Chapter 31

28.1K 470 139
                                    

TATLONG ARAW na ang lumipas mula ng damayan ko si sir Zyair sa problema niya at ngayon ay mukhang may gusto ang anak namin.

Gusto ko na din magpacheck up pero hindi pa ako makahanap ng araw dahil lagong nakadikit sa akin si Zane kung hindi naman siya ay ama niya.

Kaya naman nagreresearch nalang ako ng nga dapat gawin kapag buntis.

Habang nag babasa ko sa aking cellphone ay may sapatos na huminto sa aking harapan.

Napatingala ako dito at nakita ko si sir Zyair at Zane kasama si Zaiel na pare parehas ang damit.

"Momma, let's go to mall!" masiglang sabi ni Zane.

Nalito naman ako dahil wala naman silang sinabing mamasyal kaming araw.

Napatingin ako kay sir Zyair at nakitang tumango ito habang maliit na nakangiti.

Kaya naman nilapag ko ang cellphone ko sa may kama at pumuntang banyo.

Habang naliligo ako ay nakarinig ako ng kalabog sa labas kaya naman kinabahan ako at natakot.

Maya maya ay may malakas na kumakatok na sa banyo na nililiguan ko kaya naman minadali ko na ang pagligo at agad na nagbihis.

"Clementine!Fucking open the door now!"malakas na sabi ni sir Zyair sa labas ng banyong nagpakaba sa akin.

Binuksan ko ito at nakita ang galit na galit na itsura ni sir Zyair habang si Zane at Zaiel ay nasa may sulok at umiiyak.

Nanlaki ang mata ko ng higitin ako ni sir Zyair sa braso at sapilitang nilabas sa banyo at dinala ako sa kwarto niya.

Naiwan sila Zane sa kwarto ko.

Pabalag niya akong nilapag sa may sofa dun at naglakad lakad sa aking harapan habang nakahawak sa aking ulo.

Napansin ko ding hawak nito ang aking cellphone kaya naman nanlaki ang mata ko dahil naalala kong hindi ko pala napatay ang binaba ko dun.

"Anong ibig sabihin nito!?" sabi niya at hinarap sa akin ang cellphone kong may article tungkol sa pagbubuntis.

Nakita ko pang may kinuha sya sa bulsa at inilabas ito,ang limang pt na tinago ko sa may kabinet ay ngayon ay hawak niya na.

Napalunok ako sa halong kaba at takot na lumulukob sa akin.Alam niya na.

"Tell me, ARE YOU PREGNANT!?"
malakas na sigaw nito.

Naiiyak naman akong tumango kaya naman napatalon ako ng hinagis niya ang aking cellphone pati na ang mga PT sa sahig.

Durog durog ang naging resulta nun sa aking cellphone.

"Fuck! I don't want another child. And hindi ako makapaniwalang pumatol ako sa nanny ng anak ko." madiing wika nito na siyang tuluyang nagpahagulgol sa akin.

Parang pinira piraso ang puso ko sa sinabi niya, Parang ako lang ang may kasalanan ng nangyari sa amin.

"Abort it." malamig na sabi nito.

Umiling iling ako habang umiiyak pa din kaya nagulat ako ng itaas nito ang kamay na akala ko ay ipagsusuntok niya sa akin.

Sa gilid ng aking sofang kinauupuan tumama ang kamao niya.

Mas lalo akong napaiyak sa ginawa niya at sobrang takot na ang namamayani sa aking sistema.

"And do you really think that i will Accept that?" nanggigil na wika nito.

Hindi ako nakapagsalita dahil sa pag iyak,halo halo ang nararamdaman ko ngayon. I get it, he doesn't want a child with me.

Itutuloy.
❄️
Bakit parang mali yung description na nilagay ko😂

BS #1 BetrayedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon