapangyarihan. Hindi man kasing lakas ng kay Alyssa pero sapat na para matalo ko ang kalaban ko.

Naramdaman ko din na hindi na masakit ang anomang parte ng katawan ko..

Nang makita kong gumagalaw na ang lahat mabilis akong umilag sa atakeng ginawa ni Sais.

"Malakas pa din pala ang pakiramdam mo bata.. Ito kaya maiiwasan mo pa kaya. METAL BOMB!!" sigaw ng lalaki..

Dumaretsyo sa akin ang maliliit na bomba at sumabog ito sa paligid ko

"Ahhhhh!!" sigaw ko..

'Kainis hindi ako nakailag doon.'

Narrator POV

Nagulat ang lalaki ng makita nyang wala manlang galos na nakuha si Allan sa atake nya.

"Paano nya--" bulong nito.

"Ako naman ang aatake at sisiguraduhin ko na mauuna kang makarating sa spirit land.." sabi ni Allan.

Inangat nya ang kanyang katawan sa ere at puwesto sa atake..

Mabilis na sumugod si Allan na halos hindi na nasundan pa ni Sais..

Malakas at mabilis na sinuntok ni Allan ang mukha ng lalaki ng sunod sunod.. At sa huling tira ay malakas nya itong sinipa sa pamamagitan ng dalawang paa nya..

Lumipad si Sais sa ginawang atake ni Allan at apat napuno ang nasira bago sya himinto..

Napaubo naman si Sais.. Mabilis na sumunod si Allan at mataas na lumipad sa ere..

"WIND PETALS!!!!!!!" sigaw ni Allan at lahat ng matatalim na hangin ay tumusok sa katawan ni Sais dahilan ng pagkamatay nito.

Pagod na pagod si Allan na bumaba sa lupa at puwesto kung saan pumasok sina Alyssa..

ALEXIS ADVENTURE 'In a Baby Body'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon