📌TWENTY-EIGHT

737 74 2
                                    

Alyssa POV

Dahan dahan kong minulat ang mata ko nang makaramdam ako ng sakit..

Dahan dahan naman akong tumayo.. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid..

Nakita ko ang dalawang bangkay na wala ng buhay.. Inangat ko ang sarili ko sa hangin at pumunta sa pwesto ng bangkay..

Maya maya lang may narinig akong tumatakbo.. Nilingon ko ito at nakita si Nicolas na mabilis na tumatakbo patungo sakin..

"Nicolas." sabi ko dito ng huminto sya..

Idinikit nya ang mukha nya sa katawan ko at niyakap ko naman yun..

"Tara na Nicolas.. Puntahan na natin si Allan."

Bigla kasi syang pumasok sa isip ko..

'Kamusta na kaya sya? Natalo nya kaya ang kalaban nya..'

Inangat ko na ang dalawa sa pamamagitan ng hangin.. Napansin ko din na wala na ang numero nila sa kanilang leeg.. Si Die ay numero Dos at si Rie naman ay Tres.

Pakiramdam ko din na lumalakas na ang kapangyarihang taglay ko..

Binuksan ko na ang bag ko at lumabas na.. Agad kong nabitawan ang katawan ng kambal nang makita ko si Allan nakahiga, kaya mabilis akong tumalon mula kay Nicolas at nagtungo sa kanya..

"Allan!! Allan!!" lumapit ako sa tabi ng ulo nya. "Allan!! Pakiusap, gumising ka!!" naiiyak kong sabi.

Tumingin ako sa buong paligid at sa hindi kalayuan ay may nakita akong bangkay ng lalaki na kasama ng kambal kanina. Nakasandal ito sa puno at mukhang wala na ring buhay.

"Allan!!" tawag ko dito. Walang tigil ang luha ko sa pagpatak.. "Sabi ko naman sayo mag-iingat ka? Wag mo akong iwan, di ba sabi mo poprotektahan mo ako?"

"Oo naman poprotektahan kita kahit na---." nagulat naman ako ng bigla itong nagsalita..

"Buti nalang ligtas ka!!" naiiyak pero masaya kong sabi.. Mabilis akong tumalon sa dibdib nya at niyakap ang leeg nya.. "Pinakaba mo ako ng husto.. Akala ko iiwan mo na ako e." 

"Hahaha ano ka ba?" umupo sa sa pagkakahiga nya at inayos ako ng upo sa hita nya. "Bakit naman kita iiwan? Hindi pa nga natin naililigtas sila Ama't Ina." dagdag nya pa sabay kurot s magkabilang pisngi ko.

Di naman masakit, nakikiliti lang ako. Napatawa ako sa ginawa nya.

"Buti nalang natalo mo sya." tukoy ko sa lalaki.

"Ako pa ba magpapatalo? Lalo na nung nakausap ko si Ina at tinulungan nya ako." - Allan.

Napatingin naman agad ako sa kanya..

"Nakausap mo sya?" gulat kong tanong.

"Oo---"

"Asan daw sila? Kamusta ang lagay nila?" putol ko sa sasabihin nya.

"Hind---"

"Bat ikaw ang kinausap nya? Ata hindi ako?" putol ko ulit sa kanya.

"Ma--"

"Lumaban din ako nitong nakaraan, Bakit hindi sya ng paramdam sakin?" inis na sabi ko.

"Ew--"

"Sumagot ka nga!!"

"E paano naman ako makakasagot kung yang maliit mong bibig ay pinuputol ang sasabihin ko" sabi nito sabay angat nya sakin. "Hindi sinabi ni Ina kung nasaan sila.. Ang sabi nya lang nasa tabi lang natin sya para gabayan tayo."

Napatungo naman ako sa kanya at tinitigan sya mabuti..

"Allan matanong kita?" sabi ko habang kunot noong pinagmamasdan ang kabuuhan nya.

"Ano yun?" nagtataka nyang tanong..

"May nangyari ba sa katawan mo?"

"Ha?" - Allan.

"Lumaki ka na ei!! Para ka nang nagbibinata." sabi ko dito at pinakiramdaman sya.. "Lumakas din ang kapangyarihan mo at hindi ito tulad ng dati.."

"Hindi ko alam.. Pero may liwanag ang pumasok sa dibdib ko kanina nung nakausap ko sya.." sabi nya.

Lalong kumunot ang noo ko.

'Hindi kaya?'

"Na sayo ang kalahating kapangyarihan ni Ina." nakangiti kong sabi..

----

Narrator POV

"AHHHHHHHH!!!!!!! MGA INUTIL!!!" sigaw ni Reyna Vana.

"PAANO SILA NATALO!!" gumawa ng itim na hangin si Reyna Vana at ibinato iyon sa kawal dahilan ng pagkamatay nito.

"Ano na po ang plano natin, kamahalan?" tanong ni Uno.

"GINALIT AKO NANG HUSTO NG MAGI'NG IYON, KAYA HUMANDA SYA!! HAHANAPIN KO SYA AT AKO MISMO ANG PAPATAY SA KANYA.. SISIGURADUHIN KO NA KAHIT SA SPIRIT LAND, HINDI SYA MAKAKARATING.. GAGAWIN KONG ABO ANG KALULUWA NYA!!!" sigaw pa ng Reyna at nagpakawala ng napakalakas na kapangyarihan.

-----

Alyssa POV

Andito kame ngayon ni Allan sa loob ng bag ko.. Hindi pa rin sya makapaniwala na nasa kanya ang kalahati sa kapangyarihan ni Ina..

"Ngayon, ano na ang plano natin?" tanong nya.

Nalaman ko din na numero Sais ang nakalaban nya.. Dalawa nalang.. Si Singko o mas kilalang Mang Riko at si Uno? Hindi ko pa kilala kung sino ang Uno na yun.. Pero may hinala ako na sya yun..

"Sa ngayon wala pa akong magandang plano.." sabi ko at isinandal ang katawan ko kay Nicolas.. "Panigurado akong alam na ni Vana ang nangyari sa galamay nya."

Seryoso kaming nakatingin sa kawalan. At ilang segundong walang imikan.

"Ah!! Alyssa."

Napatingin ako kay Allan ng tawagin ako nito.

"Oh?"

"Alam mo na isip ko.. Ang swerte ko dahil naging kapatid kita." taka ko naman syang tinignan.

"Bakit mo naman sinasabi yan?" tanong ko dito.

"Wala lang, hehehe.. Pakiramdam ko kasi di ako makukuntento paghindi ko sinabi to sayo.... Naiisip ko kasi lahat ng pinagdaanan ko kasama ka.. Yung panahon na lagi mo akong sinusungitan nung hindi ko pa nalalaman na nagsasalita ka pala.. Yung panahon na sinukahan mo ako.."

"Hahaha.. Hindi kita sinukahan nun.. Idinura ko lang sayo yun kasi ayoko na nakikita ang pagmumukha mo.." natatawang sabi ko.

"Hahaha, bastos ka talaga nun.. Akala ko naman na sobrahan ka lang sa pagkain ng sabaw.. Naalala mo ba nung unang lumabas ang kapangyarihan mo sa bahay aklatan?" - Allan.

"Hahaha oo naman. Di ko naman kasi gagawin sayo yun kung di mo ako pinabasa ng snow white." natatawa kong sabi.

"Malay ko bang ayaw mo nun. Hahaha.. Nagulat nga ako sa ginawa mo kaya na sigawan kita nun." - Allan

"Hahaha ang bilis mo ngang nagtago sa ilalim ng lamesa.."

"Paano akong hindi tatakbo? Hinahagisan mo ako ng libro." ngumuso naman si Allan sa sinabi nya.

'Ang gwapo nya..'

'Shit ano yung iniisip ko.. Alyssa kapatid mo yan'

'Hindi ko sya kapatid.. Nasa katawan lang ako ng tunay nyang kapatid..'

Napailing ako sa mga naiisip ko.. At tumawa sa naging asta nya..

"Mahal na mahal kita, Alyssa.. At poprotektahan kita kahit buhay ko pa ang kapalit.."

ALEXIS ADVENTURE 'In a Baby Body'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon